Pinaandar na ni Stefan ang kotse at doon lang umimik si Sophia dahil hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"We were getting married. I want you to be my bride."

Lumuwa ang kaniyang mata dahil sa sinabi nito.

"W-What?"

Hindi umimik si Stefan at nakafocus lang ito sa pagmamaneho.

Si Sophia naman na mas dumoble ang kabog pagkabog ng dibdib ay tila hindi mapakali dahil sa sinabi ni Stefan.

"Ano'ng sinasabi mo na magpapakasal tayo? Are you insane?!" hindi niya makapaniwalang tanong.

Hindi ulit sumagot si Stefan.

Napahawak na lang sa noo si Sophia dahil parang sasabog ang utak niya sa mga nangyayari. Ngayong nagkita sila at first time na mag-usap ay papakasalan raw siya nito at gustong maging bride? Ganoon na lang iyon? Magpapakasal sila na parang walang nangyari?

Sa buong biyahe nila ay hindi sila nag-imikang dalawa. Nang tiningnan naman niya ang digital clock sa loob ng kotse ni Stefan ay alas-nuebe na ng gabi. Kung magpapakasal silang dalawa ay may bukas pa kayang simbahan ngayon? At papakasalan ba niya ang lalaking ito na ngayon lang nagpakita sa kanya?

Muli niyang inobserbahan ang kabuoan ni Stefan. Guwapo pa rin ito at mas lumaki ang pangangatawan. Noon pa man ay maalaga na ang ama-amahan pagdating sa katawan. Madalas itong mag-exercise kasama si Ali. Malapit na mag-40 ang edad nito ngunit mukha pa rin itong nasa mid 30s.

Isa si Stefan sa pinakaguwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Ang corny man pakinggan pero mukha itong Greek-God sa isang mythology book.

Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan nila sa tapat ng huwes. May ideya na si Sophia na civil wedding ang kasal na gaganapin sa kanila. Mabilisang kasal ito. Hindi siya sang-ayon sa nangyayari ngunit bakit hindi siya makatutol hindi katulad nang nangyari kanina sa kasal sana nila ni Andres?

Inalalayan siyang makalabas ni Stefan mula sa loob ng kotse. Para siyang basang sisiw sa kalagayan. Mabuti na lamang at hindi malaki ang puting wedding dress na suot niya kaya hindi siya nabibigatan rito. Basa rin ang suot na itim na tuxedo ni Stefan ngunit hindi nito alintana ang itsura. Pareho silang mga basang sisiw.

Pagkapasok nila sa loob ng huwes at pumasok sa isa pang silid roon ay may nakita siyang isang judge na nakatayo sa isang lamesa, isang lalaking mukhang secretary nito na may hawak na suitcase, at isa pang lalaki na hindi niya inaasahan na muli niyang makikita; si Migos.

"Migos?" gulat niyang banggit sa pangalan ng ex-fiancé.

Ngumiti si Migos sa kanya. Ang guwapo nito sa suot na itim na suit at napakagaan ng awra. Ngayon lang niya ito nakitang genuine na masaya.

Tuliro siya nang inalalayan ni Stefan na pumunta sa harapan ng judge na magkakasal sa kanilang dalawa. May pinapirmahan itong papeles sa kanila at dahil sa lutang at parang nasa ibang planeta ang kaniyang isipan ay basta na lang siyang pumirma sa papel. Pati ang wedding vows, pagsagot niya ng "I do", at pagsuot sa kanya ng diamond wedding ring ni Stefan sa ring finger niya ay hindi niya namalayan.

In short, naglalakbay sa ibang planeta ang utak niya! Natauhan lang siya nang magpalakpakan ang tatlong taong nasa silid kung nasaan sila ni Stefan.

Tumingin siya sa lalaking nasa harapan na nakatitig muli nang mariin. Noon pa man ay nagagandahan na siya sa mata ng ama. Bagay na bagay sa magandang facial harmony ng guwapong mukha nito.

"We're now married." ani Stefan.

Nanlaki ang mga mata ni Sophia. Doon lang niya nareliazed na ikinasal na pala talaga siya at legal ito.

"Congratulations to the both of you. Ikinagagalak ko na ako ang nagkasal sa inyong dalawa Mr. Stefan and Mrs. Giovinco." sabi ng judge na nakipagkamay sa kanila. Ganoon rin ang ginawa ng secretary nito habang si Migos naman ay inakbayan si Stefan.

Mas lalong nagulat si Sophia dahil hindi siya makapaniwala na close nang dalawa sina Migos at Stefan. So, kaya pala ito nawala ay dahil si Stefan ang kasama nito? Papaano nangyari iyon?

Nang matapos ang civil wedding at kinausap nang mahigit kalahating oras ni Stefan ang judge at secretary nito ay umalis na rin silang dalawa kasama si Migos. Tahimik silang pumasok sa loob ng kotse.

"I-I don't know what to think. Ang bilis ng mga pangyayari ngayon and you Migos... you're here with us." Pagbasag ni Sophia sa katahimikan nilang tatlo.

"Yes, Sophia. Si Stefan ang tumulong sa 'kin noong binugbog ako ni Andres, and I can't believe na demonyo at traydor pala ang gagong 'yon!" Lumabas ang galit ni Migos nang banggitin ang pangalan ni Andres at kumuyom ang panga at kamao nito.

"Your family is still looking for you-"

"Alam nina Mom at Dad kung nasaan ako, Sophia. Pinapalabas lang nila na hinahanap pa rin nila ako dahil kapag nalaman ni Andres kung nasaan ako ay siguradong papatayin niya ako." Pagputol ni Migos sa sinasabi ni Sophia.

Natahimik si Sophia. Hindi niya alam na ganoon na pala katindi ang galit ni Andres kay Migos. Maging pati siya ay naloko rin sa kabutihang ipinakita nito sa kanya sa mga nagdaang buwan.

"I would rather you to marry Stefan than to be with that evil. Andres ruin everything to me including my family's business."

"What?" gulat na saad ni Sophia.

Napangisi si Migos at para itong maluluha ngunit pinigilan lang. "Si Andres ang dahilan kung bakit nalugi ang business namin at inagaw ka sa 'kin. I will not forgive him for what he had done. Gaganti ako sa ginawa niya sa akin at sa pamilya ko." may diin nitong sabi.

Napahawak sa bibig si Sophia. Naawa siya sa kalagayan ni Migos. Noon pa man ay hindi naman ito ganoon kasama, masyado lang talaga itong nahumaling at umasang mamahalin niya pabalik. Si Andres ang totoong masama at makasarili.

Matapos iyon ay wala nang nagsalita sa kanila. Pinaandar na rin ni Stefan ang kotse hanggang sa makarating sila sa isang malaki at magarang mansyon.

Pagkapasok nila sa loob ay sinalubong sila ng mga nakapilang maids at bodyguards sa tapat ng malaki at mataas na gate ng mansyon. Huminto sa paglalakad si Stefan kaya napahinto rin sina Sophia at Migos.

"Everyone, I would like you all to meet, Sophia. My wife." seryosong pagpapakilala ni Stefan kay Sophia mula sa mga maids at bodyguards na nakahilera.

"Good evening, Ma'am Sophia." sabay-sabay na sabi ng mga maids at bodyguards at nag-bow ang mga ito tanda ng paggalang sa kanya.

Nahihiyang tumango at ngumiti si Sophia sa mga ito. "Good evening din po sa inyo."

"Please take care of her. Prepare a hot shower for her and buy the clothes and other things she wants." ani Stefan at pagkatapos ay lumabas na ito ng mansyon at hindi na siya sinulyapan.

Nagtatakang tumingin si Sophia kay Migos. "Saan siya pupunta?"

Bumuntonghininga si Migos at hindi sumagot.

---
Hi! How are you, Anjies? It's been a long time. Sorry for the late update dahil lately ay busy talaga ako sa works ko huhu

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now