Chapter 7

0 0 0
                                    

MATAPOS ang buong araw, nagpasya na kami ni Dylan na umuwi na pero ang ending, nagkayayaan kaming gumala muna sa mall. Nang mag park, umikot si Dylan at pinagbuksan ako ng pinto. Hinawakan ko ang kamay niya at bumaba na ng kotse.

"Thank you, Dy." pasasalamat ko habang inaayos ang maong skirt na suot ko.

"Anytime, princess." Dylan smiled bago kami tumungo sa may entrance.

"Dylan, can I ask you something?" nag-aalangan kong tanong.

Dahil maingay sa mall, he leaned towards me, "Hmm?"

"Ano kasi, I need to buy clothes for Reese's birthday party tyaka gift for her and I'm wondering if pwede ko isabay ngayon?"

Dylan looked me straight in the eye and smiled, "Sure, samahan kita."

I pouted, "Are you sure? Matagal ako mag shopping baka ma-bored ka lang kakasunod sa akin. Pwede ka naman mag-ikot ikot tapos magkita na lang tayo once I'm done."

Umiling si Dylan, "No, I'm coming with you para may tagabit-bit ka."

"Sure ka ha?"

"Yes, Destiny, kapag sayo lagi akong sigurado." Dylan smiled and held my hand, "Now, where are we going first?"

"Let's buy a gift muna for Reese. Oh by the way, pupunta ka ba sa party niya?"

Tumingala si Dylan, parang nag-iisip, "Her party is this coming friday right? I think I will come."

"Then great! Tara, let's buy her a gift!"

Halos naikot na namin ang buong floor pero wala pa rin akong mapili na ibili para kay Reese. Para kasing lahat nasa kanya na, hindi ko naman pwedeng iregalo si Rion sa kanya.

"This is frustrating me!" buntong hininga kong saad.

I heard Dylan's chuckles, "Kaya pa ba?"

"Ano ba kasing pwedeng ibigay sa bruhang yun? Kung pwede lang balutin si Rion ginawa ko na eh."

Narinig kong muli ang tawa ni Dylan, "What does Reese like to do?"

"Travel lang— OH! Let's buy her plane ticket na lang papuntang Boracay tutal she's been pestering me about that. Gusto niya raw pumunta dun kasi stressed na siya sa school."

"Let's make it two, one for her and one for Rion." Dylan agreed.

"It's settled then! Tara sa boutique, may nakita akong dress dun na tingin ko bagay sa akin."

For the past hour, nakaupo lang si Dylan, hinihintay akong makapili ng isa sa tatlong dress na sinukat ko.

"Dylan, what do you think? Alin ang mas bagay sa akin?"

Itinaas ni Dylan ang tingin at ipinakita ko sa kanya ang tatlong dress na pinagpipilian ko.

"All of them fit you, baby. But if I'm going to choose one, I think that the black bodycon dress looks the best on you."

Sinukat kong muli ang dress na sinasabi ni Dylan and honestly, may taste siya sa damit. This bodycon dress is backless and has a slit. It perfectly hugs my beautiful curves. I also wore black ankle-strap heels.

Lumabas ako ng fitting room and called Dylan's attention, "How's this? Bagay ba sa akin?" umikot pa ako para makita niya nang maayos.

Tumayo si Dylan at lumapit sa akin, "Hi gorgeous, you look perfect!"

"Hindi ba masyadong revealing or something?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya, "Not at all. Destiny if that dress makes you feel confident and beautiful, you don't have to worry about what others think. You do you, basta you look beautiful in that dress, baby."

"Really? Thank you, Dy! Since meron na akong outfit, how about you?"

Dylan looked around, "I have some suits at home, I'll just buy a bowtie."

I let Dylan do his thing habang nagpapalit ako ng damit. Once done, nagbayad na kami sa cashier and the gentleman Dylan is, siya ang nagbitbit ng pinamili ko. Hindi na ako umangal dahil hindi rin naman papayag si Dylan na ako ang magbitbit nun.

