CHAPTER 6 ⚠️WARNING⚠️

92 8 1
                                    

"Matt...."-pagtawag ko sa pangalan niya. Sandali itong napahinto sa paglalakad pero hindi lumingon sa akin.



"Let's get M-married."-diretsang saad ko, na halos nahirapan pa akong huminga dahil sa sobrang kaba.


"Then?"-tanong nito at nakalingon na sa akin. At naglalakad pabalik sa may kinatatayuan ko.


"Umhhh. Napag isip isip ko kasi na....."


"Na ano?"

"Na ayoko sumuway sa utos ni Daddy."-medyo napayuko pa ako sa hiya.



Oo na, ako na ang walang hiya. Pero ayoko kasi mawala kay Dad ang pinaghirapan ng angkan niya at ayoko rin makasama si Ate.







"Are you sure?"-tanong niya at isang metro nalang ang layo namin sa isa't isa. Tumango tango naman ako.

"Do you think, I believe in you?"-seryosong turan niya. Ibig sabihin ba hindi siya naniniwala sa sinabi ko? Sinasabi niya ba na sinungaling ako? "Pina-Cancel ko na ang Wedding Plan, kaya wala na akong magagawa pa roon."-dagdag niya at tumalikod saka naglakad paalis.


No way!


"Matthew! Bakit ayaw mo? Dahil ba marami akong naging boyfriend?!"-halos pasigaw ko na saad na kinahinto niya sa paglalakad kaya naglakad ako papalapit sa kinatatayuan niya.



"Oo na, marami akong naging boyfriend, but I'm still Virgin!"-malakas na boses na turan ko. Nagtungo ako sa harapan niya, napayuko pa ito na parang nanginginig ang paa.



"You heard is right, fresh na fresh gusto mo try natin."-mapang asar na turan ko at yumuko pa para tignan ang mukha niya pero umiwas ito. "Available ba bahay niyo? Doon natin testengin."-saad ko while grinning smile.



"Sir, Maam. Kailangan na po natin umalis,may meeting pa si Sir ng 10 am."


Haysss, istorbo naman itong julalay niya. Napangisi naman ako bago tuluyang talikuran si Matthew. Pinanlakihan ko pa ng mata yung assistant niyang istorbo, hindi pa ako tapos mang-asar sa boss niya eh.



Nang makalapit ako sa sasakyan, agad akong sumakay sa backseat. Haysss, nakakahiya naman yung sinabi ko. Pero totoo naman lahat yun eh.


Nang pagbuksan si Matthew nitong Julalay niya ay parang nagulat pa siya ng makita niya akong nakaupo sa backseat. Napailing iling na lang siya at naupo na sa may tabi ko. Medyo kinabahan pa ako, dahil sa mga sinabi ko kanina.



Habang pabalik ng Capitol ay sa labas lamang ako nakatingin, hayssss! Ano bang pinaggagawa ko sa buhay ko?!


"Maam, ihahatid ko na po ba kayo sa bahay niyo?"-tanong ng Assistant ni Matt na tumingin pa sa rear view mirror.


"Wag muna, gusto kong magmall kaya ihatid mo ko sa Mall."-saad ko na walang gana at napasandal pa sa bintana.



"Okay lang po ba kayo maam?"


"Mukha bang hindi?"-walang gana na tanong ko at napairap pa. Kung ayaw ni Matthew akong pakasalan, magpapakalasing na lang ako. First time na may tumanggi sa akin na Lalaki. Napapikit naman ako, ewan ko naiinis ako sa katabi kong Governor!




Haysst!


Maya-maya pa huminto na ang sasakyan sa may tapat ng Mall. Tinignan ko muna ng masama si Matthew, bago bumaba ng sasakyan. Padabog ko pang sinara ang pinto ng kotse, saka naglakad papasok sa entrance ng Mall.


Dumiretso ako sa may isang Chinese Restaurant na nasa loob ng Mall, nagutom kasi ako bigla. Nag order lang ako ng ilang dishes na kaya kong bayaran saka ubusin. Habang naghihintay sa order ko, hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ba ang next plan ko para mapapayag si Matthew.


"Aless!"

Napalingon pa ako sa tumatawag sa akin. Oh my!


Isang gwapong lalaki ang nakangiti sa may harapan ko.


"Austin, what are you doing here?"-parang hindi ko makapaniwalang tanong. Naupo naman siya sa tapat ko.


