Ikaw Parin

7 0 0
                                    

"IKAW PARIN"
Isinulat ni Binibining Astraea WP ✍️


Matagal na pala
Noong una kitang nakilala,
Mga ilang taon na ang lumipas
Pero nandito padin yung alala mong di kumupas.

Hindi ko pa din nakakalimutan
Ang mga bagay na hindi nais iwanan,
Dahil iyon yung mga bagay
Na may taglay na buhay.

Samantalang ikaw
Ang nais ko pa din isigaw
Pero wala eh kahit anong pilit ko
Hindi na maibabalik yung dati.

Masaya ka na pero masaya ka nga ba talaga?
Kasi nang nakita kita
Mas lalong napaisip ako
Kung ano ang ginagawa mo bakit ka nag iisa sa tabi ng tahimik na paraiso.

Hindi ba sabi mo
Kahit ano man ang nais mong ibalik yung dating tayo
Hindi na katulad ng dating mas masaya tayo,
Pero malay mo maging mas masaya pa lalo tayo.

Kasi ikaw pa din yung hinahanap ng puso ko,
Nangungulila pa din ako
Kasi akala ko malilimutan ko
Pero ngayun napagtanto ko.

Na mahalaga kapa
Ayaw mawala dahil ikaw pa din ang nag iisa,
Nag iisa na mahalin ka
Kaya sana kapag tayo pinagtagpo pa din ng tadhana.

Hindi ko na nais na ikaw ay mawala
Ikaw ang mamahalin na hanggang dulo Ikaw lang wala ng iba,
Ikaw hanggang sa simula hanggang ang buhay natin ay mawala
Ikaw pa din wala ng pipiliin pa .


-@Poem_Write ⁠♡♡ [only on Facebook]
- Tula ng Bawat Pahina ✍️

***

-🖋️🦋

A/N :

You can suggest me some of Tittles I will write it as a poem and I d-dedicate it to you...( ◜‿◝ )♡

Tula Para Sa Mga Hindi Tinadhana Where stories live. Discover now