Paano pala kung sa ulo ako tinamaan? Ayos lang iyon sa kaniya?!

"I'm okay," Marahan kong tinabig ang kamay ng isa sa mga workers, naiilang itong tumango sa akin.

Tinakpan ko ang braso ko na may konting sugat at gasgas.

"Kung tapos kana rito, babalik na ako sa company." Iyon lang ang sinabi ko bago siya iwan roon.

Tangina. Kung alam ko lang, bakit pa ako umaasa sa kan'ya? baka kasi mahal pa niya ako o may natitira pang feelings para sa akin. Bakit ang sakit?

Pumasok ako sa loob ng kotse at doon itinuloy ang pag-iyak. Nakasandal ako sa bintana habang ang braso ko ay patuloy sa pagkirot. Naalala ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin kanina, pag-aalala ba iyon o pagka-irita?

Huminga ako ng malalim at pinikit ang mata. Kahit ganoon siya wala akong karapatan na magalit o magtanim ng sama ng loob... sa ngayon.

Hinayaan nalang na kumirot ang braso ko tutal wala rin naman akong gamot na dala o maski first aid.

Narinig ko ang pagbukas at sara nang pinto ng kotse. Hindi ako dumilat o lumingon dahil alam kong siya iyon. Nakarinig din ako ng ingay ng plastic na tila binubuksan.

"Aisha" It's really weird when he calls me. Parang lahat ng lungkot ko ay nawawala.

Dumilat ako at nakita ang hawak niyang gamot sa sugat. "Let me check your arm, come to me."

Hindi na ako nagreklamo dahil masakit na talaga at namasa na rin iyon habang ang dugo sa sugat ay natuyo na.

Hinayaan ko siya na gamutin ang sugat ko kahit napapadaing ako sa sakit niyon. Seryoso lang siya habang dinadampian ang sugat ko.

"Ouch..." Kinagat ko ang ibabang labi ko at mariin na napapikit.

"Sa hospital tayo ipatingin natin baka may naapektuhan na buto sa braso mo." Aniya habang dindampi ang bulak sa sugat ko.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin ngayon dahil miss na miss ko na siya, umasa ako na kapag nagkita kami ay ako pa rin ang pipiliin niya. But he doesn't. Caelum has a girlfriend now and what's even more painful is that he doesn't recognize me anymore, he only see me as a stranger.

"Stop staring." Usal niya inangat niya ang tingin sa akin kaya pareho na kami ngayon na nakatitig sa isa't isa "why are you crying?"


Umayos siya ng upo iniwas ko naman ang tingin sa kaniya. Pareho kaming natahimik na dalawa.


"It's been a year... since you left me. " Sambit niya. Naramdaman ako ng panghihinayang sa boses niya.

Sa nagdaang taon, naging matatag naman kami 'di ba? 'yon nga lang, hindi na katulad ng dati.


"Gustong gusto kita noon." Napayuko ako. Oo naalala ko nga kung paano niya ako magustuhan.

Ngayon iba na.

"No'ng iwan ako ni Caroline buong buhay kong pinagsisihan iyon, nang iwan naman ako ni Jacob galit na galit ako sa sarili ko kasi siya yung kaibigan ko na pinapatahan ako sa tuwing naalala ko si Caroline, wala manlang akong nagawa para sa kan'ya." Pinagmasdan ko si Caelum sinandal niya ang kaniyang ulo sa manibela.


"Iniwan nila ako at iniwan mo rin ako. Saan ako kakapit? hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas, umuwi ako sa amin pero kinulong lang nila ako kasi... nasisiraan na raw ako sa utak. The world is so hard on me that I want to blame everything on you."

My heart beat so fast not because of happiness but because of pain. Ngayon ko lang naisip na mas kailangan niya ako noong mga panahon na iyon, pero hindi ako nanatili. Isang katangahan ang ginawa ko. Wala ako sa tabi niya para damayan siya. Sinira ko ang mga pangako ko sa kan'ya.

"Blame me," agad kong pinunasan ang luha ko. "S-sorry... I'm sorry, hindi ko alam." Paos kong usal kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi.


"Mahal na mahal kita no'n Aisha e." Tinakpan ko ang mukha ko. Ang sakit! ngayon ba? ngayon ba ako pa rin? may pag-asa pa ba?



"I'm sorry..."

Naramdaman ko ang bisig niya na yumakap sa akin, hindi ko na napigilan ang umiyak habang yakap niya. Mariin akong napakapit ako sa kaniyang damit habang dinadama ang haplos niya sa likod ko.

I missed him so much, his hug and his presence and everything to him.

"Gusto kong magalit sa'yo." Malalim ang boses niya."Hindi ko magawa kasi tangina! marinig at makita ko lang na umiiyak ka mas gusto kitang yakapin kaysa pabayaan ka."

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now