Dos: Paalam

41 12 1
                                    

“Ito na nga‚
may tuldok na ang ating parirala.
gustuhin ko man na itugma ang bawat salita‚
ay ubos na ubos na ang tinta
nang ginamit kong pantala.

isisilid ko na ang librong ito,
dahil tapos ko namang basahin na ang buo.

puwede ko na bang itago ito?
upang makapag-sulat ulit ako ng bago.
susulat ulit ako ng tula,
pero hindi na ikaw ang aking ipapaksa.”

Sa Takip-silim (Tula At Ako)Where stories live. Discover now