Cinco: Hanggang sampo

24 10 0
                                    

“Isa, dalawa, tatlo
ang mga letra'y nagkagulo.
ang mga parirala ang walang tugma o kariktan ang dulo.
ang manunulat ay napagod at gusto ng huminto.

apat, lima, anim,
wala na sa tono ang ating awitin.
ang ating gitara ay hinayaan nalang na nakabitin.
ang ating plaka ay kinakalawang na,
wala na itong saysay at itatapon na.
paano kung ang isang musikero
hindi kayang tumugtog sa entablado?

pito, walo, siyam
ang ating obra y tuluyan nang iniwan at inapakan.
paano ako guguhit ng bagong obra'
kung ang kopya y palgas na?

sampo,
ito na nga ang huling tagpo.
ang tula ay tinuldukan na.
ang kanta ay tapos na.
maging ang obra'y palgas na.
puwede na ba akong makalaya?
sa rehas na ikaw ang may gawa?”

Sa Takip-silim (Tula At Ako)Where stories live. Discover now