【CHAPTER 9: DUSTIN】

Start from the beginning
                                    

Naiwan akong nanlalambot at parang kandila na nalusaw dahil mabilis akong nabuwal mula sa pagkakatayo. My eyes welled up with tears, and in a second, I started breaking down.

Dad punched me...

Nalaman na nila ang resulta ng DNA tests at galit siya sa akin... Galit sila sa akin. Mom was disappointed in me. Sooner or later, malalaman na rin 'to ng mga kapatid at pinsan ko. Even I was disappointed in myself. I fucked up big time. But how the fuck did I impregnate someone? I'm always using protection! Damn it!

Pasado alas ocho na ng gabi nang bumaba ako. My parents left again, but this time with Duke, I was all alone. My parents are neglecting me. It's my fault, so I can't complain. Hindi na ako sigurado kung may karapatan pa ba akong manirahan dito sa mansion pagkatapos ng nangyari.

So I decided to leave... The guard opened the front gate when he saw my car driving through the way. Gusto kong makalimot at magpakalasing kaya dumiretso ako sa isang hindi kilalang bar. Pagdating sa bar, iginiya ako ng waitress sa pinakadulong table. I immediately ordered a dozen hard liquors so I could start drinking. Nag-order din ako ng pulutan dahil hindi pa ako kumakain.

May isang babae at lalaki ang nasa itaas ng stage at kumakanta. Bumuntong hininga ako at sinandal ang likuran sa bakal na monobloc. Dalawang waitress ang dumating bitbit ang mga orders ko. Maingat nilang inilapag sa lamesa ang sisig at barbecue kasama ang isang bucket ng beer.

"How much to pay for a song?" I asked, pointing at the karaoke machine on the stage.

"Ten pesos po, sir... Ihulog niyo lang po sa machine kung gusto niyo kumanta," sagot ng waitress.

I opened the bottle of beer before nodding. "Thank you..." I said.

Tumungga ako ng beer mula sa bote na hawak ko saka bumuntong hininga. Every time I feel like crying, tumitingala ako at humihinga ng malalim para umurong ang luha.

"Nais kong magpakalasing dahil wala ka na. . . Nakatingin sa salamin at nag-iisa nakatanim pa rin ang gumamelang binalik mo sa 'kin. . . Nang tayo'y maghiwalay, ito'y katulad ng damdamin ko kahit buhusan mo ng beer. . . Ayaw pang mamatay. . ."

I was caught off guard when I heard the next song. Tangina, bakit 'to? Dalawang lalaki ang sabay na kumakanta sa entablado. Ang saya-saya nila habang ako dito sa gilid ay parang sinakluban ng langit at lupa.

"Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan. . . Upang malunod na ang puso kong nahihirapan. . . Bawat patak, anong sarap. . . Giliw, 'wag mo sanang limutin. . . Ang mga araw na hindi sana naglaho. . . Mga anak at bahay nating pinaplano. . . Lahat ng ito'y nawala no'ng iniwan mo 'ko. . . "

Nagpatuloy sila sa pagkanta habang walang kamalay-malay na may iisang taong narito na damang-dama ang bawat lyrics ng kanta. Nagbukas pa ako nang isang bote ng beer at inisang tungga 'yon upang maubos agad ang laman nito. Pagkatapos, hinayaan ko lang na magpagulong-gulong ang bote sa lamesa at nauupos na sumandal saka ipinikit ang mga mata.

Halos malunod na ang bituka ko sa dami ng beer na nainom ko pero wala akong pakialam. Hindi ko matanggap na sa isang iglap, nagkaroon ako ng anak.

"I fucking miss you so much, Aphrodite. . . Please, umuwi kana. Umuwi kana sa akin," I whispered drunkenly.

Nasanay akong nandyan siya palagi. Hindi ko na alam ang gagawin ngayong wala na siya. Kung kailan ko gustong magseryoso na sa buhay, ngayon pa nangyari 'to.

Nang nawala si Rara ay parang gumuho ang mundo ko— Pero ngayong may panibagong pagsubok na naman ay napagtanto kong hindi pa pala gumuho lahat noon.

I stood up when I was already feeling satiated with liquors. Kanina pa ako bayad kaya tuloy-tuloy na akong naglakad palabas nang hindi nililingon ang kahit sino.

TAMING THE VICIOUS STORM (Familiá Altamirano #4)Where stories live. Discover now