"Para saan iyan?" Tanong ko at umarko ang isang kilay habang pinagmamasdan siyang dere-deretso lang na pumasok ng kwarto ko. Halatang nahihirapan siya sa malaking telang hila niya. Kalaunan ay narealize kong comforter pala ito na pwedeng higaan ng sa tingin ko ay mga lima hanggang sampung katao.

"Dito ako matutulog." Samu't saring reaksiyon ang natanggap niya dahil doon, kabilang na ang pagmumura ko ng malutong sa kaniya.

"G*go ka ba?! Kanina halos isumpa mo na ako tapos ngayon sasabihin mong dito ka matutuog?" Yamot na saad ko at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit ka nakikisama sa sleep over namin?! Kasama ka ba sa circle? Ha?" Pananaray rito ni Kyle with matching irap pa.

"Yuck nakikisali sa friend group. Friendless ka ba? Diba tropa mo section 1? Papuntahin mo para may kasama ka mag sleep over." Sabi naman ni Mykell.

"Ang dami niyong reklamo. Bakit? May gagawin ba kayo?" Iritadong tanong ni KZ.

"Oo. Panira ka, alam mo ba 'yon? Ang laki mong istorbo." Ani Clover at inakbayan pa ko.

"At anong gagawin niyo? Kalokohan?" Tanong uli ni KZ.

"Oo nga. Kaya labas na. Hindi namin matuloy-tuloy oh." Gusto kong batukan si Clover dahil sa pinagsasabi niya. Mahihimigan ang pang-aasar sa boses niya na sineryoso naman netong pinsan kong angry bird base sa pagiiba ng timpla ng mukha at ang pagtingin niya rito nang masama.

"Get your hands off her right now or I'll cut it. I won't hesitate, Pierce." Nagbabantang saad ng pinsan ko. Tanging pagtawa lang ang sinagot ni Clover at tinanggal ang braso niya sa balikat ko.

"Chill, Montefalco. Para ka namang mangangain diyan. You should try to smile sometimes. Sige ka, maaga kang magkaka wrinkles niyan." Clover said and smirked at him. Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ng pinsan ko at talaga namang nagpipigil ng sarili na hakbangin ang pagitan nila at tuluyang birahin ang katabi ko.

"Pag nagka wrinkles siya, tatawagin ko siyang lolo!" Napuno ng hagalpakan ng mga kumag ang kwarto ko. Nasisiguro kong aabot iyon sa hanggang dulong kwarto sa floor na ito sa lakas ba naman ng hagalpakan nila. Ang iba ay napapahampas pa sa sahig at maluha-luha. Napakamot na lamang sa ulo si Renz nang masaksihan ang reaksiyon ng mga kaklase namin. "Luh tawang-tawa?"

"Siraulo ka talaga, Renz!" Halos hindi maintindihang sabi ni Klarenz.

"H-hoy tama na! May mga natutulog na oh." Saway ko pero maging ako ay hindi mapigilan matawa nang kaunti. Makaraan ang sampung minuto ay tumigil na sila sa pagtawa. Hingal na hingal silang lahat na para bang tumakbo sila nang napaka tulin.

"Ano? Tapos na ba kayo?" Tanong ni KZ. Kaniya-kaniya silang tango at huminga nang malalim. "Geh. Matulog na kayo." Utos nito. Nilapag niya ang comforter na hawak niya at hinayaan ang mga kumag na mag-ayos neto. Kung tutuusin ay hindi na kailangan neto dahil makapal naman ang carpet ng kwarto ko at bagong linis din. Pero siguro ay dagdag na layer na lamang para siguradong hindi tatagos ang lamig ng sahig.

Tumayo at umalis sa tabi ko si Clover nang lumapit doon si KZ. Nilapag niya sa kama ko ang unan na dala niya sabay bato ng kumot sa mga lalaki. Napailing na lamang ako at tumayo para kumuha ng isa pang comforter dahil pang sampung tao lang ang dinala ng pinsan ko. Paglabas ko ng walk-in closet ko ay kaniya-kaniya na silang higa. Ang iba ay nakaupo pa rin at hinihintay ang dala ko samantalang yung iba ay parang patulog na. Napagod siguro kakatawa.

Nakangiwing lumapit sa kama at pinagmasdan ang pinsan kong ang sarap ng higa sa kama ko habang nags-scrolls sa phone niya.