Habang nagiikot-ikot, biglang tumunog ang phone ni Dylan. He looked at me and I nodded, sign na okay lang sa akin na sagutin niya ang tawag. Tumabi muna kami sa gilid para makausap niya nang maayos ang nasa kabilang linya.

"Mom? Yeah, nasa mall. Right now? I mean I will pero ihahatid ko muna yung kasama ko. Yes, this will be quick. Okay, see you, mom."

Kumunot ang noo ko, "Hinahanap ka?"

Ibinalik ni Dylan ang phone sa bulsa niya bago tumango, "Emergency raw."

"Edi pumunta ka na baka kailangan ka na roon!"

Umiling si Dylan, "Ihahatid muna kita sa inyo, gabi na Destiny."

"No, I can handle myself, Dylan. Mas kailangan ka doon sa inyo sige na."

Nagmatigas si Dylan, "Baby, baka mapahamak ka. Ihahatid na kita sa inyo."

Sasagot na sana ako nang may magsalita sa likod ko, "Ako na, Dy. Hinahanap ka na ni Tita."

Dylan smirked, "Welcome back, Z. I'll leave Destiny to you. Ikaw na ang bahala sa prinsesa mo."

Zero nodded bago nakipag handshake kay Dylan. I hugged Dy before I sent him off. Pinanood namin siyang maglakad hanggang sa nawala na siya sa aming paningin.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko nang kunin niya ang mga paper bags na hawak ko, "Ako na. Uuwi ka na ba?"

Saglit ko pang tinitigan si Z bago dahan-dahang umiling, "I'm craving dimsum, sama ka?"

Zero smiled, "Sure, my treat."

Nang makaupo at makaorder, tinitigan kong muli si Zero, "Are you mad at me?"

Kumunot ang noo niya, "Why would I?"

Umiwas ako ng tingin, "I just thought since I rejected you that night."

I heard Zero's soft chuckle, "Never akong magagalit sa iyo nang dahil lang dyan Destiny. Like I said, I expected you to reject me."

"Then bakit ilang linggo kang hindi nagparamdam?"

"Kailangan ko lang ng time at space para makapag isip-isip. I'm sorry kung pinag-alala kita, sadyang gusto ko munang mapag-isa. But now, okay na ako."

"Are we still friends?"

Zero genuinely smiled, "Of course! Wala namang magbabago, Destiny."

I nodded, "Thank you, for understanding me, Z. Sobrang swerte ko na parte ka ng buhay ko. Kahit na nasaktan kita, you still chose to stay."

"Kahit anong mangyari Destiny, mananatili ako sa tabi mo. That's what I promised right? I will never break that."

"Thank you, Zero. Someday, darating din yung taong para sayo."

"Kung ganun, sana naman bilisan niya." Zero joked.

"Baka na-traffic lang, hintay hintay ka." dagdag ko.

Zero giggled, "By the way, I see, mas close na kayo ni Dylan. What's up with you guys?"

"Wala naman, we're friends."

Nakita ko kung paano umirap si Zero, "Para saan ang pagpaparaya ko kung wala rin naman pa lang mangyayari sa inyong dalawa?"

Umirap din ako pabalik, "Hindi ko nga kasi gusto si Dylan, ang kulit mo talaga kahit kailan, Z."

"Alam mo, tama si Reese. You're so dense, iuntog kaya kita sa pader?"

Inayos ko ang kararating lang naming order bago tiningnan nang masama si Zero, "Eh sa totoo naman eh, hindi ko nga gusto si Dylan! Kayo lang tong nagpupumilit."

Bumuntong hininga si Zero, "Eh kung iyan ang gusto mo edi go. Kung marealize mo man ang feelings mo, sana hindi pa huli ang lahat."

Calm Amidst the ChaosWhere stories live. Discover now