Chapter 1: First Day of SHS student

10 1 0
                                    

"Chancy"

Nagising ako ng madaling araw 4am na, ayaw ko pang bumangon kase inaantok pa ako nun pero need ko nang tumayo baka kase malate ako sa school lalo na't back to school again... Pero bago ako tumayo tumulala pa akong 5 minuto dahil sa antok. Nag-alarm ulit yung cellphone ko, nagulat ako kase akala ko na-off ko na yung alarm ko. Sinampal ko yung sarili ko para naman mawala yung pagka antok. Sabi ko nun sa sarili ko habang papunta ako ng kusina, "sana naman hindi nakakakaba, kase ibang mga mukha na naman makakasama ko this year, at sana may maging inspiration ako... Hay, tama na nga!"

Makalipas ang 1 oras, ng matapos ako sa paggagayak ay nag-paalam na ako kay mama dahil gising naman na sya. "Mama, papasok napo ako sa school, ipinagluto ko na po kayo ni papa ng breakfast nyo". Sagot naman ni mama " Sige anak salamat, eto nga pala baon mo, mag-iingat ka ha, hwag kana maggala baka mapano ka pa dyan basta kapag may problema magsabi ka lang sa amin ng papa mo ha? " at agad ko naman sinagot "Opo ma salamat po, alis na po ako" sabay yakap ko sa kanya. Kinuha ko yung bike ko para mas mapabilis ang dating ko sa school, lalong sumaya yung umaga ko habang nagbibike ay nakikinig ako ng music.
Pagka dating ko sa school, dito na ako kinabahan dahil marami nang estudyante, napa-sana all nalang ako kasi yung mga dati kong classmate ay magkakasama parin habang ako ay mag-isa sa kinuha kong strand na TVL.

Marami ding mga transfer sa school, kaya napangiti ako dahil feel ko na may magiging crush na ako. Pumunta muna ako sa bulletin board para tingnan kung saan bang floor yung room namin. At ng makita ko ito ay agad ko ng pinuntahan.

Pumasok na nga ako sa room namin kahit nahihiya din at habang papasok ako sa nakatingin sakin ang lahat, umupo ako sa hulihan kase ayokong nasa likod. Makalipas ang ilang minuto may dumating na isang lalaki na transferee, nagulat ang mga kaklas3 naming babae at napatili napasabi na nga lang yung isa na "ang cute naman nya, anong kayang name? " eka nya ng nasa harapan ko. Umupo sya malapit sa tabi ko, isang upuan lang ang pagitan kaya sobrang ilang ko dahil malapit sa'kin sya, pagka upo nya ay napansin nya na wala akong katabi kaya naman nagulat nalang ako ng bigla syang humarap sa akin.

"Hello, bago ka lang din ba dito? " anya na sinagot ko naman ang tanong nya, "Ahhmm... Hi-hindi ah" nauutal at pangiti kong sinabi at agad umiwas ng tingin. Nagsalita ito ulit, "May iniintay kaba?" sabi nya kaya kinabahan ako lalo, "Wala naman, wala nga akong kakilala dito e haha" sabi ko habang inuusod ng konti yung upuan, "pwede ba akong tumabi sayo? " sabi nya na narinig naman ang mga katabi namin. "Ahhmm.... " hindi ko alam ang sasabihin ko nun at buti nalang dumating na yung adviser namin, nakahinga ako ng maluwag pero nasa akin parin yung kaba nun dahil mag-iintroduce pa kami isa isa.

Nang magsimula sa unahan, dito nako kinabahan ng sobra para bang ayaw kong tumayo sa harap, nang tumayo naman yung katabi kong transferee, halos gusto ko nang sumuko at napasabi sa sarili na "sana pala hindi muna ako pumasok". Nagpakilala ang transferee sa harap at ang mga kaklase ko naman na babae ay kilig na kilig habang ako ay natatakot dahil sa kaba. " Hello ako nga pala si Ralph jake Santiago, 17 years old at varsity player sa basketball sa dating school at hilig ko magluto at magdrawing, mabait at palakaibigan, you can call me as a name Ralph" nagtiliian naman  ang iba at sabi ko naman sa sarili ko "Ahh... Ralph pala ang pangalan nya" matangkad kasi sakin si ralph, maputi ang kutis, at mala-korean ang style ng buhok parang si cha eun woo sa kdrama, gayang gaya nya lalo na sa paglakad at paghawak ng bag laging bitbit ng isang balikat at hawak ng kanang kamay.

Ng Bumalik na si Ralph sa upuan "kaya mo yan, go lang! " sabi nya na nakangiti at nginitian ko nalang at tumayo papunta sa harapan at sinimulan kong magsalita. "Hello sa inyong lahat ako nga pala si Chancy kaye Valencia, 16 years old, pet, music, book and coffee lover, marunong akong gumawa ng spoken poetry at kumakanta din, may pagka mahiyain lang, tawagin nyo nalang ako sa pangalang chancy" sabi ko na nakahinga din ng maluwag at bumalik sa upuan ko. Nagsalita naman si Ralph "Chancy, pwede ba akong makipag-kaibigan sayo? " sabi nya na nagpaisip sakin "Ahhmm... Sure walang problema haha" sabay kamot sa ulo "Mabuti naman pumayag ka, wala kasi akong makausap ngayon e, pero pinsan ko yung babaeng naka ribbot na red si cyrille" sabi ko naman "Ahh bakit hindi kayo magkatabi?" tanong ko "Minsan lang ako pansinin nyan lalo na kapag may kailangan o kaya naman ay trip mang-asar haha" nahiya naman ako dahil ako walang kamag anak na kasama ko sa school dahil iisang babae lang ako at ang kuya ko ay may trabaho na.

Fallen (Senior High School Love Story) TagalogUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum