***

My eyes widened in shock when after five minutes of giving my address to him ay lumitaw kaagad ang kotse niya dito sa harap ko. Napalunok nalang ako sa hiya nang bumaba siya at lumapit sa akin.

I couldn't help but to scan his outfit.

He's wearing a gray sweater and black shorts. Ang gulo pa ng buhok niya, pinilig ko pa tuloy ulo ko nang may maalala na naman.

Nakakainis na talaga itong isip ko!

"Let's go?"

"Sigurado kang okay lang sa'yo?"

"It's an easy ride." he shrugged his shoulders "Don't worry, I'm harmless."

I sighed "After this, I'll treat you to a meal." I said, his face lifted as a smile plastered on his lips.

"Gusto ko yan." aniya at binuksan ang pinto ng passenger seat, sinenyasan niya naman ako pumasok doon. Draken really looks handsome with just that look, genetic na ba talaga ito sa mga Alvarez?

"Mag stop ka sa gas station, I'll pay for the gas." sabi ko nang magsimula na siyang mag drive.

"Alright."

Nagulat pa ako kasi usually sa mga lalaki kapag sinabi yan ng babae parang ayaw pa nila. Etong si Dk pumayag naman kaagad? He's a different breed, I guess.

Nasa may Casisang pa lang kami nang tumunog ang monitor ng kotse, pahiwatig na may tumawag sa phone niya.

"You still got a call at this hour?" hindi ko mapigilan mapatanong, it's already 1 am.

"Kaya nga hindi ako natutulog e." biro niya saka pinindot ang green button. Iniwas ko nalang ang tingin ko para kunwari hindi ako interesado sa usapan nila ng tumawag. Hinayaan niya talaga sagutin yon habang nandito ako?

Napakurap kurap akong napatingin sa kanya nang magsalita siya gamit ang language nila. It makes sense kung bakit bastang basta niya lang sinagot.

He sounded so cool and fluent speaking korean, bakit ang gwapo pakinggan? Parang sa mga pinapanood kong kdrama lang.

"It's my cousin." aniya nang pinatay na ang tawag, I nodded.

"Asean?" tanong ko

Umiling siya "Si Asean lang kilala mong pinsan ko? That's good." aniya at iniliko ang kotse sa gas station. Kinuha ko ang wallet sa sling bag at nilabas ang card saka inabot sa kanya.

Casual niyang tinanggap iyon bago kinausap ang gasoline boy. I opened my phone to text my brother, kasalukuyang chini check pa daw ng mga doctor ngayon si Mama dahilan para mas nanaig pa ang pag-alala ko.

"Care to tell what happened to your mother?" ani Dk sabay balik ng card ko.

"She has arrhythmia." sagot ko at napabuntong hininga.

"I'm sorry to hear that."

"Okay lang." tipid akong napangiti

"You have other siblings right?"

Tumango ako "Tatlo kami. Eh ikaw?" tanong ko.

He pursed his lips "We're four." sagot niya

"Okay ikaw ang bunso." paghula ko, base pa lang sa expression niya, halatang halata na. Natawa naman siya nang mahina at napailing nalang, he thanked the gasoline boy bago nagsimulang mag drive ulit.

"Mostly the black sheep."

Napaayos ako ng upo at tinignan siya gamit ang expression kong ayaw maniwala "Paano mo naman yan nasabi? You have a job."

Whispers of TomorrowWhere stories live. Discover now