CHAPTER 19

7.4K 168 9
                                    





Last update for this week, happy weekend! And congrats ulit sa nanalo sa book raffle!







"What are you doing here? Hinding-hindi ka makakapasok sa hacienda ko Donya Emilia." 'Yon agad ang bungad na sabi ni Carlos ng labasin niya ang matanda sa bukana ng kanyang hacienda. Sinabihan siya ng tauhan niya na nandito nga daw ito at gustong makausap ang pamangkin nito at asawa niyang si Misty Faith pero siyempre hindi niya hahayaan na mangyari 'yon. At talagang mahigpit niyang binibilinan ang mga tauhan niya na huwag na huwag din talaga itong papasukin sa hacienda niya dahil ayaw na niyang makita pa ito ng asawa niya. 



"Nasaan na si Misty? Gusto ko siyang makita at makausap." Sabi ni Donya Emilia, medyo lumayo pa nga siya sa takot na masipa ng kabayo na sinasakyan ni Carlos. 



Pagak na natawa ang haciendero sa narinig, ang lakas din talaga ng apog nito na puntahan siya dito at hanapin ang asawa niya na para bang wala itong hindi magandang ginawa kay Misty at naging dahilan kung bakit napadpad ito sa poder niya. "In your dreams Donya Emilia, hinding-hindi mo makakausap ang asawa ko kung 'yon ang pinunta mo dito."



"At bakit hindi? Nakuha mo naman na ang gusto mo diba? At nasa sa 'yo na din ang pamangkin ko at pinakasalan mo na din naman siya kaya bakit nagpapunta ka pa ng abogado sa hacienda ko kahapon?" Nag-iba na ang boses ng donya lalo pa at ito naman talaga ang sinadya niya dito, pero siyempre gusto niya din makausap sana ang pamangkin niya na si Misty Faith at ipaalala dito ang usapan nilang dalawa noon na tutulungan siya nito para hindi makuha ni Carlos ang lupain niya. Pero ang lintek ay hindi na bumalik sa bahay niya ang dalaga at nabalitaan na nga lang niya na pinakasalan na pala nito si Carlos. 





"Gusto ko? Come on Donya Emilia baka gusto mo pang ipaalala ko ang ginawa mo at ng mga tauhan mo kay Misty kaya siya napunta sa poder ko. At dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil hindi kita pinakulong dahil doon." Sabi pa ni Carlos, baka kase nakalimutan na nito ang dahilan kung bakita napunta sa kanya si Misty na kung tutuusin ay hindi naman niya talaga ito mapapangasawa sana pero dahil napadpad na nga ito sa hacienda niya at kinailangan ng proteksyon na kayang-kaya niya ibigay dito ay ginawa niya 'yon, dahil wala na din namang libre sa mundo at lahat ay may kapalit. 



"Hindi ko alam ang sinasabi mo Carlos basta ang gusto ko ngayon ay makausap si Misty." Sabi pa ng matandang babae, buong akala niya kase ay hindi niya mapapakinabangan ang pamangkin niyang 'yon kaya nga nag-utos siya na ipagahasa na lamang ito sa mga tauhan niya sa sobrang inis niya dito. Pero dahil tatanga-tanga din ang tatlong tauhan niya na inutusan niya ay nakawala nga si Misty Faith at nakatakbo. 'Yon nga lang dito pala ito nakarating sa hacienda Elizondo at hindi na niya nakita pa simula ng huling araw nito sa bahay niya dahil hindi lang basta tinulungan ni Carlos ang pamangkin niya kung hindi pinakasalan pa talaga ito. 



"Alam kong alam mo ang sinasabi ko Donya Emilia at isa lang din ang sasabihin ko sa 'yo hinding-hindi mo makakausap pa si Misty Faith." Sabi pa ni Carlos na hinila na ang tali ng kanyang kabayo para bumalik sa loob ng hacienda niya. Kay aga-aga ay may ganitong bisita na siya na ayaw na ayaw niya din namang makita talaga at makaharap. Pero kung hindi niya din kase ito haharapin ay araw-araw naman ito paniguradong pupunta dito. 



"T-Teka Carlos bumalik ka dito! Ilabas mo ang pamangkin ko!" Sigaw ng matanda na para bang nabastusan sa asal sa kanya ng haciendero. At ng huminto nga ito at lumingon sa kanya ay parang nabigyan siya ng pag-asa. At kung sakali na makausap niya ngayong umaga ang pamangkin niya ay iuuwi niya talaga ito sa bahay niya dahil ito ang magiging alas niya dito sa hacienderong ito. 



"May nakalimutan pala akong sabihin." Ani ni Carlos na hindi na pinaandar pa ang kabayo na sinasakyan niya. "Hanggang Biyernes ka na lang pala sa bahay mo Donya Emilia dahil ipapakuha ko na ang hacienda mo sa mga tauhan ko pero don't worry dahil legal naman ang lahat ng mangyayari sa Biyernes at magsasama pa ako ng abogado at mga pulis." 





M.V series 01 Carlos ElizondoOn viuen les histories. Descobreix ara