Agad kong hinampas ang braso niya na ikinatawa niya. "Magtigil ka riyan!"

Mas lalo siyang natawa nang makita ang namumula kong pisngi. Tuwang tuwa ang loko.

"Ang sarap sa tenga na marinig ang cheer mo, sana ganiyan ka rin sa akin sa performance namin." Pinisil niya ang pisngi ko bago ako halikan sa noo. Dumating naman sina Theodore na parang nangangasim ang mukha sa amin.

"Ano ba 'yan, pati ba naman rito?!" Reklamo ni Harrison.

" At least hindi pumapatol sa bata." Walang kwentang sambit ni Rupert sinamaan siya ng tingin ni Harrison kaya pareho na silang nagbabardagulan ngayon.

"Kamusta Theo? natawagan mo na ba?" Tanong ni Jacob saglit niya kaming tinaasan ng kilay ni Caelum.

"Oum, pero... sa Summer fest na raw siya pupunta." Bakas ang disappointment sa mukha ni Theo.

Tinapik ni Caelum ang balikat ng kaniyang kaibigan. In love talaga itong si Theo, hindi ko pa nakikilala ang babae pero alam kong siya ang dahilan kung bakit napaamo si Theodore.

Pagkatapos ng rehearsal nagtungo kami sa bahay para doon kumain, gusto raw kasi nina Mommy na makita kami ni Caelum habang si Jacob ay inasikaso at kinausap ang mga organizers.

"Hindi pa name-meet ni Aisha ang parents mo?" inosenteng tanong ni Mommy. Napakagat ako sa ibabang labi at napatingin kay Caelum na natigilan sa pagkain.

"Uh... maybe... soon?"

"Ah, gano'n ba? sige, ayos lang yan ijo. Basta huwag niyo munang madaliing dalawa ha? follow your dreams, always remember that."

"But your daughter is my dream," muntik na akong mabulunan sa biglaang pagbanat ni Caelum. Tinapik ni Dad ang balikat niya.

"Grabe, feeling ko magkakasundo tayo, ganiyan din ako sa asawa ko noong kaedaran namin kayo e." Napapailing naman si Mommy pati ako sa kanilang dalawa.

Nag-usap sila at nagtuturuan pa ng pwedeng ipang-banat sa babae sa mga susunod na araw. Tumulong naman kay Mommy sa paglilinis ng kusina.

Ilang araw ang lumipas naging abala rin kami sa rehearsal at paghahanda ng The Daze. Sobrang excited kaming lahat dahil ngaylng araw na ang Summer fest maraming tao ang dadalo sa buong stadium mapalabas man o loob.

"Wait, wait! nakalimutan ko yung sunblock ko, mainit roon ih." Usal ni Clarisse habang naglalagay ng sunblock si Simone naman ay nagme-makeup.

"Alas-otso pa naman ang simula pero heto't mas excited pa tayo sa kanila." Natatawang sabi ni Simone pati tuloy ako ay natawa.

Nagsuot ako ng pink crochet top na pa butterfly at white maong short at white shotes. Nagsuot din ako ng ilang pearl accessories at tinalian ang mahaba kong buhok.

"Itong isa, excited makita ang boyfriend niya." Parinig ni Clarisse na animoy hindi nasaktan sa pambabasted sa kaniya ng pinsan ko.

Aniya nga naka move-on na raw siya sa lalaki at tatanggapin na kaibigan nalang ang turing sa kaniya nito.

Natapos kami sa pag-aayos kaya sumakay kami sa van para maagang makarating si stadium dahil sasalubungin pa namin sila sa backstage.

Ito na ang mahalagang araw sa The Daze at kay Jacob buong taon silang naghanda para rito. Naabutan ko ang magkakaibigan na nagtatawanan habang nagre-rehearse ng panghuli.

"Jacob!" Sigaw ni Clarisse kumaway siya rito kaya kumaway din ang pinsan ko pabalik.

"Ang aga niyo ah, hindi halatang prepared?" Natatawang sabi ni Jacob. Humalik siya sa pingi ko sabay gulo sa buhok ko. He was wearing only a plain white t-shirt and denim pants and he was also wearing shades. May hawak siyang listahan ng nga dadalong celebrities ngayon na inaabangan daw talaga ang performance ng The Daze sa malaking stage.

Si Simone at Clarisse ay nauna na sa backstage para asikasuhin ang mga damit ng The Daze at ni Jacob. Napansin ko si Jacob na tila may hinahanap sa kaniyang bulsa.

"Ano 'yon?" Taka kong tanong.

"May naiwan ako sa condo," aniya habang kinakapa ang kaniyang bulsa. "Shit! yung usb ko, naiwan ko sa condo!"

"A-anong gagawin mo? uuwi ka?" Taranta ko ring tanong.

Mabilis siyang tumango at tinapik ang balikat ko.

"Sandali! ako nalang ang kukuha—" he cut me off.

"Ako na! malapit lang naman e, babalik ako agad." Aniya habang nagmamadali. Akala ko ay aalis na siya pero bumalik siya kasabay ang pagsulpot ng mga kabigan niya.

"Oh, anong nangyari?" Tanong ni Priel.

"Nakalimutan ko yung usb sa condo, mahalaga yun e. Iyon kasi ang last video na ipapakita mamaya after ng performance ninyo." Sagot niya sabay himas sa kaniyang batok.

"Kukunin ko lang, kung magsisimula na kayo tuloy lang mga, pre." Aniya at tinapik isa isa ang balikat ng mga kaibigan.

"Babalik agad ako,"

Hinawakan ni Caelum ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Umalis na si Jacob kaya bumalik na rin kami sa backstage isang oras nalang ay magsisimula na ang performance nila. Nag text si Jacob sa akin pagkaraan ng ilang minuto. Nakuha na raw niya ang usb.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now