"Hindi. Hindi ko pa masabi dahil hindi pa rin naman kami nakakapag-usap nang maayos. Lalo't wala rin naman kaming maayos na oras. Bakit?" Tanong ko. Umiling lang din siya at hindi iyon sinagot. Hindi na rin ako nagtanong pa dahil alam ko na sasabihin niya naman iyon kung gusto niya.

Eh kaso hindi. Overthink ka na.

Wala na umeepal nanaman po ang mga bulate.

"Hoy anong pinagchichismisan niyo diyan?" Napangiwi ako nang biglang umakbay saakin si Kyle at sinilip ang mga mukha namin.

"T*ngina Kyle-langot ang bigat mo! Alis!" Taboy ko at inalis ang braso niya sa balikat ko. "Makabagsak ng braso parang di masakit katawan ko ah?"

"Ay sorry. Akala ko kasi manhid ka na." Nakangising saad nito sabay tawa. Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng suntok kaya mabilis siyang umilag at nagtago sa likuran ni Clover na natatawa lang din sa pinaggagawa niya.

"Ako? Manhid? Ul*l." Ani ko at itinaas ang gitnang daliri ko sakaniya.

"Eh bakit di mo maramdaman na may feelings si—" Bago pa man matapos ni Uno ang sasabihin niya ay inakbayan siya ni Riu at ipinulupot ang braso niya sa leeg ni Uno habang ang isang kamay naman niya ay itinakip sa bibig nung una.

"Ang dami mo namang sinasabi, kaibigan. Parang dapat ka na atang ipatumba." Biro ni Riu at medyo hinigpitan ang pagkakasakal kay Uno. Natatawang bumitaw siya rito nang sikuhin siya at batukan.

"Epal." Rinig kong bulong nito at muling binatukan si Riu.

"Anong feelings? Sinong may feelings? At para kanino?" Sunod-sunod na tanong ko. Ngumiti lang si Riu at lumapit saakin sabay akbay na agad din niyang tinanggal nang bigyan ko siya ng masamang tingin. Nginang mga tao 'to ang hilig umakbay.

"Wala. Baliw lang 'yan si Uno kaya kung ano ano pinagsasabi. Hindi kasi nakapagbaon ng gamot." Aniya at ginulo ang buhok ko.

"G*go!" Singhal ng isa at akmang babatukan uli si Riu pero mabilis siyang lumayo. Ending ay naghahabulan nanaman sila sa kwarto ko. At imbis na suwayin ay talagang nag cheer pa ang ibang kumag, nagpustahan kung mahahabol ba nila o hindi ang isa't isa.

"Pag may nabasag lang talaga sa mga gamit ko babasagin ko kayo." Banta ko pero walang epekto dahil aptuloy lang sila sa paghahabulan. Tanging pag irap at pagmumura nalang ang nagawa ko dahil kahit anong saway ko ay alam kong mas matigas pa sa matigas ang bungo ng mga ito.

"Ayaw nanaman manahimik ng grupo nila Mika." Rinig kong bulong ni James kay Eric.

"Anong meron kay Mika?" Tanong ko. Natigilan silang dalawa at sabay na napalingon saakin. Noon ko lang din napansin na tumigil na sila sa pag-iingay at yung dalawa ay tumigil na rin sa paghahabulan. "Sino yung Mika? Babae ba 'yun?"

"Bading kamo." Ani Ian at tumawa. Pero agad din nagseryoso bago bumaling kina Eric at sinamaan sila ng tingin.

"Wala 'yun. Nakaalitan lang namin dati. No big deal." Ani Riu at nginitian ako.

"Eh ano yung sinasabi nila na ayaw manahimik? Nagpaparamdam nanaman ba? Bakit, nagbabanta ba siya o sila?" Tanong ko at mataman silang tiningnan. Napapansin ko ang pagtitinginan ng iba sa isa't-isa pero nanatiling nasa akin ang tingin ni Riu, hindi manlang napawi ang ngiti sa kaniyang mukha.

"Wala, hayaan mo na 'yun. Hanggang parinig lang naman ang kaya non. Hindi naman siya ganun Katanga para magbanta at maghamon ng gulo saamin. So don't stress yourself out on them. Remember, you need to rest and stay away from stress sabi ng doctor." Aniya at nilapitan ako para lang guluhin ang buhok ko. Tumango nalang ako dahil mukha namang nagsasabi siya ng totoo, pero hindi parin ako ganoon ka kumbinsido. Muli silang bumalik sa pag-iingay, kung ano ano ang pinag-uusapan. Pero hindi na nabanggit pa uli ang salitang grupo o pangalan ni Mika ememe kung sino man ang hindot na iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now