"Diba, ikaw dapat ang tinatanong ko ng ganiyan? Tss."


Hayss, ang cute niya pa rin talaga. Kung hindi niyo naitatanong, siya ang first crush ko. Simula pa ng bata kami, magkakilala na kami. Kalaro namin siya palagi noon, meron pa nga siyang pinakilala sa amin na kaibigan niyang bata noon. Pero ayoko sa batang yun, dahil hindi naman nagsasalita at ayoko sa tahimik na bata.



Kaso si Austin, simula't sapol si Ate ang gusto niya. Sinundan pa niya sa ibang bansa si Ate sa sobrang pagkagusto niya rito.




"Akala ko ba, hindi kana babalik sa hometown mo?"-tanong pa niya at bahagyang napangisi.



"Akala ko rin eh. Pero may nangyari kasi kaya bumalik ako rito."


"Nangyari? Ano naman yun?"

Dumating na ang mga order ko.

Kwenento ko kay Austin ang tungkol sa amin ni Matthew, simula nang ma engage kami hanggang sa na-cancel ang wedding, tapos pinupursue ko si Matt. Kilala niya namam siguro ang Governor dito eh.



8pm.


Nasa isang bar kami ni Austin ngayon, yinaya ko siya uminom. Kung yinaya ko sana si Marga, eh di kilig na kilig na ang baklang yun kay Austin.


"Aless, pahiram muna ng phone mo ah."-agad ko naman binigay kay Austin ang phone ko at umalis ito satable namin at may linapitan na bartender. Medyo marami na akong nainom, haysss.


Napakadami ko nang problema, dinagdagan mo pa talaga Matthew ah! Humanda ka talaga sakin! Maya maya pa bumalik na si Austin at binalik niya na rin sakin ang phone ko. Hindi na ako nagtanong kung ano ang ginawa niya sa phone ko.



"Austin, alam mo ba wala pang tumanggi sa akin? Siya lang! Arggh!"


"Relax, gusto mo na bang umuwi?"-tanong niya. Umiling iling naman ako.

"Gusto ko pang uminom, bigyan mo ko ng maraming alak."-utos ka pa rito, papikit pikit na ang mata ko. Pero kaya ko pang uminom! Nag order pa nga si Austin ng mga alak.


Maya maya, umalis si Austin at nakipagsayaw ito sa mga babaeng nagsasayaw. Hayss, bakit niya ba ako iniwan dito.


"Tara na iuuwi na kita."-rinig kong boses lalaki  at hinila pa ako para tumayo. Isang lalaking nakasombrero. "Bakit ka ba pumupunta rito?"-panenermon pa niyang saad. Hinayaan ko naman siya alalayan niya ako patayo hanggang sa paglalakad palabas ng Bar.


Guardian Angel ba ito? Halos yumakap na ako sa baywang niya, dahil hindi ko kayang maglakad ng maayos dahil sa sobrang kalasingan. Nang makalabas ng Bar ay nagtungo kami sa may waiting area na may bench. Naupo kami na magkatabi rito.


"Hoy! Guardian Angel! Alam mo ba kung bakit uminoms hako?"-medyo bulol na ako, shutta.


"Hmm."


"Kasi yung Governor na yun, tinanggihan niya ang tulad ko. Tsk! Hindi siya naniniwala na Virgin pa ako! Huhuhu."-umakting  pa ako na naiiyak. At yumakap sa Guardian Angel ko.


"Yun lang ba ang dahilan mo?"-tanong pa niya habang nakayakap sa kaniya ng mahigpit at nakasandal sa balikat niya.


"Kaya lang naman ako gusto na magpakasal, dahil ayoko makasama ang Ate ko. Palagi niya akong inaaway eh. Ayoko makasama si Ate sa States. Ayoko. Huhuhu."-ewan ko ba, pero naiyak na ako ng tuluyan. Ginawa ko pang pangpunas ang damit niya para sa luha ko. Habang siya hinaplos-haplos niya ang likod ng buhok ko.




"Siguro hindi pa tuli yun si Matthew."-sabi ko at medyo natawa. Narinig ko naman ang mahinang pagngis niya.


"Tss."


"Guardian Angel, wag mo kong ihahatid sa bahay ah. Papagalitan ako ng Daddy ko, sisigawan niya nanaman ako. Huhuhu."-hinigpitan ko ulit ang pagyakap sa kaniya.



FALLEN INTO YOUR LOOK (ESCUDERO SERIES #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora