Chapter 1

100 10 0
                                    

"Hi, Raziel!"

Nag-angat ng tingin si Raziel sa mga babaeng tumawag sa kanya. Nakangiti pa ang mga ito at mahinhing kumaway.

Bahagyang tumango lang siya sa mga ito, hindi ngumingiti, bago ibinalik ang tingin sa cellphone niya. Narinig niya pa ang impit na tili ng mga ito na ikina-iling niya na lang.

Hindi lingid sa kanya ang pagpapalipad-hangin ng ilang babae. Pero hindi niya pinapansin ang mga iyon. Bukod pa kasi sa wala siyang oras na makipag-relasyon, hindi sila talo ng mga ito. Pero dahil sa pag-iwas niya sa mga ito ay nagmumukha siyang suplado na sa 'di niya malamang dahilan ay nakakadagdag pa raw sa appeal niya.

Nasa cafeteria siya ng university at hinihintay ang mga kaibigan niyang bumibili ng pagkain nila.

"Pa-cool amputa," narining niyang sabi ng lalaki sa katapat na table.

Hindi na siya nag-abalang tignan kung sino iyon. Alam niyang si Kent ang nagsalita, isang fourth year na tulad niya ay Marketing major din. Mabuti na lang at nasa third year siya, wala silang subjects na magkapareho kaya hindi niya ito makakasama sa klase. Unless bumagsak ito at mag-ulit.

"Magsuplado na rin kaya ako? Kinaka-gwapo 'ata pagsusuplado eh," sabi pa ulit ni Kent sabay tawa pa.

Ni hindi niya na matandaan kung paanong naging target siya nito. Basta bigla na lang na lagi itong nagpaparinig. Pero ang ipinagpapasalamat niya na lang ay hanggang parinig lang ito kaya hindi niya na lang pinapansin.

"Pusta ako, bente, kahit magsuplado ka ipis lang magkakagulo sa 'yo," narinig niyang sabi ng pamilyar na boses. Si Rachel.

Malakas na nagtawanan ang mga tao sa paligid na ikinagalit naman ng lalaki. Kahit siya, medyo natawa, pinigilan niya lang iyon para hindi makita ni Kent.

"Puta ka ah!" pasigaw na sabi ni Kent. Tumayo pa ito at aamba ng suntok pero tumigil din agad nang humarang si Alvin sa paningin nito.

Tumigil agad si Kent at padabog na nag-walk out.

"Sus, duwag naman pala," sabi pa ni Rachel saka naupo sa katapat niyang upuan.

Walang kumakanti kay Alvin dahil alam ng lahat na black belter ito sa taekwondo at hindi ito mangingiming lumaban kung kakaintin ang mga kaibigan nito.

"Nakahanap ka na ng apartment?" tanong ni Alvin na naupo sa tabi ni Rachel.

Inilapag nito ang tray ng pagkain at ibinaba ang mga laman noon sa harap nila. Nag-prisinta kasi ang dalawa na sila na ang bibili ng pagkain kaya naman siya ang nagbantay ng pwesto.

"Hindi pa, may nakita akong medyo mura sa kabilang baranggay, hinihintay ko na lang mag-reply," sabi niya.

Kinuha niya na ang isang pinggan ng kanin at nagsimulang kumain.

"Hey, bros!" narinig niyang sabi ng bagong dating sa likod niya. "And sis," sabi pa nito pagkatapos.

Nakita niyang ngumiti si Alvin dito bago ito bumaling sa kanya.

Napatigil siya sa pagkain nang maramdaman niyang may umakbay siya kanya. Kahit na hindi niya tignan, alam niyang si Cyrus iyon. Ito lang naman kasi ang palaging umaakbay sa kanya na isa sa ikinaiinis niya. Naupo pa ito sa katabi niyang upuan, hindi inaalis ang braso sa balikat niya.

"Hi, Cy! Kumain ka na?" tanong ni Rachel.

"Yep, kakatapos lang," sabi nito kay Rachel bago bumaling sa kanya. "Nakapag-decide ka na?" tanong nito.

Umiling siya saka tinignan ang cellphone niya. Umaasang may reply na roon ang nai-message niyang may-ari ng apartment na nakita niya.

"Okay, then. Just let me know. Pina-reserve ko na muna kay senyora 'yong spot para hindi makuha ng iba. Malakas ako dun eh," sabi nito sabay tawa.

Sunshine, Coffee, and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon