Chapter 4

0 0 0
                                    

NAPATINGIN ako kay Reese nang tapikin niya ako.

"Are you alright? Kanina mo pa tinutusok yung ulam mo kawawa naman."

I sighed, "I am okay, Reese. May iniisip lang."

Reese raised her eyebrow, "Yan ba ang okay? Sa buong twenty minutes na magkasama tayo, higit sa trentang beses kang bumuntong hininga. Now tell me, what's the problem?"

Binitawan ko ang tinidor at humalumbaba, "Si Dylan kasi, ilang araw nang walang paramdam. Nag-aalala kasi ako baka napano na siya."

"Baka naman may sakit?"

I shook my head, "Wala raw sa bahay nila eh sabi ni Zero. 'Di rin alam ng tropa niya kung saan siya nagpunta."

"And this is relevant because?"

"Because he is my friend, Reese. Syempre I want to know how's he."

Reese nodded, "Ahh dahil kaibigan mo siya o dahil may gusto ka sa kanya?"

I rolled my eyes, "Reese naman, how many times do I need to tell you na hindi ko nga gusto si Dylan? Na si Zero nga ang gusto ko?"

My friend sighed, "Alam mo, you're so dense. Gustong gusto na kitang iuntog pero 'di ko lang magawa."

Hindi ko na lang sinagot si Reese at ipinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko.

"TARA?" Zero asked.

Ngumiti ako sa kanya at tumango, pinagsiklop niya ang mga kamay namin at sabay naming binagtas ang daan papuntang parking lot.

Nang makarating kami sa harap ng sasakyan niya, pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makapasok.

"Thank you, Z." I smiled.

Sinuot ko na ang seatbelt at nagsimula nang magmaneho si Zero.

"Where are we going?" I asked.

"The usual."

Mukhang dadalhin nanaman ako ni Zero sa lugar kung saan kami madalas mag date. He knows I love to watch the sunset high school pa lang kami kaya madalas niya akong dinadala sa matataas na lugar.

When we reached the place, namangha ako sa aking nakita. There were flower petals na nakakalat sa rooftop. It was decorated well and it's very romantic. Nilingon ko si Zero na pinapanood ako.

"You prepared this?"

Zero nodded proudly, "For you."

I embraced him, "You don't have to do this but thank you, Zero. I'm really happy."

"I'm glad you liked it. Tara, let's eat first before I give you my surprise."

We spent the evening eating and talking. Marami kaming pinag-usapan and spending time with Zero is so fun. His humor makes the atmosphere very light.

When we finished, dinala niya ako malapit sa railings at sabay naming pinagmasdan ang city view. Unti-unti nang nagbubukasan ang mga ilaw ng mga buildings.

Mabilis akong lumingon patalikod nang makarinig ng violin. I covered my mouth when I saw Zero holding a bouquet of tulips. He was standing there with a beautiful smile plastered on his face. Naglakad siya palapit sa akin at tumigil siya sa aking harapan. Iniabot niya ang mga bulaklak na siya namang tinanggap ko.

"What for?" I asked.

"Destiny, matagal kong pinag-isipan ito and I think it's time. Noon pa lang, naging bukas ako sayo tungkol sa nararamdaman ko. I love every part of you, including your flaws. All the time we spent together, I am the happiest and I can't imagine my future without you. Gusto kong tumanda kasama ka, gusto kong bumuo ng magandang kinabukasan kasama ka, Destiny. Now if you will let me, will you be my girlfriend?"

Pigil hiningang pinanood ko si Zero. I expected him to do this. Today was a special day but I can't fully feel happiness. Hindi ko alam bakit eh matagal ko naman nang hinihintay ito. I even promised to myself na sasagutin ko na si Zero, but why? When did things started to change? When did my feelings started to fade? Hindi ako tanga, alam ko sa sarili ko na hindi na ako sigurado. Dapat ay hindi ako nagdadalawang isip kung mahal ko si Zero.

"I d-don't know what to say, Z-zero." nauutal kong saad. Lalo akong na-guilty nang makita ang mga ngiti niya.

"You are not sure, are you?"

Umiwas ako ng tingin, "You know that I love you right? But I don't think I can be your girlfriend, Zero. Back then, planado na sa isip ko ang pagsagot sa iyo pero ngayon, nagdadalawang isip ako. Ayaw ko namang sagutin ka nang may pag-aalinlangan because you deserve the best, Z. And I don't think I can give that to you, I'm sorry." mahina at dahan-dahan kong litanya.

Tumayo nang tuwid si Z at tumitig sa langit, "At least I shoot my shot. I already know that this would be the outcome. I expected that you will reject me, Destiny. Sinubukan ko lang para wala akong pagsisisihan. I understand your decision."

Kumunot ang noo ko, "You expected this? How?"

Zero chuckled, "Hindi ako tanga para hindi makitang mas masaya ka sa iba. It's Dylan, right? Yung mga ngiti at tingin na ibinibigay mo sa kanya, ganung-ganun yung ibinibigay mo sa akin noon, Destiny."

I looked at him and I can see the pain in his eyes, "I didn't know… Siguro tangang pakinggan pero hindi ko talaga alam, Z. I never entertained the idea of me falling for another guy kasi andyan ka eh— you are my ideal type."

Zero smiled, "Pero kahit ako ang ideal type mo, hindi naman ako ang pinili ng puso mo. Destiny, stop making it hard for yourself. Alam kong pilit mong iwinawaksi ang katotohanang si Dylan na ang gusto mo. You are just afraid of accepting that fact."

Tinitigan ko ang sahig, pilit na pinipigilan ang aking mga luha, "No, no— you're still the one. Ikaw lang naman eh, ikaw lang dapat, Zero."

I can hear Zero's footsteps, "Kung ang iniisip mo ay masasaktan ako, please stop thinking of me. I want you to be happy, Destiny. At kung kay Dylan ka masaya, hindi kita pipigilan. Please, wag mo nang pahirapan ang sarili mo."

"I'm sorry if I'm making this hard for the both of us. I'm sorry if I'm hurting you Zero. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong paniwalaan."

Zero sighed, "Yang puso mo, Destiny. Iyan ang pakinggan at paniwalaan mo. I want you to be happy, baby— that's what you deserve."

Iyan ang huling linyang narinig ko mula kay Zero.

Calm Amidst the ChaosWhere stories live. Discover now