"Bakit nag-iingay ang baby ko, hmm?" Masayang tanong niya habang pakiramdam ko sasabog na ako.




"Uuwi na ako," matigas na sabi ko, bigla nitong tinakpan ang bibig niya at lumungkot ang mata niya.




Pero pag-alis niya ng takip ng bibig niya... nakangiti ito ng matamis.




"Pilitin mo ako." Humahagikgik na sabi nito.




Pilitin mo ang ina mo!




Gusto kong sabihin iyon sa kanya, pero hindi ko magawa, dahil baka mas lalong hindi niya ako pauwiin.




Pumikit ako habang nanginginig ang kamay ko. Pilit na hinahabaan ko ang pasensya ko kahit maikli ang pasensya ko.




Tinignan ko siya na naka-sandal lamang sa pintuan at nakahalukipkip habang kagat-labi na nakatitig sa akin.




"P-please, kailangan ako ng pamilya ko." Pagsusumamo ko sa kanya. Napakunot agad ang noo niya sa sinabi ko.




"Oh come on, baby. Palamunin ka lang, hindi ka nila kailangan, balita ko nga may party sa kanila kasi wala ka na, yehey!"




Kong bomba ako kanina pa ako sumabog sa inis, marinig ko lang ang boses nito gusto ko na siyang saksakin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.





Pumikit ako at pilit na ikinalma ang sarili ko kahit na inis na inis na ako.




"K-kailangan ko ng umuwi." Nakapikit na sabi ko, at pilit na nagtitimpi sa kanya.




"Ayaw." Sabi niya na nagpamulat sa akin, at binigyan ako ng matamis na ngiti habang niyayakap ang sarili niya.





Poor, Little GirlWhere stories live. Discover now