Sprint: Seven

4 2 6
                                    

//

"You're fidgeting." nakapameywang na saad ni Shane kay Miles na panay ang paroo't parito lalo na nang malaman ni Miles na may mga track and field athletes ang galing sa Easton Sports University at kilala niya ang isa sa mga iyon. Naging kalaban na niya sa track meet noong highschool at dikit ang laban nila.

Sinulyapan niya si Aaron na may ngiti sa mga labi habang kausap nito ang kapwa nito track athlete sa kaparehong university. Kinawayan lang siya nito.

May mga taong gustong sumaksi sa competition at marami ang tao sa grandstand.

Samu't-saring banners at tarpaulin ng mga sponsors ang nasa paligid. Sa bawat gilid ay may mga taong nag-aabang sa pagtakbo ng mga runners.

Pinaraan niya ang mga daliri niya sa kulot niyang buhok at bumuga ng hangin. Umaga pa lang ngunit pakiramdam ni Miles, bumibigat lalo ang bloke sa mga balikat niya. Parang may dinadala siya kahit wala naman.

Miles was wearing his black with green stripes running shorts and green running top similar to Rasmus who's now doing some stretches. He did some circle exercises on his foot. Suot-suot niya ang running shoes na gagamitin niya sana sa Singapore noon kung hindi lang siya nabulilyaso.

"Bakit ka nandito?" he spat at Shane. Katabi lang nito si Theo, na manonood rin ng karera niya.

Tumalon-talon si Miles at inayos ang pulang headband niya. Napabuga siya ng hangin.

"Edi, papanoorin ka! Bawal na ba ako rito?" kaswal na sagot nito at inakbayan pa si Theo na seryuso lang ang mukha, hindi nahawaan ng pagiging masayahin ni Shane.

Kagaya niya itong, nate-tense din.

Naikuwento na niya rito noon ang mga naging kalaban na niya sa highschool track meet at kung minsa'y sinasabayan siya nitong nanonood ng mga track events sa telebisyon. Ginagawa niya iyon upang pag-aralan ang mga techniques ng mga ito pagdating sa breathing, pacing, preparations etc.

"Nandito lang kami ni pareng Theo. Di ba, Theo?" Binaklas lang ni Theo ang kamay ni Shane, tila naasiwa sa pagiging feeling close ni Shane.

"Don't keep on overthinking, Miles." payo ni Theo sabay tapik sa balikat niya't mariin na humawak roon. Matiim ang dark green nitong mga mata na nakatingin sa kanya. "You know, it will get you nowhere. Focus on your goal, okay?"

"Yeah, I know. It's to be the best runner. And thanks,"sambit niya rito. Kaagad namang nag-react si Shane.

"Grabe, third wheeler lang talaga ako rito," reklamo ni Shane na hinila lang ni Miles pabalik sa puwesto ng mga ito kanina. Sinenyasan na siya ng coach niya na malapit na magsimula ang race.

Tumingala si Miles sa langit at sandaling pumikit, pinakiramdaman ang init ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Halos walang hangin sa paligid. Maalinsangan ang panahon, medyo napaparanoid na si Miles dahil hindi niya madama ang hangin kahit saglit.

Tumalas ang mga mata niya nang dumako iyon sa starting line. If wind isn't around this time, then he will be the wind. He will create it.

Inalala niya ang mga techniques at running tips na natutunan niya sa training niya.

Tila ugong na lang sa pandinig ni Miles ang countdown. Katabi niya ang mga katulad niyang tatakbo sa marathon. 

Miles put his sixty percent effort in running his first set of miles, counting his breathes and still maintaining his current pace for minutes. Dahil sa ginawa niya, ikatlo na siya sa panghuling runners na tumatakbo, ngunit hindi iyon ininda ni Miles. Nanataling nasa harap lang ang focus niya. He had this habit of shutting himself out of his surroundings when he's running. As if he was alone in the world. Trying to be the wind he desired when he was young.

POS 1: Miles, Track and Field HottieWhere stories live. Discover now