"Why are you and you're wife got an annulment?" Hindi mapigilang tanong ni Sophia na ikinangisi ni Louie.

"And why are you interested in my love life? You are already married to my friend, Sophia." malisyosong tanong ni Louie kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"I'm just asking! Masama ba?" naiinis na sabi ni Sophia na ikinahalakhak ni Louie.

"You reminds me of my lil sister. Parehong-pareho kayong nagsusungit agad at spoiled brat."

"What? Are you comparing me to your sister, and I'm spoiled brat? Are you nuts?!"

Kung kanina pa naiirita si Sophia kay Louie, mas lalong nadagdagan iyon dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung matatagalan ba niya ang ugali nito. Mas makulit pa ito kompara kay Migos.

Itinaas ni Louie ang mga kamay habang tumatawa-tawa pa rin. "Chill! Masyado ka namang high blood, miss. I'm just kidding."

"You're not funny. Stop pestering me, Mister!" rebat niya kay Louie na tumahimik na pero mukhang nagpipigil pa rin ng tawa.

Dumating na rin ang mga in-order nilang pagkain dala ng isang waiter. Kung hindi pa ito dumating malamang ay nasabunutan na niya sa inis si Louie.

They ordered steak frites with walnut salad and cinnamon roll bread. Madalas niya itong orderin sa isang sikat na restaurant sa Paris, France kapag nagpupunta sila ng kaniyang parents para sa isang business trip. She really loves french cuisine.

Nang magsimula na silang kumain ay natahimik na rin si Louie at halatang gutom na gutom dahil sa mabilis na pagsubo ng pagkain. Ilang oras ba naman itong naburyo at nakasunod lang sa kanya habang namimili siya ng mga gamit at hygiene sa katawan. Kasalanan naman nito na sumama pa sa kanya kaya magtiis siya.

"Tungkol pala sa tinatanong mo kung bakit ako na-annul sa asawa ko, nahuli ko siyang may kasamang lalaki sa loob ng kuwarto namin." sabi ni Louie na parang wala lang habang patuloy pa rin sa pagkain.

Natigilan si Sophia.

"The funny thing is, stepbrother ko ang kabit niya." dagdag ni Louie sa sinasabi.

Mas lalong nagulat si Sophia at kaagad nakaramdam ng awa para kay Louie. "I'm sorry kung tinanong ko pa 'yon."

"Nah. It's okay. I'm moving forward at masaya naman ako na single na. Nagagawa ko ulit ang mga bagay na gusto ko na walang asawa na magdidikta sa akin." Tumawa si Louie ng mahina at nginitian siya.

Napatango si Sophia. She can tell Louie is a happy and strong person. Despite being annoying and talkative, he appears to be optimistic about life.

Pagkatapos nilang kumain sa restaurant ay si Louie na ang nagdala ng mga pinamili niya. Nagtanong pa ito kung may gusto pa ba siyang bilhin o puntahan pero pagod na rin siya kaya gusto na niyang umuwi sa mansyon.

Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil ngayon ay kasal na siya sa lalaking nag-aruga sa kanya simula noong bata pa lamang siya. Masyado silang naging madrama at emosyonal kahapon. Hindi niya pa rin pinapansin si Stefan dahil sa galit at pagtatampo niya rito, kaya siguro ay inabala na lang nito ang sarili sa trabaho.

Nalulusaw na rin naman ang galit niya kay Stefan pero hindi pa rin katanggap-tanggap na pagkakita pa lang sa kanya na umiiyak sa daan habang umuulan at basang-basa ay kaagad siyang pinakasalan.

The Devil's Innocent BrideOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz