Naalis lang siguro iyong camera sa 'min no'ng tinawag na ang mga players ng both schools para sa official warmup. Ang laki ng ngiti nitong isa at napailing na lang ako.

Sure akong may bagong Tiktok video na naman kami mamaya. Lately, napapadalas ang mga gano'n. Hindi rin maiwasan na makabasa ng mga hindi magagandang comments lalo na iyong galing sa mga may Bible verse sa profile nila pero hindi ko na lang pinapansin.

At syempre tuwang-tuwa naman si number eleven kasi may bago na naman siyang panonoorin bago matulog. Yep, pampatulog niya raw iyong mga Tiktok edit sa 'min. Gumawa pa nga siya ng Tiktok account para ro'n. Weird pero kung saan siya masaya, support ko na lang. Matagal niyang pinangarap iyan, e.

"Patayin n'yo!" Sigaw ko no'ng nagsimula na iyong game.

Set 3 na. Nakuha ng Easton ang first 2 sets tapos lamang pa sila ngayon ng 3 points. Halata na ang game plan nila ay maging aggressive sa service line para hindi makagawa ng play si Jerome at sobrang effective no'n kasi wala kaming receive.

Frustrated na si coach. Mababa na ang morale ng team. Halos tahimik na ang supporters ng Creston. At ako na kung pwede lang pumasok ngayon sa court ay gagawin ko para makatulong sa kanila.

At iyon na nga, natalo kami in 3 straight sets.

Naramdaman kong inakbayan ako ni number eleven. Hindi siya nagsalita pero alam kong pinapagaan niya iyong loob ko. Pero mas kailangan ng team iyon ngayon.

Pero hindi na rin masama ang bronze medal, 'no. Nilaban naman ng team. Hindi lang siguro talaga namin year ngayon na makapag-finals. Tapos na-injure pa ako...

Basta, alam kong babawi kami.

Babawi ako next year pagkatapos ng recovery ko.

Hangga't may playing year, maglalaro ako at ilalaban ko talaga ang Creston University.

"Kai, kanino mo ipupusta ang bente mo?" Tanong ni Kiko no'ng dumating na ang game 1 ng finals.

Binatukan nga lang agad siya ni Paul. "Tanga, malamang kay Alejo ang pusta ni Kai. Ba naman 'to!"

"Malay ko ba kung Easton ngayon kampi si Kai for a change? Tanga mo rin, e!"

"At bakit naman niya kakampihan ang Easton? E, 'di nag-away sila ni Alejo?"

"Ingay n'yo! Ito na bente ko. Westmore ako," sabi ni Vince.

Nag-away pa sila ro'n pero hindi ko na masyadong pinansin. Kinakabahan na rin kasi ako. Ewan ko nga, e. Hindi naman ako ang maglalaro pero mas kinakabahan pa ako kay number eleven.

Ka-chat ko nga iyon kanina. Tinanong ko kung kinakabahan ba siya pero ang sagot lang sa 'kin ay last week pa raw niya alam na sila ang mananalo. Napakayabang talaga minsan ng isang iyon.

Pero syempre, aside sa gusto ko silang manalo dahil nakataya ang 4-peat championship ng Westmore, e, sana injury-free ang finals series na 'to for both teams. Tama nang ako ang huling na-injure ngayong season kasi as an athlete, ang hirap talaga hindi lang physically pero mentally rin.

"Here comes Westmore University!"

Nakisama kami sa sigawan nang tawagin na sina number eleven para sa official warmup. At ano pa nga ba? Sa boyfriend ko agad nakatutok ang camera.

Naka-game face mode nga agad ang baby.

Ready na humampas ng bola.

Napangiti ako kapag naiisip na hindi mo makikita ang seryoso niyang mukha kapag kasama ko siya. Palagi lang malambing tapos namumungay ang mga mata.

Times like this, napapaisip pa rin talaga ako kung paano ko naging boyfriend si number eleven. Mas lalo na kung paano niya ako nagustuhan. Tignan mo naman kasi siya. Ang gwapo ng loko lalo na kapag suot niya iyong paborito kong jersey niya na kulay dark blue.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now