CHAPTER 8 ⚠️WARNING⚠️

70 4 0
                                    




Si Marga kasi nakaisip ng ganito eh, dapat daw makapasok ako sa Capitol na ito at magkaroon ng posisyon para palagi kaming magkita ni Matthew.



Kasi base daw sa interview ni Matthew na napanood niya sa Youtube, gusto raw ni Matthew sa babae ay yung alam kung paano ang pasikot sikot sa politika.



Pinanood ko rin ang interview na yun, pero base sa mata niya at expression hindi siya seryoso sa sagot niya at parang napilitan lang. Pero dahil Political Science ang course ko, medyo may alam ako sa mga ganito at kung paano ang process nila sa pangungurakot sa pera ng taong bayan.



Ayaw ko naman sana sa course na yun, kaso itong si Dad ang pumili. Hayss, kailan ba ako magiging malaya mula sa kaniya? Palagi niya na lang pinapakialam mga desisyon ko.




"Lunch time na."-rinig kong saad nung isang employee. Ayoko mag lunch, tatapusin ko muna ang bwesit na ito.




Maya maya, tumigil muna ako at nag cellphone, 1 hour break time naman.


Nag text pala si Marga, magtanong siya kung nakakuha ba daw ako ng posisyon. Bwesit na buhay ito, para akong Senior high school na nag iimmersion dito.


Magiging succesful kaya itong plano namin? Kung hindi pa ito umepek, ay ewan ko na lang talaga.


Reneplayan ko namam si Marga.

Margaretth

"Nakakuha ka ba ng posisyon?"

You.
"Oo, may trabaho ako kaya mamaya mo na ako istorbuhin."

Nagreply naman siya agad.

"Omg! Ano ba posisyon mo?"
"Pinalitan niya na ba yung Assistant niya? Omg!"


Napairap naman ako.

You.
"Hindi, sige na mamaya na lang."


Tsk! Istorbo masiyado, nag ayos na ako ulit ng mga paper works. Inayos ko ito sa isang shelf at linagay ang iba sa mga box.


"Excuse me po maam, delivery po maam para sa inyo."

Medyo nagulat pa ako sa Delivery man na sumulpot sa may sa tabi ko.

"Naku, wala po akong inorder eh. Baka nagkamali lang po kayo."-sabi ko at pinagpatuloy ang pag aayos.


"Pero, diba ho kayo si Alessandra Villanueva?"-tanong pa nito.

Tsk, baka pinadala ito ni bakla. Wala naman akong nagawa kundi tanggapin ang denedeliver niya na food. Pagkatapos ay umalis na ito.



Habang nag aayos ng mga paper works ay kumakain na rin, at saka nagsidatingan yung mga ibang empleyado na nag lunch sa labas.


"Wow, ang sosiyal naman. Mukhang sa mamahaling resto ka pa nag order ng pagkain mo ha."- napairap naman ako sa sinabi nung superior ko na mukhang alipunga. Hindi ko siya pinansin, paki ko sa kaniya. Inggit yarn? Hay naku, baka kapag sinabi ko sa kaniya na fiance ako ng Governor eh. Mahimatay siya sa sobrang inggit.



"Napakabastos mo naman, kinakausap ka ng superior mo."-sabi pa niya na halatang nainis sa pang iignore ko sa kaniya.


Tinigil ko naman ang pagsubo at liningon siya.

"Gusto mo ba makatikim ng pagkaing worth of 10k? Anyway, magkano ba sahod mo rito? 50k a month?"- taas noong tanong ko at tumayo pa. Medyo matangkad ako ng konti sa kaniya dahil sa heels na suot ko kaya medyo tumingala pa siya sa akin.


"Hindi ko sinasabing richkid ako, pero kumikita ako ng pera kahit walang ginawa. Gusto mo bang malaman kung bakit ako nandito sa capitolyo na ito?"- tinaasan ko pa siya ng kilay.



"Bakit nga ba? May backer ka lang ata, kaya ka nandito eh."-sabi pa niya. Ayaw talaga tumigil ng babaeng ito ah. Naglakad naman ako papalapit sa kaniya.


"Backer? Umhh... What do you mean backer? Like---"


"Ehem. Ehem."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, dahil sa may tumukhim sa may gilid ko ng tignan ko ito ay yung assistant ni Matthew.


"Pinapatawag ni Gov sa office niya ang bagong intern."-sabi pa nito.

"Okay."-nakangiting saad ko, binitbit ko ang bag ko, nginisihan ko muna si alipunga bago ito tinalikuran at naglakad patungo sa office ni Matthew.


Pagpasok ko sa office niya ay nakaharap ito sa isang computer.


"Did you miss me?"-pang aasar na tanong ko at tiyaka linapitan si Matthew. Naupo ako sa may gilid ng mesa niya na parang inaakit pa ito dahil medyo kita ang konting legs ko.


"Mahirap ba ang first day mo?"-tanong niya habang sa computer pa rin nakatingin.


"Umh, hindi naman. Basic lang naman sakin yon."-sagot ko at tinukod ko ang dalawang kamay ko sa mesa at tiyaka nag crosslegs. Hindi ba siya naaakit sa akin?


"That's good."-sabi pa niya.


Nakita ko ang panginhinig ng kamay niya na nakahawak sa mouse ng computer. Tsk. Kaya naman kinuha ko ang kamay niya na parang kinagulat niya.


"Nanginginig lagi ang kamay mo, overwork ka kasi lagi. Siguro kailangan mong magpa check up."-sabi ko habang hinihimas himas ang kamay niya.

"Tsk. Wala ito."-sabi niya at saka binawi ang kamay niya na hawak ko. "Anyway, kaya kita pinapunta rito, dahil gusto ko lang sabihin sayo na dapat maayos mong pakisamahan ang mga staff dito. Lalo na ang superior mo, at tiyaka... huwag mo rin babanggitin ang tungkol sa atin."-sabi niya na medyo nahihiya pa.


"Sa atin? Bakit masama bang ipagkalat na may gusto ka sakin?"-pang aasar na saad ko. Medyo nanlaki pa ang mata niya dahil sa sinabi ko.


"Tigilan mo na ang kakaganiyan mo, aware ka naman siguro na  isa akong Governor diba? At magiging big deal sa media kapag lumabas ang tungkol sa atin."-sabi pa niya na sobrang seryoso.



"Okay fine."


"Then last, huwag mo rin sasabihin sa mga staff dito na anak ka ni Mayor Villanueva."-dagdag niya.


Napansin ko naman yung paper bag na nasa kabilang desk, pareho yun ng paper bag na pinaglagyan ng pagkain nung deneliver sa akin?

Hindi kaya? Hmmm.

Magkukunwari na lang ako na wala akong alam at nakita, pero isa lang nasisiguro ko. Concern siya sa akin at nag aalala na baka malipasan ng gutom.


Ewan ko ba, pero parang natutuwa ako sa nakita ko. Parang alam ko na kung saan niya inorder ang pagkain na yun. Doon sa  Garden resto na pinuntahan namin last time.


"Matt."

"Hmm."


"Gusto mo bang mag out of town tayo?"-tanong ko rito na todo ngiti pa. Matagal tagal na rin akong hindi nakagala eh.


Tiyaka, nasa plano namin ni Marga ito. Dapat daw masolo ko si Matt, para makita nito na nag effort ako. Si Matthew daw kasi ang lalaking, walang ibang ginawa kundi ang magtrabaho ng magtrabaho.


"Ah sir, natapos ko na po yung..."

Sa sobrang gulat ko ay nagmadali akong bumaba mula sa pagkakaupo sa mesa at natapilok pa then.

"Ouch!"

Nasalo lang naman ako ni Matthew habang nakaupo pa ito sa swivel chair niya, habang akk nakaupo sa may kandungan niya at nagkatitigan sa isa't isa sa sobrang taranta.


Narinig ko ang pagsara ng pinto na hudyat na lumabas na si Franco ng office, kaya umalis na ako mula sa pagkakandong sa kaniya at tiyaka nagmadali lumabas ng office niya.


Haysss, buti hindi kami nagkiss eh. Tulad ng sa mga kdrama, nagkakahalikan kapag natapilok ang isang babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FALLEN INTO YOUR LOOK (ESCUDERO SERIES #4)Where stories live. Discover now