As in wala talaga siyang tinitirang space sa mukha ko na hindi niya hinahalikan. Well, hindi rin naman talaga kasi ako nanlalaban. Hinahayaan ko na lang kasi gusto ko rin naman.

"Pero pwede pasok muna tayo sa loob? Nakakahiya naman sa nagbabantay ng CCTV ng building n'yo at bibigyan pa natin siya ng show," sabi ko.

"Alright," natatawang sagot ni number eleven at iyong maleta ko ang una niyang kinuha. "What's with the suitcase?"

Ako naman ang ngumisi. One of my surprises, baby. "Explain ko mamaya."

Pumasok kami sa loob ng unit niya. Pangatlong beses ko na itong nakapunta rito pero naa-amaze pa rin ako sa laki, ganda, at linis nito. Minimalist ang design at theme pero alam mong mamahalin at rich kid ang nakatira. Halos color dark blue and white lang din ang makikita sa mga gamit niya. At ine-expect ko rin na malinis dito kasi malinis sa katawan itong isa. Mas unexpected siguro kung marumi at makalat pala siya sa place niya.

Nilapag ko sa carpeted sala niya iyong backpack ko. Tumabi naman sa 'kin si number eleven at pinanood akong nilalabas iyong cake sa box pati na rin iyong lighter para masindihan iyong kandila.

Pagkatapos ay kinuha ko iyon saka humarap sa kaniya nang nakangiti.

And for a second ay natigilan ako para i-appreciate ang mukha ni number eleven na nasisinagan ng apoy galing sa kandila. Since dim ang lights dito sa sala niya, kitang kita ko ngayon kung gaano nag-take time si Lord para gawin siya.

At ang swerte ko kasi... akin siya.

"Happy birthday to you..." nagsimula akong kumanta.

Habang kumakanta ako ay titig na titig lang sa 'kin si number eleven. Gano'n din naman ako sa kaniya. Hindi ko na inalintana kung sintunado ba ako o hindi. Mas nangingibabaw ngayon iyong malakas na pagtibok ng puso ko.

"Alam kong sinabi mo na ako ang wish mo," mayabang na sabi ko pagkatapos kong kumanta. Natawa naman si number eleven. "Pero mag-wish ka pa rin. Mamili ka na lang kung world peace o end poverty."

Tumawa ulit si number eleven pero pumikit din naman siya. Pagdilat niya ay tumingin muna siya sa 'kin saka hinipan iyong kandila.

Naamoy ko pa nga iyong hininga niya pero ba't ang bango? Amoy mint. 'Di ba natulog na siya? Ang unfair talaga.

"Anong w-in-ish mo?" Tanong ko.

"Secret," ngumiti siya.

Ngumuso ako. "Tayong dalawa na lang dito, o."

"It won't come true if I tell you."

"Sabagay. May point ka," sagot ko saka napatingin sa backpack na dala. Kinuha ko iyon at malaki ang ngiti na tumingin sa kaniya. "May regalo ako sa 'yo."

Kitang-kita ko sa mga mata ni number eleven na sobrang na-excite siya pero mas pinili niya pa ring maging chill lang. Ewan ko sa isang 'to. Imbes na maging cool sa paningin ko, e, naging cute siya.

Binuksan ko iyong backpack at nilabas doon iyong part 1 ng unang regalo ko sa kaniya. Nag-effort ako na ibalot iyon sa wrapping paper na color dark blue. Inabot ko iyon sa kaniya at parang ako pa ang mas na-excite habang binubuksan niya iyon. Ang ingat pa nga ng pagbubukas niya. Hindi na lang punitin iyong wrapper pero hinayaan ko na lang.

At hindi ko na napigilang mapangiti nang makitang amaze na amaze si number eleven sa una niyang regalo.

Matcha Kit iyon.

Double-walled glass bowl, chasen bamboo whisk, matcha whisk holder, at matcha measuring spoon and sifter. Tapos sinamahan ko na rin ng unsweetened matcha powder kasi aanhin niya iyong kit kung wala mismo iyong matcha, 'di ba?

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now