Ating Pinlano Ngunit Sa Iba Binuo

7 0 0
                                    

"ATING PINLANO NGUNIT SA IBA BINUO"
Isinulat ni Binibining Astraea WP✍️

Saan na nga ba tayo paroroon?
Sa gabing malalim at mahinahon
Habang tinatanaw natin ang malayong
Kabilugan ng buwan habang tayo'y
Sabay na umaahon.

Sa bawat pag hampas ng hangin,
Sumasabay ang lamig ng iyong
pag mamahal sa akin, habang nasa
ibabaw tayo ng buwan duon ko lang
napag tantong mag isa nalang.
Hinahanap ka, parito't paroon ngunit
sa aking pag lingon parang wakas na
ang ating kahapon.



Nakita kong nakangiti ka,
Pero hindi para sa akin kundi para sakanya,
Maswerte siya dahil ang pangarap na
ating pinlano sakanya mo ibinuo.
Sabay pa nga kayo nag sabing ako ay imbitado
Sa kasal ninyo at magarbo.

Namalayan ko na lang aking sarili'y
Nag lalakad at nag pupursige,
Mag-isa sa byahe nitong kwentong ating itinabi
Ngunit ngayung wala kana ikinasal na sa iba,
akala mo siguro lahat ay tapos na, pero mali ka.
Dahil kahit na ako'y mag-isa nalang at walang kasama alam kong makakarating parin ako sa tagumpay kahit na wala ka na.


-🖋️🦋

A/N :

You can suggest me some of Tittles I will write it as a poem and I d-dedicate it to you...( ◜‿◝ )♡

Tula Para Sa Mga Hindi Tinadhana Where stories live. Discover now