"Doon ka kaya sa may bintana." Ani ko at tinuro ang sofa na nasa bintana, yung tinulugan din ni Ice noon. Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy lang ang kung ano mang ginagawa niya sa phone niya. Marahas akong nagbuga ng hangin at napailing. Sumampa ako sa kama at humiga sa bakanteng pwesto. Malaki ang kama kaya mayroon ding malaking space sa pagitan namin. Nilagay ko ron ang isang unan ko at tinalikuran siya.

"CJ." Napatingin ako sa baba at nakita ang mga mata ni Kyle na nakatitig saakin.

"Oh?" Ngumisi siya kaya alam kong hindi maganda ang sasabihin nito.

"Natatae ako." Aniya at tumawa. Nandidiri ko siyang tiningnan at inirapan. "Seryoso ako."

"Ang bagra mo. Kung matulog ka nalang kaya." Ani ko na tinawanan lang niya. Tumihaya ako ng higa, pero nakita ko na bigla siyang nagseryoso at muli akong tinawag.

"CJ."

"Ano?"

"Are you okay?" Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Maka-ilang beses akong lumunok para tanggalin ang bara sa lalamunan ko. Huminga rin ako nang malalim bago sumagot.

"O-oo. Sa ngayon, oo." Sagot ko. Muli akong tumagilid at tumingin sa ibaba. Katabi niya si Riu na mataman akong tinitingnan.

"Stop lying." Seryosong saad nito. Nararamdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng sulok ng mata ko kaya muli akong huminga nang malalim, nagbabakasakaling mawala ito.

"I'm not. Sa ngayon kako, oo. Okay lang ako. Kanina, hindi. Pero ngayon oo. Sa mga susunod na araw, hindi ko alam." Sagot ko at bumuntong hininga. "I'm sorry. Lahat kayo nadadamay sa gulo ko."

"Hindi kami nadadamay, Cyan. Kusa kaming sumasali." Napatingin ako sa bandang paanan nila Kyle at nakitang nakaupo ron si Clover.

"Ginugusto namin na sumali at tulungan ka. Kaya kung mabangasan man kami, kasalanan namin yun kasi bida-bida kami." Dugtong niya pa. Kusa akong napangiti kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Bakit kasi nakikisali kayo eh." Basag ang boses na saad ko. "Hindi ko inaasahan na magiging ganto ang samahan natin. Hindi ko inaasahan na magiging pamilya ang turing niyo saakin. And I'm thankful for that. Kaya ayokong sumali kayo sa gulo ko. Because you're important to me, at hindi ko kayang isipin na kaya kayo mapapahamak ay dahil saak—"

"CJ bago ka pa man dumating sa section namin napapahamak na kami. Yung ganyan? Mani lang iyan saamin. Buong buhay namin nakikipag bakbakan kami kaya wag kang mag drama diyan. Hindi kami mamamatay kapag tinulungan ka namin." Putol saakin ni Dev. Noon ko lang napansin na halos lahat pala ay gising at nakikinig lang saamin. Pero meron ding mangilan ngilan na masarap na ang tulog, gaya nalang ni Mykell na naghihilik pa.

"If you want to protect us then let us help you. We'll protect each other." Muli akong napatingin kay Kyle at ngumiti. Pinahid ko ang luha ko at tumango tango sakanila. Pero nasira ang magandang moment na iyon nang manahimik ang paligid. Maya-maya ay nakaamoy kami nang kakaiba. Nanlaki ang mga mata ko at agad na inilagay ang unan sa ilong ko.

"Hoy t*ngina naman sinong nagpasabog diyan?!" Singhal ni Eric na grabe ang pagkakapisil sa ilong.

"P*ta walang tunog! Paano natin malalaman kung sino?"

Lahat kami ay napatingin kay Kyle nang bumalikwas ito ng upo. Bumuntong hininga siya at tumayo.

"Sorry guys. Natatae na talaga ako." Sabi niya at kumaripas nang takbo patungo sa banyo. Kaniya-kaniya silang baton g mura at singhal kay Kyle na nag peace sign lang bago isara ang pintuan.

"P*unyeta pre silent killerka Kyle Cohen!"


(votes and comments are highly appreciated by the Author

and always remember,

PLAGIARISM IS A CRIME)

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now