Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang doorbell ng apartment niya.

Pareho kaming napalingon sa gawi ng pintuan.

"May inaasahan ka bang bisita maliban sa akin?"takang tanong sa kanya.

"Nope!"saad nito saka tumayo at nagtungo sa pintuan.

"Where's Bella?! "rinig kong tanong ng taong napagbuksan ni Neri.

I know that voice! What the hell is he doing here?

"She's not here, Ken!"pagsisinungaling ni Neri.

"I know she's in there!Bakit ka pa magsisinungaling wala namang ibang puntahan yun kundi ikaw lang!Galing ako sa kanila and she's not there!"asik nito.

"Let him in Neri."mahinahong saad ko.

Ayokong manggulo pa to dito,nakakahiya sa mga kapitbahay ni Neri kung magwala pa to dito eh.

"Where the hell have you've been kagabi? I'm worried sick!" agad na tugon nito pagkalapit sa akin.

"Wag ka ngang OA jan! Did they not tell you?"sarkastikong tanong ko rito.

Natahimik siya sa tanong ko. Biglang nagbago ang mood nito.

"Di ko gusto yung inasal ng bodyguard mo huh! Ang bastos niya, di ba niya ako kilala?"mayabang na tanong nito sa akin.

"Actually, hindi!"prangkang sagot ko sa kanya."Atsaka, ano bang ikinagalit mo? Buti nga hinatid ako noon eh, baka kung ikaw pa maghatid, madisgrasya pa tayo!"inis na balik tanong ko sa kanya.

"Ako yung boyfriend mo kaya dapat lang na ako ang maghahatid sayo Bella!"protesta niya.

May halong galit na sa boses nito pero halatang pinipigilan lang. Hinawakan niya rin ako sa magkabilang braso ng mahigpit.

"Ken, pareho na tayong lasing kagabi kaya dapat lang siguro na ihatid ako ng bodyguard ko, right?!"

Tumaas na rin ang boses ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"She has no right na mambastos sa harap ko, Bella! And I can sense to her na may something sa kanya! Parang may lihim siyang pagtingin sayo!"panghuhusga niya rito.

May kung anong kabang gumapang sa buong katawan ko dahil sa reaksyon ni Ken.

Mahigpit na ang pagkakahawak niya sa mga braso ko.

Nanlilisik na rin ang mga mata niyang halatang galit na galit.

I dont know what's gotten unto him right now but I've already freaking frighten baka kung anong gawin niya sa akin.

Wala kaming ibang kasama rito kundi kami lang ni Neri.

"K-ken. Nasasaktan ako, ano bah?! Ano ba yang pinagsasasabi mo! Magtigil ka nga, kakakita pa lang namin sa isa't – isa kahapon kaya imposible yang sinsabi mo!" sambit ko habang pilit na kumakawala sa hawak niya.

"Hey! Kenjie Chan! Tama na yan!"biglang sigaw ni Neri sa kanya.

Pilit na tinatanggal ni Neri ang kamay ni Ken sa mga braso ko pero sadyang malakas si Ken.

Hinawakan niya ang kamay ni Neri na pilit pa ring tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin atsaka ito itinulak ng malakas habang hawak pa rin ako sa kabilang kamay nito.

"Ano ba Ken! Nasasaktan ako! Ano bang nangyari sayo? Bakit ka ba nagagalit?!" pilit kong magalit para hindi niya mahalata na takot na ako.

Pero sa totoo lang takot na takot na talaga ako dahil sa ginagawa niya.

The BodyguardWhere stories live. Discover now