Chapter 5

9.8K 233 31
                                    

UNEDITED


Habang patuloy ako sa pagliligpit ng mga kalat sa mesa nagdadalawang isip ako kung pupunta ba o hindi sa opisina ni Jerviz. Napapaisip tuloy ako kung ano na naman kaya ang gusto nito sa akin.


Napabuntong hininga na lang ako at pumunta na sa kanyang opisina matapos kong mailagay sa ayos ang mga gamit ko. Kumatok muna ako ng dalawang beses. Bubuksan ko na sana ng bigla rin itong magbukas. Isang nakangiting Jerviz ang nagbukas ng pintuan na iyon.



"Tuloy ka Kate." Tumabi naman ito para bigyang daan ako na makapasok.


"Upo ka," hinatid niya ako sa sofa na  naroon loob nang kanyang opisina bago ito pumunta sa kabilang sofa na kaharap ng inupuan ko. May kinuha itong isang brown envelope sa side table na nakalagay sa kanyang left side. Iniabot niya iyon sa akin at  nagtatakang kinuha ko naman iyon.



"Ano po ito Sir?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.


"Buksana mo." Saka sumeryoso na ang mukha nito.


Binuksan ko naman iyon at may nakita akong isang white bond paper. Binasa ko iyon at nagulat ako ng basahin ko ang nakasaad doon.


"Sir?! Akala ko ba nagkaliwanagan na tayo? Sinabi ko na sa inyo na ayaw kong magpanggap bilang girlfriend 'nyo!"


Sa halip na sagutin niya ako tungkol sa kontratang ibinigay niya sa akin, ang tungkol kay Danica ang isinagot nito sa akin.


"Kailangan ng dugo ni Danica, at mahirap itong hanapin. Sangayon hindi sapat ang pundo ng ospital kaya kailangan pa nating maghanap ng donors para makumpleto na ang dugo na kailangan. Sangayon, may inutusan na ako sa America at may nakuha na akong apat na bag ng dugo doon  para maibigay na ito sa kanya sa lalong madaling panahon." Saka ito tumayo at pumunta sa kanyang mesa na nasa harapan ng dalawang mahabang sofa na naroon kung saan kami naka upo.



Tumayo naman ako at sumunod sa kanya. "Anong pinagsasabi mo? Anong dugo? At bakit mo alam ang tungkol sa kapatid at ako hindi ko alam ha? "


"Pipirmahan mo ba iyang kontrata o babawiin ko ang mga na order ko ng dugo para sa kapatid mo?"


" Hindi ko pipirmahan iyan! At may nakita na akong donor ni Danica kaya wala ka ng dapat ipag-alala pa." Sabay patong ng dalawang kamay ko pabagsak sa harapan nang kanyang mesa.


Nagpatuloy ako sa pagsasalita habang siya naman ay nakatitig lang sa akin. "Ano ba talaga ang gusto mo sa akin Sir Jerviz?" Huwag n'yo naman po akong paglaruan, mahirap na ang buhay para sa akin at sa kapatid ko h'wag n'yo naman po sanang dagdagan pa, parang awa nyo na Sir."


Hindi ito nakapagsalita at tiningnan lang ako sa mga mata. Tumayo ito at tumalikod sa akin, hinarap nito ang salaming bintana niya sa likuran kung saan matatanaw mo ang nagtataasang mga gusali sa bandang kaliwa nito at sa banadang kanan naman at ang  kalawakan ng tubig dagat. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng opisina nito.


Pagkatapos naming mag-usap lumabas na ako ng kanyang opisina. Hindi na kami nakakain pa ng pananghalian naming dalawa dahil sa pag-uusap naming iyon. Pagsapit ng alas singko ng hapon, nag-uwian na ang mga empleyado ng Star Magazine. Niligpit ko narin ang mga gamit ko para maka-uwi narin ako.



Nasa labas na ako ng gusali namin ng may isang batang lalaki ang huminto sa harapan ko. Gusgusin ang mukha ng bata, marumi ang kanyang damit, sira ang tsinelas nito at may dala-dala itong sampaguita.


"Ate, bili na po kayo pangkain lang po, sampu po tatlong peraso." Saad ng batang lalaki sa akin.


Kukuha na sana ako ng pera sa bag ko ng may lumapit sa amin ng batang lalaki at inabutan ito ng sandaang peso. "Ito bata, tama naba itong isandaan para sa lahat ng paninda mo?"


"Yes Sir! Salamat po! Mabibilhan ko na ng pagkain ang dalawa kong kapatid." Masayang sagot ng bata. "Alis na po ako!salamat!" Sabay kaway nito habang tumatakbo palayo.


Kumaway narin ako sa batang lalaki. "Salamat at binili mo lahat ng paninda ng bata, makakauwi na siya sa kapatid niya." Sabay tingin ko sa kanya saka siya nginitian.


"Wala 'yon, alam ko kung gaano kahirap ang buhay kaya dapat lang na ibahagi ko ang kung anong meron ako." Saad nitong nakangiti rin sa akin.


"Pupunta ka ba ng hospital?" Tanong nito sa akin.


"Oo, dadaanan ko lang si Danica, kakamustahin ko rin si Andrea kung okay naba ang pag do-donate niya ng dugo sa kapatid ko." Hindi na ito kumibo pa at huminga na lang ng malalim.


"Hatid na kita doon, dadalawin ko narin ang pinsan kong si Greg."


Hindi na ako umangal pa, hinayaan ko nalang siyang ihatid ako sa hospital. Wala rin naman siyang ginawang masama, nagmamagandang loob lang din naman ito.


Tahimik ang naging bIyahe namin papuntang hospital, ilang minuto rin ang naging takbo ng biyahe namin bago kami nakarating ng hospital. Dumeretso kami ng parking area sa underground ng hospital. Nang makahanap na ng bakante, agad na nagpark si Jerviz. Tinanggal ko na ang seat belt saka binuksan ang pintuan ng kotse ngunit na una na niyang buksan ito.


"Salamat," saka ako tuluyang bumaba. Ngumiti lang din ito sa akin.


Wala parin kaming imikan habang naghihintay ng elevator. Isang minuto ang lumipas ng magbukas ang elevator sa harapan namin. Pareho kaming nagulat ng tumambad sa harapan namin ang dalawang tao na nagbabangayan.

"Andrea?" Sabi ko.

"Greg?" Sabi naman ni Jerviz.

Parehong napatingin ang dalawa sa amin na halatang nagulat din.

Itutuloy....

Salamat!!!!!

Itutuloy....

Sorry po sa lahat ng mga mali, edit ko na lang po sila next time.

Hanggang dito na lang muna, sana magustuhan niyo ang part nato. Thank you!

Please comment and vote naman kayo!. Salamat!

Love....Love..
iamdreamer28

🎉 Tapos mo nang basahin ang Contract with Mr. Jerviz Lantice Completed (Major Revising) ✔ 🎉
Contract with Mr. Jerviz Lantice Completed (Major Revising) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon