"Oo nga! Ang bilis ng mga tao. May video agad kayo ng bebe mo, Kai. Tignan mo," sabay harap ni Vince ng phone niya sa 'kin.

At iyon na nga ang sinasabi ko.

Uploaded agad with Enchanted ni Taylor Swift as background music! At napanganga na lang ako nang may isang nag-upload ng mga baby pictures namin ni number eleven! Pati iyong mga high school days namin na ang dugyot ko pa ro'n! Shit, sa'n nila nakuha ang mga iyon? Hindi ko ba na-only me iyong iba kong album?

"I was enchanted to meet you..." kanta ni Kiko at sumimangot agad ako.

"Please, don't be in love with someone else..." na sinundan pa ni Paul, hindi natinag sa simangot ko.

"Please, don't have somebody waiting on you..." at hindi makukumpleto ang tatlong kolokoy kung hindi sasali si Vince. Mga siraulong 'to talaga.

"Ano, kakanta rin ba kayo?" Tanong ko kina Jerome at Drew na parehong tumawa lang.

"Basta, Kai, promise mo," hinawakan pa ni Jerome iyong mga balikat ko. "Kahit gaano pa kagaling magpakilig si Alejo, hindi ka magta-transfer sa Westmore ha? Creston hanggang mamatay, 'di ba?"

Pabiro kong sinuntok ang dibdib niya.

Iniwan na rin ako ng mga loko pagkatapos nilang ma-satisfy sa pang-aasar sa 'kin. Pagkaalis nila ay nagtago agad ako sa pinakalikod ng kotse ni number eleven. Ewan ko pero medyo na-trauma na kasi ako kanina sa mga nagpa-picture.

Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na si number eleven na papalapit. Bagong ligo at nakapagpalit na sa puting shirt, dark blue na jersey shorts, at Nike slides. Nakasukbit din ang duffel bag niya sa kaliwang balikat.

Nagtama ang mga tingin namin at halos matawa ako sa hitsura niya. Alam n'yo iyong tuta na pinagalitan? Gano'n ang mukha niya ngayon.

Anong problema nito? Kanina, ang angas at cool pa niya no'ng in-announce niya iyong sa 'min, a? Bakit ngayon, pinagsamang guilt at takot ang nasa mukha niya? Tapos ang bagal pang maglakad! Parang nasa Burnham lang siya.

"Uy, ano iyan?" Tanong ko nang sa wakas ay makalapit na siya. Medyo nag-aalala na rin ako kasi nag-iiwas siya ng tingin habang nakanguso. "Bakit ganiyan hitsura mo? Congratulations nga pala on your win."

Tumingin na siya sa 'kin. "I'm guilty."

Kumunot na iyong noo ko. "Bakit?"

"About what happened earlier."

"Kanina? Anong meron kanina?"

Hindi agad siya sumagot. Lumapit pa siya saka ako niyakap. "I'm sorry, baby," bulong niya.

"Bakit ka nagso-sorry?"

"I told them we're dating without asking you first."

Hindi agad ako nakapag-react pero niyakap ko na rin iyong bewang niya. Oh... so, iyon pala kaya mukha siyang tutang pinagalitan.

"I know I'm always saying that we'll take this slow but..." narinig kong huminga siya nang malalim at niyakap pa ako nang mas mahigpit. "I'm really sorry, baby."

"Ano ka ba..." marahan kong sabi sabay tapik sa likod niya. "Okay lang iyon. Akala ko kung ano na."

Humiwalay siya sa yakap at nakaawang ang labi akong tinitigan. "You're not mad?"

"Bakit naman ako magagalit?"

Napakurap lang siya sa 'kin. Tignan mo itong isang 'to. Paano kaya niya nagagawa minsan na maging keychain sa pagiging cute kahit ang laki niyang tao? Ang sarap iuwi tapos pagsilbihan at alagaan, e.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now