05

12 1 0
                                    

AKIRA'S POV

Nag paalam muna ang kanilang ina para puntahan ang isang anak na umiiyak. Nung kami nalang apat ang natira sa mesa ay bigla silang nanahimik at hindi na nag kiboan. Ang panganay ay umiinom lang ng wine at sa iba naka tingin, iyong pangalawa naman ay matunog na bumuntong hinga at naka simangot parin na naka tingin sa taas kong saan umiyak ang batang kapatid kanina. Si Amih naman ay bigla nalang akong kinalabit at bumulong bulong.



"Bakit ang tahimik mo diyan, ha?" tanong niya kalaunan.



"Bakit? Ano ba dapat ang sasabihin ko?" kunot noo kong ding tanong sa kanya.



"I mean... aren't you going to say something?" she raised her eyebrow at me.



"Nakakatamad ng mag salita Amih. Tumahimik kana nga lang diyan," bahagya akong lumayo sa kanya.



"Unfair ka Akira. Alam mo ba 'yon?" sumimangot siya. Hindi ko siya maintindihan dahil wala naman talaga akong dapat pang sabihin. Unfair naba ngayon ang pananahimik?



"Anong nakaka unfair don? Hindi ako tulad mo na isang oras ay kayang mag ingay," sumbat ko sa kanya.



"Ahh, talaga? all this time hindi ka manlang mag e-explaine sa akin? Like... hello?! Hindi mo man lang ba sasabihin sakin kong anong pinagusapan niyo ni lolo kagabi? o kung bakit tayo titira dito? Akira put some more girl... mag salita ka naman," talagang hindi siya tumitigil.



Nilingon ko siya, kaya siguro ang tahimik niya kanina dahil ito pala ang laman ng kanya isip. Kung sakaling hindi siya kinausap kanina ay paniguradong kayang tagalan iyon ni Amih.



"E diba sabi mo maganda namang tumira dito?" inikot ko ang paningin sa kabuuan ng bahay.



"Oo. At biro ko lang 'yon pero tinotoo niyo naman!" masama siyang tumingin sa akin.



"Ayaw mo niyon? Your wish is our command," biro ko pa.



"Tsee! Iwan ko sayo. Basta mag kwento ka sakin mamaya ha? Patay ka talaga sakin, makikita mo," Itinuro turo pa niya ako. "At baka nakakalimotan mong sinigawan mo din ako kanina ha?! Taray naman ng grand entrance mo te, no?" gigil niya.



"Oo na, pasensya na, napaka ingay mo kasi." Umatras ako at inalis ang paningin sa kanya.



Pagkatapos naming mag usap ni Amih ay nakita kona agad sila papa, papalapit na sila sa amin at masasabi mo talagang ganoon iyon ka importante dahil ngayon lang sila natapos.



"I'm sorry, it took so long because what we talked about was important." aniya matapos umopo at sumandal sa tabi ko.



"Anong pinagusapan niyo?" walang gana kong tanong sakanya. Hindi ko intensyong makialam. Gusto ko lang malaman kung bakit ganon iyon ka importante.



"Hindi. Wala yon, trabaho lang," umayos siya ng upo.



Tumango ako sakanya at hindi na nag salita pa. Matapos ang sandaling iyon ay napagdesisyonan naming umuwi na, gusto pa sana ng kaibigan niyang magtagal kami dito pero dahil meron pa daw siyang aasikasohin sa hotel at kailangan niyang mag impake para bukas ay tumanggi siya.



"We need to go. Maraming salamat sa oras mo," Paalam ni papa sa kaibigan. Hinatid nila kami hanggang sa labas.



"Sigurado ba kayong uuwi na agad? We have guest room naman if you want. Para sabay na din tayo papuntang airport bukas," suggestion nito. Talagang hindi pa kami gustong paalisin.



The Light of Love (Skoutlers Series #1)Where stories live. Discover now