Pagdurusa

7 6 0
                                    

“PAGDURUSA”
Isinulat ni Binibining Astraea WP ✍️

Ilang taon na ang nakakalipas
Parang hindi parin ako nakakaalpas
Sa pag sasama nating biglang nag wakas
Isang taon na ang lumipas pero
Parang nandito parin ako sa sitwasyung
Kay hirap namang matapos

Akala ko tapos na
Akala ko wala na
Pero nandito parin pala
Yung sakit at pagdurusa

Noong mga panahon
na kaylangan kita
Nung mga panahon
na dapat kasama kita
Pero bigla ka namang
Hindi nag pakita,

Oo isang taon na,
Lumilipas ang oras
pero ang sugat nandito pa
Nandito, nakatago sa puso kong
durog na durog, Nandito, hirap
makabangon dahil sa sakit na
iniwan mo. Dahil sa pag lisan mo
na walang paalam, Akala mo ayus lang?

Ano, masaya ka?
Masayang nakikita akong ganito
Nakikitang puno ng pait at pag durusa,
Puro sakit at sugat ang natamo ko.
Nang dahil sa pag kawala mo
Sa tingin mo ba ginusto ko ito?

Hindi kita masisi kasi hindi
ko napunuan ang kagustuhan mo,
pero diba dapat naiintindihan mo rin ako?
Kasi kung mahal mo yung tao
handa kang mag antay kahit gaano
man katagal, kasi ang pag mamahal
ay hindi lang napupunuan sa kaylangan.

Kasi para sa akin ang
pag mamahal ay handang
umantabay kahit anong pag
subok man ang dumaan.
Kahit marami ang humadlang
dapat pareho kayong lumalaban.

Pero sadyang mahina ka
Para iwanan mo akong nag iisa
Anong klaseng pag mamahal ang
meron ka, Bakit hindi ko man lang nadama.

Sana masaya ka sa kung anong buhay na mayroon ka.




—🖋️🦋

A/N :

You can suggest me some of Tittles I will write it as a poem and I d-dedicate it to you...( ◜‿◝ )♡

Tula Para Sa Mga Hindi Tinadhana Where stories live. Discover now