Nabigla ako "Kaagad?"

Tumango siya "Nalaman ni mama yung awayan namin ni Dustin, she looks mortified." kwento niya "Baka naman daw maulit yung sa amin ni Asean."

"Nag away na rin kayo ni Asean?"

Wow nagagalit rin pala si Asean, akala ko puro kabaitan nasa katawan nun.

"We're still 18." sagot niya at tinignan muli si Lovi na abala sa pag tingin ng mga papers kung ano ang itatapon at hindi. Binalik niya naman ang tingin sa akin "Ayoko malaman na naman ng mga matanda."

"Are they that strict?"

He nodded "Mula nung namatay si Chairman, they feel like they rule the family." inis niyang kwento. "That's why I'm striving, para hindi na nila kami diktahin."

"Kaya hinayaan mo nalang na gawin ang gusto nilang gawin sa'yo, tulad ng pag engineer?"

He nodded "Hayaan mo na, time will come I'll confront them." aniya

"Wow after ng confrontation niyo ni Dustin parang may confidence ka na." sabi ko pa at napangisi. He playfully smirked too.

"Someone just made me realize some things." aniya "Anyway, Let's get back to work."

Bumalik kami sa ginagawa namin, si Lovi umalis na kasi may class pa siya, buti nalang before lunch time natapos ko nang ilipat ang ibang gamit ko, since I still have time nag arrange nalang rin ako sa bagong room ko.

"So what year are you handling?" tanong ni Dk at binigyan ako ng isang bottled water.

"Grade two." sagot ko "Thanks." dagdag ko sabay tanggap ng tubig, I drank it and it feels refreshing.

"Daphne!"

Napaigtad ako nang marinig ang sigaw ni Nicole sa labas ng room ko.

"Bakit ba?"

She then looked at Draken "Nandito si Asean."

"Ano?" napakunot noo si Dk, sinenyasan lang kami ni Nicole na lumabas. Nagkatinginan kami ni Dk bago sabay na tumango at lumabas.

Nagtungo kami sa site katabi ng building at nagulat nga kami nang makita si Asean na nandoon. Like us, nagulat rin siya nang makita ang pinsan.

"Ginagawa mo dito?" tanong ni Dk

"Akala ko nasa cdo ka na?!" tinuro siya ni Asean

"Eh bakit nga nandito ka?" tanong ulit ni Draken

"Akala ko nasa cdo ka na, as well as daddy kasi pinapunta ka nila Tita sa manila diba? Edi ako ang inutusan e check ang area, malay ko bang nandito ka pa? Ano? May anak ka bang pinapa aral dito?"

Ang daming sinasabi..

"Kukuha ka na nga lang ng information maling details pa makuha mo, gago." napailing si Dk "I got called earlier and my flight is tonight, hoy baka nakalimutan mong nanaig dugong koreano ko kaya hindi ako filipino time na katulad mo na 3 pm pa nga flight, 5 am pa lang nasa airport na."

Alvarez is Alvarezing..

"Are they really like that? Hindi naubusan ng laway kakasalita?" bulong ni Nicole sa akin

"Alvarez thing."

Then Asean pointed at his cousin again "Dustin told me na papuntahin ka sa Manila so akala namin ni daddy agad-agad yun! Malay ba naming hindi pala rush flight? At wow himala, hindi ka pinapunta agad, hindi pa alam to ng mga elders no?" then he smirked "Eh bakit nga nandito ka? Kaka check niyo lang sa site ah."

"I was helping Daphne." sagot ni Dk at tinuro ako, Asean looked at me with his lips parted, lumagpas ang tingin niya sa likod ko dahilan para mapatutop siya sa bibig niya sa gulat.

Whispers of TomorrowWhere stories live. Discover now