Chapter 2

67 9 5
                                    

"I'm gay."

Sandaling tumitig kay Raziel si Cyrus bago ito nagkibit balikat.

"Oh, okay," sabi nito kapagkuwan at ngumiti.

Namamanghang tinignan niya ang lalaki.

"That's it? Okay? I just told you I'm gay," sabi pa ulit niya.

"I heard you. So what? Walang problema sa akin kung ano ang preference mo."

Hindi alam ni Raziel kung anong mararamdaman. For the first time, sinabi niya ang pinakatatagong sikreto sa isang tao na hindi naman siya malapit, pero iyon lang ang reaksyon nito. A part of him is happy dahil hindi big deal dito ang sexuality niya. Pero may parte din sa isip niya na natatakot na baka sinasabi lang nito na hindi iyon big deal pero sa totoo ay nagsisisi na itong inalok pa sa kanya ang makasama sa dorm.

"Wala talagang kaso sa akin. Trust me," sabi ni Cyrus nang ilang sangdali na ang lumipas ay tahimik pa rin siya.

Tipid na ngumiti siya saka tumango. Kahit kasi narinig niya naman ang sincerity sa boses ni Cyrus ay hindi niya pa rin maiwasan ang magduda.

Lumapit na siya rito at hinayaan itong i-tour siya sa kwarto.

"Dito ako humihiga sa ibaba for now, pero kung mas prefer mo rito, pwede naman ako sa taas. I don't mind kahit saan ako," sabi nito. "As you can see, meron nang provided na kutson si senyora, unan na lang ang dadalhin mo saka bedsheets. Maliit compared sa twin sized bed pero sapat naman na, hindi naman masikip."

Tinignan niya ang higaan. Maliit nga iyon kumpara sa normal na single bed. Pero wala namang kaso sa kanya iyon. Ang mahalaga ay may higaan. Bonus pa na libre na ang kutson kaya hindi niya na kakailanganing bumili.

"Itong mesa at upuan natin, premium 'yan," sabi ni Cyrus habang tumatawa. "Normally 'yong puting mesa at monobloc na puti ang nasa mga kwarto, pero inungot ko kay senyora na itong kulay brown ang dito sa 'tin. Pinagbigyan naman ako. Masarap upuan ito, kesa doon sa may butas-butas na upuan," sabi pa nito.

Hinawakan niya ang mesa at medyo natawa. Kulay brown nga iyon pero plastic pa rin. Though mukha ngang mas okay kesa sa normal na plastic table na nakikita niya.

Doon sa mesa ay nakapatong ang mga gamit sa pag-aaral ni Cyrus pati ang bag nito.

Mukhang napansin naman ni Cyrus na nakatingin siya roon.

"Oh, aayusin ko na lang ang mga gamit ko bago ka lumipat. Saan mo mas prefer pumwesto?" tanong nito.

Nag-isip siya sandali at pinili ang upuan na malapit sa pinto.

"Dito na lang ako. May part-time ako tuwing gabi, alas-nwebe hanggang ala-una ng madaling araw. Baka masilaw ka ng ilaw sa laptop kaya dito na lang ako pupwesto. Pati pala sa baba na lang sana ako ng double deck para hindi ka ma-istorbo sa pagtulog kung sakali," sabi niya.

Tumango-tango si Cyrus.

"Sure, walang problema."

Ngumiti siya at tumingin sa gilid ng mesa. Noon niya lang napansin na may bintana pala sa dalawang gilid ng kwarto. Ang wala lang ay ang nakarugtong sa katabi.

Napansin ni Cyrus na tinignan niya iyon.

"Ah, yes. Mga dulong kwarto lang ang may dalawang bintana kaya mas okay ang liwanag kapag umaga. Sakto rin na nasa east nakaharap itong binatana kaya hindi mainit kapag hapon."

Pagkasabi noon ay pumunta naman ito sa harap ng two door cabinet. Plastic din iyon at tulad ng mesa at upuan nila at kulay brown din. Malaki ang pinto noon sa taas na may bakal na sabitan nga mga hanger at may dalawang drawer sa ibaba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sunshine, Coffee, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon