01

59 1 0
                                    

HAIDEN'S POV

"Good morning everyone!"



Masayang bati ko sa pamilya ko ng makitang nasa baba na silang lahat at ako na lang ang kulang. Lumapit agad ako sa kanila at nakipag batian. I smiled when I saw my little sister being held by mommy. I immediately approached her and give her a tiny hug.



"Hi baby girl, how was your slept?" tanong ko dito. "Namiss mo nanaman si kuya, ano?" biro ko pa.



"Good morning kuya, I slept well," she smiled.



Kinuha ko siya kay mommy at saka ako naupo doon at paharap siyang niyakap.



"Nako, kaya nga kami umuwi dahil palagi kayong hinahanap niyan sakin e," mommy frowned.



"Paniguradong ako lang ang namimiss niyan, kaya siya umuwi." Sabad ni Haiken, ang nakatatanda kong kapatid. Lumapit ito sa amin at nilaro laro ang bata. "Right, baby?" tanong niya dito. Nakita ko kung paano nangunot ang noo niya ng asta ko itong ilayo sa kanya.



"Ang kapal mo, hindi nga'to lumalapit sayo." Pang aasar ko sa kanya. Natawa silang lahat ng naroon. Maliban sa kanya na padabog na umopo.




Pikon talaga.




"I miss seeing the three of you, together," si Daddy habang pinag mamasdan kaming tatlo. May panghihinayang sa kanyang tinig.



I've been busy with my studies for the past few months na naging dahilan para hindi kona sila gaanong ma contact sa ibang bansa. My parents and I live in a different path because of work and I only live with my older brother. Sa madaling salita ay hindi kami palaging nag kakasama.



"Mas mabuti pang wag niyo na munang dalhin si Kiah sa america dad, palagi nalang si Haiden ang nakikita ko dito. His face is boring," kunot noong suggestion ng kapatid ko, nginiwian ko siya.



"I'll think about it," sagot ni Daddy. Nag katinginan sila ni mommy.



Matapos niyon ay nag pahanda na si mommy ng makakain namin. Tinulungan ko din sila yaya para gawin iyon. Para naman hindi sila mahirapan at mapadali ang ginagawa.



"Haiden, don't you want to eat?" tanong ni Daddy kalaunan ng mapansing hindi ako kumakain.



"I'm full, Dad," pag-tanggi ko.



Napansin ko si mommy na hindi nakakain dahil ino-una niya si Kiah kaya para makakain nadin siya ay kinuha ko ito sa kanya.



"Are you sure?" tanong niya nang aasta ko itong kunin sa kanya. "You should eat first," Parang nag dadalawang isip pa siyang ibigay ito sa akin.



"Don't worry mom, I'm not hungry," sabi ko at tuluyan itong kinuha sakanya at pinaupo.



I let Kiah to set on my lap saka ko siya
pinakain. "Airplane kuya, airplane," utos nito. Natawa ako ng sumimangot siya sa akin.



"Okay."



Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin at walang alin-langan kong itinaas ang kutsara at parang inililipad iyon sa ere. Napangiti ako ng ibinuka niya agad ang bibig niya kahit hindi pa ito naka baba at saka ko iyon hinay hinay na isinubo sa kanya. "Yamm."



The Light of Love (Skoutlers Series #1)Where stories live. Discover now