5th - Videoke date 💘

249 27 5
                                    

Heartfelt

Date posted: February 07, 2024

________________________________________

Pagkababa namin ng sasakyan ay tinanong ko sya kung anong gusto nya gawin sa mall.

Mga 30 mins din ang inabot ng byahe namin papunta dito, medyo natraffic kami kasi weekend ngayon.

Madami na kami napagusapan sa loob ng 30 minutes na yun. Meron na din ako nalaman sa kanya.

Kagaya ng wala din pala sya masyadong friends sa school kagaya ko.

Na nagiisang anak din sya kagaya ko at yung father nya parang once a month lang umuwi sa kanila kasi nagwowork ito sa probinsya as engineer ng isang project dito.

Madami kaming similarities kaya hindi na ako magtataka kung madali ko syang magiging kaclose.

"Gusto mo manood ng movie?" suggestion ko, parang wala pa kasi sya maisip na gawin kaya ako na nagsabi. Mas ok yung sa sinehan mas okay na bonding.

"Ah sige!" Tila excited na sagot nya. Parang ang tagal nya na hindi nakakanood sa sinehan. Wala ata syang friends na nagaaya sa kanya.

Pumili muna kami ng movie na pwede namin panoorin. Nagkasundo kami manood ng english movie na love story, wala din kasi ibang movie na maganda.

Bumili muna kami ng malaking pop corn saka tig isang coke.

Ang tagal ko na din mula ng huli ako makanood ng movie sa sinehan. Hindi na kasi ito naging "in" mula ng mauso ang Netflix at mag download ng movies online.

Madalas kasi mas nauuna pa ang makapagdownload ka sa online kesa ipalabas ito sa sine.

Hawak ko yung popcorn at isang coke habang naglalakad na papasok sa loob.

Ang dilim sa loob, it will take minutes din bago makapag adjust ang mata namin sa dilim.

Naramdaman ko na humawak sya sa braso ko habang naglalakad na kami paakyat sa hagdan.

"Kailan ka huling nanood ng sine?" I asked habang hinahanap namin yung seat number namin.

"Actually hindi ko na maalala. Mabuti na nga lang pumunta tayo dito." She answered, paupo na kami.

Inilapag ko yung popcorn sa lap ko habang sya nakatutok na yung mata nya sa screen.

Hindi pa naman nagstart yung movie saka konti pa lang mga tao dito sa loob.

Dumukot ako ng popcorn saka ito nginuya habang pinagmamasdan ko sya ng nakaside view.

Doon ko napansin ang tangos pala ng ilong nya.

Hindi kasing tangos na kagaya ng mga amerikana pero yung sa kanya di hamak na matangos compare sa ibang pinoy.

Saglit syang bumaling sa akin. Nahuli nya akong nakatitig sa kanya.

"May boyfriend ka na?" tanong ko.

Hindi nya sinagot ang tanong ko, nagsmile lang sya "Bakit ikaw ba? Ang popular mo sa school, ang dami mo siguro admirers."

Hindi nya sinagot yung tanong ko, mukhang secret talaga ang relasyon nila ni Crush.

Umiling ako "Wala. Single lang."

Parang hindi sya naniwala sa sinagot ko, gusto pa nya magcomment kaso bigla na nagstart yung movie.

Dumukot lang sya ng popcorn.

"Nakakatawa pala yung movie na 'to." She said habang nakatutok ang mata sa screen.

Habang ako ay nakatitig pa din sa kanya, nakakaaliw kasi sya tignan habang nanonood.

Heartfelt 💘 (on-going)Where stories live. Discover now