PROLOGUE

4 0 0
                                    

Ito ako ngayon naglalakad papasok sa gate nang bago kong school, inilipat kasi ako  nila tita dahil nga sa may pagka-basagulera ang anteh niyo CHAR LANG, pero totoo may pagka-basagulera talaga ako kaya ako nilipat nang school nila tita.

Pagka-pasok ko sa gate dumiretso ako sa Registration office para makuha ko na ang section ko, sana nga ay di na ako maging basagulera dahil nangako ako kila tita na magbabago na ako.

Nang nasa tapat na ako ng R.O (REGISTRATION OFFICE) kumatok muna ako.

TOK! TOK!

"Come in" dinig kong sabi nong nasa loob.

Kaya naman pumasok na ako, pagkapasok ko ay nakita ko ang isang pig-ura ng isang lalaki, hindi ko siya masiyadong makita dahil nakatalikod siya sakin, mukhang busy siya.

"Ikaw ba yung transferee?" pagtatanong niya bago humarap sakin, may katandaan na siya pero di naman ganon kahalata dahil sa may itsura siya.

"Ah o-opo, ako nga po yun" muntik na ako ma utal.

"Ako nga pala si Rafael Alencar but you can call me sir raf at ako nga pala ang principal dito" tumango na lamang ako.

"Hmm...before i give your building, dorm no. And your section, gusto ko lang sabihin na sana ay wag kang magaya sakanila kung sakaling makapasok kana sa section mo dahil ayokong magaya ka sakanila" kahit nagtataka ay tumango na lamang ako bago niya ibigay sakin ang- TEKA! Dorm!? Agad naman akong lumingon kay sir raf at nagtanong.

"Teka po sir, bakit po may dorm?" Taka kong pagtatanong.

"Hindi mo alam?" Ay sir alamang sa malamang HUH?, syempre sir transferee ako eh, yan ang gusto ko sanang sabihin.

"Hindi po eh, ngayon ko lang po nalaman" sagot ko.

"I see...ok wag na nating isipin ang tungkol don" sabi niya actually ang dami pa niyang sinabi puro tango lang nga ako eh.

"Ok sir, thank you po" pagpapasalamat ko bago umalis.

THE ONLY GIRL IN SECTION SNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