Ngumiti ulit ako at inabot iyong kamay niya.

"Okay lang ako, ano ka ba," natawa pa ako pero mukhang hindi bumenta sa kaniya. "Promise. Okay lang talaga ako. Nagulat lang 'tsaka... na-violate?"

Nakita ko agad ang taranta sa kaniya. "Violate?"

Shit, namali pa yata ako ng word na ginamit!

"I mean, private moment natin iyon, e. P-in-icture-an tayo nang hindi natin alam kaya na-violate iyong rights ko. Pati iyong rights mo. Iyon! Rights pala! Hindi ako iyong na-violate. Iyong rights natin."

Pero hindi pa rin kumakalma ang hitsura nitong isa. Tumingin siya sa malayo habang nakakunot ang noo. Malalim agad ang iniisip. Nagsisi na tuloy ako na ginamit ko pa iyong word na violate.

"Baby," tawag ko sa kaniya.

Mabilis din naman siyang tumingin sa 'kin.

"Okay lang talaga ako," sabi ko ulit. "Ikaw ba? Okay ka lang?"

Nakita kong bahagya siyang natigilan. "I'm not. I'm actually mad right now to whoever posted our pictures. Why would someone do that?"

Huminga ako nang malalim habang tinitignan siya. Oo, okay lang sa 'kin na malaman ng lahat na kami ni number eleven pero naiinis din ako na sa gano'ng paraan iyon nangyari.

Hindi lang kami pinangunahan, e. Parang may intensyon din iyong gumawa no'n na ipahiya kami. At bilib ako sa effort niya na sundan kami sa Tagaytay para lang picture-an, a? Sana makatulog siya ngayong gabi sa ginawa niya.

"Akala ko ba, gusto mo ng issue? Heto na, o. Ginawan na tayo ng issue. Hindi nga lang sa Tiktok p-in-ost-"

Natigilan nga lang ako sa pagjo-joke nang taasan ako ng dalawang kilay ni number eleven. Awkward akong ngumiti at napakamot sa pisngi. Shit, for the first time simula no'ng maging kami, natakot ako sa mukha niya na naka-serious mode.

Nanginig iyong tuhod kong walang injury. Iyan iyong mukha niya kapag ready nang humampas ng bola, e!

"Sorry," mahina ang boses na sabi ko.

Ready na akong mapagalitan niya pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.

"I'm sorry, baby," sabi niya saka bumuntong hininga. "I'm just mad that something like this happened on your birthday."

"Oo nga, e," sagot ko at sinubsob ko na lang iyong mukha ko sa dibdib niya. "May next year pa naman."

Huminga lang ulit siya nang malalim at naramdaman kong hinalikan niya iyong tuktok ng ulo ko.

"I'm worried about you," aniya.

Ako nga dapat mag-alala sa 'yo, e.

Tiningala ko siya. "Lilipas din 'to. Makakalimutan din iyan ng mga tao. Smile ka na."

"Don't want to."

"Dali na. Smile na. Birthday ko naman, e."

Pagkasabi ko no'n ay pinakita niya iyong signature smile niya. Iyong hindi nakalabas ang ngipin. Natawa na lang ako at napailing. Pilit na pilit ang ngiti nitong isa pero hinayaan ko na lang.

Ilang minuto rin siguro kaming nag-stay ro'n sa gas station hanggang sa ma-realize kong kailangan na niyang makauwi kasi maaga pa ang training niya bukas. Pagkatapos ng 2 hours ay nakarating din kami sa dorm ng Creston. Pagtingin ko sa relo ko ay may 15 minutes pa bago ang curfew.

Tinulungan ako ni number eleven bumaba ng sasakyan. Siya na rin ang nagdala papasok no'ng isang basket ng mga mangga. Ayaw pa nga niyang umalis at kahit gusto ko ring mag-stay muna siya kahit sa lobby lang kami ay pinauna ko na kasi nga kailangan na rin niyang magpahinga.

Jersey Number ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon