CHAPTER 3

790 35 3
                                    


AMBRE'S POV


Alanganin akong pumunta papalapit sa munti kong kama. Masyadong mabilis, ngayong araw lang kami nagkakilala tapos meron na agad pa-sleepover. 

Lumilipad ang isip akong nahiga sa espasyo sa kaniyang tabi at agad na nanlaki ang mata ng mapagtanto na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Goodness, bakit doon ako humarap? Parehas kasi kaming nakatagilid, kahit payat pa kaming parehas ay hindi talaga magkakasya dahil pang isang tao lang talaga 'tong kama.

"Ah!" I groaned when I fell from the bed sa sobrang gulat. Hawak-hawak ko ang pang-upo habang tumatayo, rinig ko naman ang mahinang pagtawa ng katabi ko. Muntik ko na irapan, nakakatawa ba?

"Just lay down, pretend that I'm not here." Tatawa-tawa nitong saad.

"Ano ka, multo?"

"No, but I don't mind being one if that means I can get to sleep here whenever I want and be with you without you worrying about my presence."

I just heaved a sigh sa mahabang lantana nito at humiga na lamang ulit ngunit sa kabilang side na humarap.

"You'll sleep with your glasses on?"

"Mas komportable ako ng ganito." Wala naman na akong narinig na sagot mula dito.

30 minutes na ata akong nakapikit pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok, hindi rin ako makagalaw. Isa lang ang pwede kong posisyon, it's either ganito o haharap ako sa kaniya.

"Are you asleep?" Napamulat ako sa narinig. Akala ko ay tulog na siya dahil hindi na rin naman siya nagsasalita kanina pa. 

Medyo kalmado na ang paghinga ko, hindi tulad kanina na laging nakabuntong hininga kaya naman nang hindi ako sumagot ay akala niya siguro ay tulog na talaga ako.

There's no way I can sleep ng may katabing maliban sa ngayon ko lang nakilala ng personal ay sobrang ganda pa.

Hindi ko alam kung naco-conscious ako sa sarili tuwing magkasama kami o talagang may problema lang talaga sa'kin dahil hindi talaga ako mapakali. 

Ilang segundo matapos akong hindi sumagot, I almost jolted when I felt tiny arms slowly hugging my waist from my back. 

Hindi ako masyadong nag-react dahil ayokong malaman niya na gising pa ako. Hindi ko mas lalo alam kung paano aakto kapag nalaman niyang hindi pa pala ako tulog tapos nakayakap siya sa'kin.

Naramdaman ko din ang pagbaon niya ng kaniyang mukha sa likuran ko bago magpakawala ng hininga na para bang sobrang kampante niya.

I felt her thumb gently caressing my stomach above my shirt. I don't know pero parang mas naging komportable ako sa ginagawa niya, parang 'yon ang nagpaantok sa akin.

I slowly felt darkness took over me bago tuluyang pumikit.

______________________

I was locking my door, papasok na kasi ako. Kaninang madaling araw ay ginising ko na si Kiara dahil nag-set talaga ako ng oras para paalalahanan siya na kailangan na niyang umuwi dahil maaga ang pasok namin tapos wala pa siyang dalang damit kaya hindi siya pwedeng mag-stay dito ng matagal.

Kung ano ang posisyon namin noong nakatulog ay ganoon din ang posisyon namin noong nagising ako.

I remember turning around to face her para sana gisingin siya but agad na natigilan nang makita ang sobrang payapa niyang ekspresyon sa napakahimbing niyang tulog. I chuckled when I heard her little snores. Sobrang pagod ata siguro niya. Nang sinubukan kong ilihis ang buhok na humaharang sa kaniyang mukha ay mukhang naalimpungatan siya dahil bigla siyang lumapit at yumakap ng mahigpit at isinubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg na para bang sobrang komportable niya at parang saulong-saulo niya ang buong pagkatao ng katabi niya. She even whispered to give her 5 more minutes bago ko siya gisingin ng tuluyan.

Ombres Et LumiéresWhere stories live. Discover now