"Hindi na raw kayo dapat na mag-alala, Ma'am. Bayad na raw po ang room niyo."

Manghang napaawang ang bibig ko sa sinabi ng babaeng receptionist. Kahit ang nurse na nakikinig lang ay namangha rin.

"Sinong nagbayad?" tanong ko, hindi pa rin makapaniwala na mage-stay ako sa VIP room nang wala ng alalahaning bayarin sa loob ng dalawang araw.

Pero umiling lang ang babae. Confidential daw at bawal sabihin kaya sa huli, wala rin akong nagawa at sumama na lang sa nurse at isang staff ng hotel papunta sa VIP room na tutuluyan ko raw.

"Salamat," pasalamat ko sa nurse nang makarating na kami sa VIP room dito sa second floor.

Ngumiti siya at marahang tumango sa akin at umalis na.

Ang babaeng staff naman ang nagbukas ng pinto at pinapapasok ako sa loob.

"Nasa loob na rin po ang inyong maleta at bag, Ma'am. Pinahatid na po ni Ma'am Ellah habang nasa loob pa kayo ng clinic." Sabi ng staff.

Tumango ako at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Napakalaki nitong kuwarto, malaki ang kama. Maaliwalas at kita ko rin mula sa kintatayuan ko ang City view ng Cebu.

"Tumawag lang po kayo, Ma'am sa ibaba kung may kailangan pa po kayo. Gamitin niyo lang iyong intercom."

Nilingon ko ang babae. Nakatayo lang ito malapit sa may pinto at hindi man lang pumasok.

Tumango lang ako. Nang umalis na siya ay isinarado ko ang pinto.

Tinungo ko ang aking maleta at kumuha ng bihisan. Pagkatapos ay pumasok ako sa banyo at naligo para maibsan ang pananakit ng ulo ko.

Saglit lang din akong naligo at agad din na nagbihis. Sakto rin na pagkalabas ko ng banyo ay may kumatok sa pinto.

Baka may nakalimutang sabihin iyong staff kaya bumalik. Ngunit agad na kumunot ang noo ko ng mabuksan ko ang lalaking may dalang mga pagkain na nakalagay sa service cart.

"Hindi po ako nagpapa-deliver ng pagkain," ani ko sa lalaking staff ng hotel.

"Kayo po ba si Miss Geminiah Abelardo, Ma'am?" sa halip ay tanong ng lalaki.

Tumango ako. "Yes."

Ngumiti ang lalaki. "Then, this is for you, Ma'am. Pina-deliver po ni Mr. Crawford para sa inyo."

Napakurap ako at agad na bumundol ang kaba sa dibdib ko nang marinig ang apilyedong binanggit ng lalaki. Para sa akin. Pina-deliver ni Mr. Crawford. Shit! Paano niya nalaman na nandto ako sa hotel? And double shit! Nandito ang matandang iyon sa PIlipinas! Dito sa Cebu!

"S-Sige... iwan mo na lang d'yan." Kinakabahang sabi ko.

Hindi ko naman puwedeng tanggihan dahil bukod sa gutom na rin ako ay ayaw ko nang lumabas at baka naroon lang sa labas ang matandang iyon.

Pagkalabas ng lalaking staff ay agad kong ni-lock ang pinto. Pero hindi ako mapakali. Hindi ako puwedeng mahuli ni Sebastino. No way!

Napasulyap ako sa pagkaing nasa maliit na mesa. Nang kumalam ang sikmura ko ay agad akong lumapit doon. Isa-isa kong binuksan ang mga takip. Tatlong putahe ng ulam at isang serving ng kanin. Agad naman akong natakam sa steak.

Dinampot ko ang kutsara at magsandok na sana nang maalala ko ang nangyari sa akin noon sa cruise ship. Binitiwan ko ang kutsara saka muling tinakpan ang mga pagkain.

Baka may pampatulog na naman ang mga iyon. Hindi puwede. Kailangan kong makaalis kaagad ng Cebu bago pa man ako tuluyang mahuli ng matandang iyon. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya ako mahanap.

Haunting Past(Isla Reta Series 2)Where stories live. Discover now