"Sama ka?" Bahagya siyang nagulat sa tanong ko bago dahan-dahang tumango.

"Bawal mag ligawan sa kotse ko." Paalala ni Jacob natawa naman ako.

Hinayaan ko lang si Caelum na ligawan ako, minsan moody din talaga siyang tao. Pero hindi ko maitatanggi na nahuhulog na ako sa kan'ya, pa'no ba naman kasi halos ubusin niya ang oras niya para sa akin. Kahit pagod siya galing sa practice nila.

"Bakit biglaan ang uwi ni Aven?" Tanong ko kay Jacob habang nagmamaneho siya.

"Manonood siya sa Summer Fest." Buong galak na sagot ni Jacob."Excited na talaga ako."

Sobrang daming pagod ang ginawa nila para mabigay ang kanilang best para sa Summer Fest. Syempre tinulungan namin sila sa mga susuotin at kakailanganin nilang gamit. Maski ako ay excited talaga dahil kahit kilala na sila sa pinas mas makikilala pa sila kung patuloy nila itong gagawin.

Ang perang naiipon nila ay binibigay sa mga orphanage o kaya naman ay nag-do-donate sa bawat baranggay. Hanga talaga ako sa pagiging pursigido nilang magkakaibigan.

Pagkarating sa airport agad naming naabutan si Aven na sosyalin ang pananamit. Hindi pa rin siya nagbabago naka shades pa siya at naka hills pa.

"Oh my goshy! hey pinsans!" Mahigpit kaming hinagkan ni Aven. Muka siyang masaya ngayon.


"Baka pati mga tao na makakasalamuha mo rito ay sungitan mo ha?" Natatawang sambit ni Jacob inirapan siya ni Aven.

Naramdaman ko ang kamay ni Caelum na pasimpleng sinasakop ang kamay ko. I smiled.

"Samahan mo rin ako, pwede?" Bulong niya. Tumango lang ako kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.


"Goshy! Are you the guitarist? Caelum, right? The nag gigitara---electric guitar rather!" Gulat na tanong ni Aven


"Uh... yes," nahihiya namang tugon ni Caelum. Naningkit ang mata ko dahil ro'n. Hindi naman siya mahiyain ah?

"Nice to meet you, Aven nga pala. Jacob and Aisha's pinsan." Nilahad ng pinsan ko ang kamay niya.

"My friend mentioned you to me, kasi nag-aral din siya sa university niyo. And Oh my goshy! She saw you kissing with the girl, no'ng event niyo raw? Ha-ha silly!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Aven ganon din si Caelum. Nagkatinginan kaming dalawa.


Shit. May iba pa ba siyang hinalikan no'n sa event bukod sa'kin?

"Kissing?!" Mas lalo akong kinabahan dahil sa nagtatakang mukha ni Jacob.

"Yeah ki—"

"Grabe! Nakakagutom ang pagsundo sa'yo!" Putol ki kay Aven kumapit ako sa braso niya at hinila siya sumunod naman ang dalawang lalaki na nasa likod namin.


"Ah, yep! nagutom din ako e, feeling ko hindi sapat yung serving nila sa plane."

Kung ako man ang tinutukoy ni Aven na kahalikan ni Caelum talagang mababatukan ako ni Jacob. Buti nalang at mabilis naming naiba ang topic hindi talaga mawawala ang pagiging madaldal ni Aven.

Kumain lang kami bago ihatid ni Jacob si Aven. Tumakas pa ako para lang sumama kay Caelum daig pa tuloy namin ang nagtanan.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. He grinned as he drove.

"Secret, para thrill." Walang kwenta niyang sagot inirapan ko naman siya't hinayaan nalang sa pagmamaneho niya.

Huminto kami sa isang road kung saan may mga puno sa gilid at kakaunti lang ang dumadaang sasakyan. Bigla akong kinabahan. Pagkababa namin ay nilapitan ako ni Caelum kaya pinaningkitan ko siya ng mata sabay yakap sa aking sarili.


"Ano'ng gagawin mo sa akin?!" Kumunot ang noo niya. "Kukuhanin mo ba ang perlas ng silangan?!"


"What the fuck, Aisha! I will not do that thing." Stress niyang sagot. Napatango naman ako. " Unless you want me to do." I slapped his arm and he laughed.


"Gago mo ah,"

"Sa'yo lang naman ako titino." Aniya hinagkan niya ang kamay ko. "Let's go."

Tinahak namin ang daan at habang tumatagal ay natatanaw ko ang isang malawak na sapa at may mga halaman sa gilid nito. May nakalatag na picnic table at may mga pagkain may wine pa at flowers naroon din ang gitara niya.

Tangina. I did not expect this and I can say that it is very beautiful. First time kong madala ng lalaki sa ganito. Napangiti ako nang marealize na maswerte ako dahil ako ang nagustuhan niya.

"I'm afraid of places like this that you can swim in, especially the pool or beach." Napatingin ako sa kaniya. Hinawakan niya akong muli kaya naramdaman ko ang lamig ng kamay niya.

Dahil sa trauma niya sa nakaraan kaya siya natatakot. Pero bakit niya ako dinala rito?

Hinila niya ako ng marahan at pinaupo sa sapin.

"Bakit dito mo ako dinal kung takot ka?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"Because I want to face my fear with the woman who gives me light and whom I love. When I'm with her I feel like all the darkness surrounding my past has been removed."

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now