AFTER 10 YEARS

1 0 0
                                    

Naalala ko noong 13 years old ako ay lagi akong napapagalitan dahil nagshoshota na ako kahit bawal pa.

Sobrang tigas ng ulo ko, hindi ako nakikinig sa mga magulang ko dahil ang gusto ko lang ay ang kasiyahan ko.

Puro ako gala, gala dito gala doon at dahil sa paggagala ay doon ko nakilala ang greatest love ko. Nagkuhaan ng fb, palitan ng messages, ligawan hanggang naging kami.

Maraming tutol nang nalaman nila dahil nga kami ay mga bata pa at wala pa sa tamang edad. Pero hindi ako nakikinig sa kanila dahil mahal ko siya.

Nagtuloy kung ano kami magkasabay lagi umuwi, gala ng palihim at usap sa chat kapag cellphone ay nasa akin. Naging masaya ako sa kung ano meron samin kahit palihim.

Siya ang rason kung bakit sumaya ako pero bakit ang daming hadlang? kesyo bata pa kami, hindi pa dapat kami nagshohota.

Hanggang sa aksidente kong hindi nalog out acc ko kaya nabasa nila ang chat naming dalawa. Galit na galit sila pero di ko maintindihan kung bakit? bakit kailangan pa nilang pagbantaan na būbugbugin siya?

Pinaghiwalay nila kami kaya wala akong magawa kung hindi makipaghiwalay muna pero nangako naman siyang maghihintay siya hanggang sa okay na, hanggang sa okay na yung panahon

Masyado akong nalungkot non kaya may mga bagay akong nagawa na dapat hindi gawin katulad ng pagl@slas. Napakababaw dahil para sa isang lalaki ay nagagawa ko yun pero para sa'kin ang hirap, ang hirap dahil nilayo nila sa'kin ang kasiyahan ko.

Bumaba rin ang mga grado ko kaya lalo akong napagalitan aaminin ko na kasalan ko na kaya nagsumikap ako sa pag aaral. Pinanghawakan ko yung sinabi niya na maghihintay siya at pag aaral na lang muna hangga't wala pa ang tamang panahon.

Ngayon, pagkalipas ng sampung taon ay
masaya kaming magkasamang kumakain ngayon. Kasama ang naging hadlang sa amin noon na suportado na ngayon.




– expect grammatical errors ahead:// No copying; plagiarism is a crime

Aceline One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon