"Naaasar talaga ako kapag may nakikita akong batok ng runner," naniningkit ang mga mata ni Miles. Maganda din ang form ni Derrick at hindi pa full speed ang paraan ng pagtakbo nito. Lumiko silang tatlo. Maganda din ang footwork nito. Mabilis na ito sa ganoong form. "Damn, mukhang mahirap siyang kalaban."

"I am not expecting to win this race," Yuugi said. "You want to run in full speed now? Sorprehasin natin 'yan."

Unti-unti na rin silang bumilis ni Yuugi. Dati nilang training noon ang magsalita nang magsalita habang tumatakbo pati ang pagkanta kahit na puro naman sila sintunado noon.

They ran fast. Nilampasan nilang dalawa si Derrick na malamang ay nagulat sa paglampas nilang dalawa. May mga nauna pa sa kanila. Dalawang Nigerian at isang pinoy na alam niyang mapapagod na sa kalahati pa lang ng race.

Ipinikit ni Miles ang mga mata niya. Gusto niyang masabihang malakas na runner kaysa maging mabilis pa. Sinabi ni Coach Martin na talo ng mabilis ang mga mananakbo na subok na ng panahon. Kaya huwag daw siyang mayabang sa kakayahan niya. May mga iba pa bang determinado na gumaling pa sa track.

Nilagpasan niya ang isang Nigerian at nilagpasan rin ito ni Yuugi kaya napangisi siya. Ngunit nawala iyon nang lagpasan sila ni Derrick. Nanlaki ang mga mata niya dahil ang bilis nitong tumakbo. Mas mabilis pa sa kanya. He gritted his teetch. Wala siya doon upang manalo. Maganda na rin itong opportunity na mapanood ang running form ni Derrick. So he's one of his biggest rival?

Kilalanin nang mabuti ang mga katunggali niya? Wala naman iyon sa nature niya bilang runner. Focus siya sa pagpapagaling sa track team. Nawala na nga rin sa isip niya ang mapabilang sa POS.

He increased his pace. Wala pa siya sa full speed at inipon lamang niya ang hangin niya. Nasa likod niya si Yuugi. Nalampasan na nito ang mga Nigerian na malamang asar na asar. Di hamak naman na mas mahahaba ang mga biyas ng mga ito kompara sa kanila ni Yuugi pero mas trained sila noon sa track. Mahigpit ang coach nila kaya sumasakit madalas ang katawan niya dahil sa rigorous training. Kahit ngayon, nasa kanya ang training regimen notebook nito na ibinigay nito sa kanya dahil nag quit na ito para mag focus sa small business nito.

Ipinikit niya ulit ang mga mata niya para damhin ang hanging-dagat na tumatama sa mukha niya. Pinakiramdaman niya ang mga bisig niya at ang mga binti niya. Nasa kondisyon pa naman. He didn't to win now. He would get serious when the competition started.

Natapos ang race na si Derrick ang first place. Ni hindi man siya hinayaang malagpasan ito kahit na binilisan pa niya ang pagtakbo. But he left an impression to him. Nilapitan ito ng mga taga-media, mga sponsors, at fan girls nito.

Walang lumapit sa kanya, si Yuugi lang na pangatlo sa race na iyon. May prize naman sila roon.

"Gutom na ako. Gusto mong kumain?" yaya nito.

Pumayag siya at pinili nilang kumain sa tapsilugan matapos nilang magpalit ng damit. Seafood ang puntirya nila dahil malapit lang naman sila sa dagat.

He was munching on his food when he thought of joining the nost cruel marathon in Puerto Real. He would be fine to run with Yuuji but he's not his teammates.

"What?" Yuuji asked.

"Nothing." Tinapos na lang nila ang kinakain nilang seafood. May iilang customers naman ang kainan na iyon na galing sa marathon.

"Magaling yung second."

"Yung third yung type ko, beh. Ang pogi."

"Dahil ba half-half?"

"Gueapo naman yung broccoli."

"Yung broccoli ang buhok?"

Sinamaan niya nang tingin si Yuugi nang akmang tatawa ito sa convo ng dalawang babae na walang malay na nasa paligid lang ang pinag-uusapan ng mga ito.

POS 1: Miles, Track and Field HottieWhere stories live. Discover now