C h a p t e r 3 - New Beginning

13 2 0
                                    

It's been a week since I leave that place.

Akala ko naliligaw na kami dahil ibinaba lang kami sa isang lugar na walang katao-tao o kahit anong kotseng dumadaan ay wala.

Hindi ko na pinansin ang driver at ang kasama niyang lalaki na nag uusap at tumingin-tingin na lamang ako sa paligid.

Hapon na pala ngunit bakit parang nasa gubat ang pupuntahan namin?

"Let's go" he said not looking at me at agad na itong nagsimula maglakad patungo sa kakahuyan agad naman sumunod ang kaniyang apat na kasama at sumunod na rin ako.

Habang palayo ng palayo ang aming nilalakad ay padilim ng padilim sa bawat lugar na aming nalalagpasan.

"Thanks Captain for bringing us here" wika ng lalaking halatang masayahin at madaldal.

Tango lamang ang kaniyang tinugon.

Hmm So, siya pala ang kanilang leader.

"Bilisan na natin at malapit ng magdilim"

Napanganga ako sa aking isip ng marinig kong magsalita ang babaeng sobrang taray at tahimik na ngayon ko lang narinig ang kaniyang boses.

Pero mukhang magkahawig silang dalawa ngunit magkaiba sila ng ugali napakajolly ng lalaki at siya ay sobrang tahimik at napakasuplada.

Hindi man niya sabihin pero ramdam ko na ayaw niya sa akin.

Sa loob ng limang oras na paglalakad huminto kami sa isang gilid.

Ano ginagawa namin rito?

Bigla na lang nagpakita ang napakakinang na puno.

Pwede ko na ata ito ibenta. Ang liwanag at ito ay kulay ginto. !

May nilabas silang parang diyamante na sobrang kinang at isinuksok sa punong aming kaharap may butas palang maliit na hindi kapansin-pansin na isinuksok agad ng tinatawag nilang leader ang diyamante.

Nagkaroon ng malaking gintong parang nanghihigop o ito na ata yung tinatawag nilang lagusan o portal tree.

Nagsilapitan na ang kaniyang apat na kasama at agad pumasok roon.

Nang kami na lang dalawa.

Naramdaman ko na lang ang kaniyang malamig na palad ng bigla niya akong hawakan sa aking kamay.

"Don't worry. Just don't let go your hand in mine" he said coldly.

Hindi pa ako nakakapagreact ay agad niya akong hinila at agad kaming pumasok.

Hindi ko alam bat biglang ang dilim eh ang liwanag naman nung tinignan ko ito. Mali pala ako sobrang dilim kapag pumasok ka.

Nakakahilo parang hinihigop kaluluwa ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang tinagal namin.

Malapit na ako masuka.

"Hey, open your eyes we're already here"

Hmm... may narinig akong nagsalita. Kahit nahihilo pa ako ay unti-unti akong nagmulat.

Narito na pala kami sa labas ng napakataas na kulay gintong pinto na mayroong makukulay na paru-parong lumilipad at may kung anong diko maipaliwanag na nagbabantay sa gate pero parang nasa langit na ata ako sa liwanag neto. Nang umayos na ang paningin ko ay unti-unti ko nang nababasa ang napakalaking sulat na nakaukit sa malalaking bakal.

I read in my mind, "Welcome to NARIA Academy"

Napakaganda ng pagkakaukit. Unti-unting bumubukas ang napakalaking gate. Pero napansin kong nababalutan ito ng mahika hindi ganon kalakas pero hindi rin ganon kahina. Ngunit magiging mapanganib ito sa lahat kung sakaling may mangyayaring masama.

Unexpected Queen (Ongoing)Where stories live. Discover now