Seis: Ang tattoo sa katawan ko

22 10 0
                                    

Pitong taong gulang,
Nang aking katawan ay madungisan.
Bumaon saaking dugo’t laman
Ang alaalang hindi malilimutan.
Kakaibang rumihestro sa aking kalamnan.
Na siyang dala-dala ko saan man na lugar aking puntahan.

Ama ko ang may gawa,
Wala akong nagawa kundi tanggapin ang pagbaon ng tinta.
Sa leeg, sa dibdib, sa balakang, sa probado, at maging saaking braso.
Talim ng karayom, malayang tinanggap ko.
Tattong ayokong maulit pa,
Tattong sumira sa aking diwa.
At tattong maraming babae ang tumamasa.
Oh, Medusa.
Ako’y palayain mo na.”

Sa Takip-silim (Tula At Ako)Where stories live. Discover now