26

89 2 0
                                    


"Mommy I want pancake please!" bungad ni mie nang makababa ito.

"Okay here alam ko naman na yan ang hahanapin mo kaya nag luto nako." Anya ko at inilahad sa harapan niya ang pancake.

"Whoaa thank you mommy!" anito bago lantakan ang pancake.

"Good morning."

"Daddy!"

Napalingon ako sa bagong dating na si Lucian. Halatang masama ang timpla nito.

"Angyare sa mukha mo?" kunot noong tanong ko.

"Nothing." Anya at lumapit sakin at niyakap ako.

"Anong! Lumayo ka nga!" iritang sabi ko at bahagya siyang tinulak.

"Damot na yakap Lang eh." maktol nito at umirap.

Agad ko naman siyang binatukan.
"Wag mokong iniirap-irapan diyan! Dukotin koyang mata mo!" Banta ko.

Hanep na lalaking toh kalalaking tao
Kung maka irap daig pa ang babae.

"Good morning mga people!"

At hayan na nga dumating na ang mga buraot buti nalang nakapag luto nako.

"Oh kumain na kayo!" Pag aaya ko.

"Yun sakto! gutom nako." si Cyrus.

"Huh? Bakit ka nagutom?" tanong sakanya ni Shion.

"Hindi ako nakakain sa bahay. Hindi kase ako marunong mag luto, tapos yung babaitang stepsister ko maagang umalis hindi manlang nag luto eh." sagot nito habang nag sasandok na ng pagkain.

"Ha?! Hindi ka marunong mag luto? Sa edad mong yan marami kana ngang bulbo—"

"Bunganga mo shion!" biglang putol ni Cyrus sa kaibigan.

"Tama na nga yan Shion! Pare-pareho naman kayong hindi marunong mag luto eh." singit ni Lusha at lumapit sakin at yumakap.

"huy buntis bawal ka ng matamis!" si Arch na pilit inaagaw ang cupcake na hawak ni nacia.

Bigla itong sinapak ni nacia kaya natahimik ito. "Anong bawal? Walang bawal-bawal sakin! pabayaan moko nag iiba ang ugali ko pag gutom at baka hindi kita matansiya at mataguan kita ng anak!" sigaw ni nacia.

Parang naging maamong pusa si Arch.
"EH-hindi naman sa ganun...baka kase makasama kay baby." masuyo nitong sabi.

"Mas marunong kapa sakin! Bakit ikaw ba ang nag bubuntis? Ikaw ba ang nag lilihi?!"

Napatampal nalamang ako sa sariling noo dahil sa ingay nila. Umupo ako sa tabi ni charmie at kumuha narin ng pagkain.

"So mhie kailan kayo babalik ng U.S?"
Biglang tanong ni Elli.

"I don't know... Siguro next week?" Hindi ko siguradong sagot.

Mga nangyari kase ay parang tinatamad akong asikasuhin ang lahat.

"Wag na kayong bumalik sa U.S ma mimiss nanaman kita..." si Nacia na panay ang kain.

Ngumiti nalang ako. Hindi ko kase pwedeng pabayaan ang kompanya ni papa at lalo na ang mag ina.

"Ops... Mukhang may maiiwan nanaman." tatawa tawang wika ni Shion habang nakatingin kay Lucian.

"Shut up moron!" sigaw ni lucian.

Agad naman nag taas ng kamay si Shion at nag patuloy na sa pagkain.
Kumain narin ako.

"Oo nga pala ano nang nangyari dun sa bruha kagabi?" tanong ni lusha.

"Patay na siya dahil sa pagkakatama ng bala sa dibdib niya." si Cyrus.

"Ha! Buti nga sakanya masyado siyang mapapel di naman dapat siya kasali sa kwento natin." Anya ni lusha.

"Enzo kumosta pala ang mom mo?" tanong ni Elli sa tahimik na kumakain na isang kaibigan ni lucian.

"She's fine... Pwede na siyang lumabas ng hospital bukas sabi ng doctor." sagot nito.

"Mabuti naman kung ganun." Anya ni Elli.

Teka nga? Bakit parang concern ang bebe ko? Wala naman sigurong something sakanila Diba?

"Mommy naboboring na po ako... Bigyan niyoko ng playmate ni daddy."

Nanlaki ang mata ko sa inusal ni Charmie. Jusko naman!

"Oh mhie pag bigyan niyo ang hiling ng bata..." mapanuyang sabi ni Lusha.

Sinamaan ko naman siya ng tingin bago tinignan si mie. "Charmie diba sabi ko? mag behave ka lang? saan mo na tutunan yan ha?" malumanay kong turan.

Ngumoso naman ito. "Sabi kase ni tito Shion masaya daw pag may kalaro kaya humingi daw ako sainyo ni daddy lucian." Anya.

Agad na umubo ubo si Shion na nabilaukan yata. "A-ah may tumatawag sa phone ko sagutin kolang." anito at dalidaling umalis.

Tarantado yun ah!

"Wag kang makikinig sa bakulaw na yun Charmie dahil abnormal yun." si Lusha.

"Okay po." sagot naman ng bata.

Tinignan ko si lucian na tahimik na kumakain. hmm...mamaya ko nalang siguro siya kakausapin.

Nang matapos kumain ay tumambay kami sa garden ng mansyon. Naalala ko dati na dito ako laging tumatambay ng kunin ako ni papa. Dito ko nilalabas ang Sama ng loob at mga hinanakit ko.

"Putangina naman oh!" sigaw ni Lusha. "Lumayo ka nga bwesit!"

"Grabe ka naman makatulak! Anakan kita diyan eh."si Shion na lumapit kay Cyrus at pabiro itong sinampal.

"Wala ka talagang magawang matino!" snghal ni Cyrus sakanya.

Jusko namang mga taong to oh hindi na natigilan sa pag babangayan.

"Hey..."

Napalingon ako sa likoran ko at nakita si Lucian. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit?" tanong ko.

"Balak mo pa talagang umalis?" tanong nito sa seryusong boses.

"Hmm... kailangan kase." Saad ko.

"No."

Napatingil ako sa sinabi niya. "W-what?" tanong ko.

"Hindi ka aalis wife." Anya at madiin akong tinitigan.

Umiling ako. "You have no right to say that lucian." Mariin kong sabi.

"No, asawa moko kaya may karapatan ako." umiigting ang panga nitong turan.

"What are you saying? we're done remember?" tanong ko.

"Wala tayong pinirmahan na divorce paper remember? Tumakas ka sakin."
Aniya na kunti nalang ay sasakmalin na ako. "So you're still my wife and still mine." mapag angkin niyang sabi.

"No!" sigaw ko na naagaw ang atensyon ng lahat na nasa garden.
"I'm not yours Lucian. Never!" huling Salita na binitawan bago nag lakad payalo.

Hindi kopa nakakalimotan lahat ng ginawa niya, lahat ng sinabi niya nang araw kung saan ako tuloyang na durog ng mga salita niya.

Aalis kami sa lalong madaling panahon ayoko na dito!

*****
Hm-hmm makatakas kapa kaya zakie?

I SEE NOTHING BUT REVENGE Where stories live. Discover now