CHAPTER 3 : The Engagement

17 7 0
                                    

Part 2 : Chapter 3 : The Engagement Party

Carrie's POV

Pagkauwi ko sa bahay nadatnan ko si Yesha na nagbabasa ng libro sa sala.

"Anong binabasa mo?" tanong ko, habang inilagay sa kusina ang aking pinamili.

"Something Spectacular ni April Avery po ate." aniya.

"Novel?"

"Opo."

Ngumiti na lamang ako. Nakikita ko talaga sa kanya ang kapatid ko, mahilig magbasa ng mga kung ano-anong libro.

Hinayaan ko na lang siyang magbasa at inihanda ko na ang mga lulutuin ko. Sina auntie at uncle ay may importanteng lalakarin siguro ay tungkol iyon sa engagement party para bukas.

Speaking of engagement, until now I didn't know who my fiance is, tinanong ko sila auntie kung sino ang ipapakasal sa'kin pero pati rin pala sila hindi nila kilala kung sino. Kinakabahan tuloy ako, sana naman matino.

Kinabukasan late na ako nagising dahil hindi ako makatulog kakaisip kung anong mangyayari mamaya sa engagement party, kung sinong Ryo ang ipapakasal sa akin at kung handa na ba talaga akong makita si Calvin.

Alas singko ng hapon ay naghanda na ako, kumuha si auntie ng make up artist para make upan kaming lahat, hinatid na rin ni George ang gown na susuotin ko. Nagustuhan ko iyon dahil kuhang-kuha niya talaga ang design na pinakita ko sa kanya. Ready na silang lahat, ako na lang ang hindi.

I'm wearing this elegant white gown features a minimalist design, adorned with subtle sparkly diamond patterns spaced delicately, adding a touch of sophistication and glamour to its simplicity, tinernohan ko ito ng 4 inches na white heels with a lot of silver sparkling around it. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang mahaba na wavy kong buhok.

Habang pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin, may biglang kumatok sa pintuan binuksan niya ito at tumambad sa akin ang naka kulay blue na off shoulder dress. She's so beautiful, kung hindi mo siya kilala aakalain mong dalaga pa. Ngumiti siya sakin ngunit di man lang ito umabot sa mata.

"May I come in?" I nodded. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "You're so pretty Carrie, kamukhang kamukha mo talaga ang mommy mo. I'm so sorry anak ha kung ganito ang desisyon namin ng tito mo, ito na lang kasi ang nakita naming paraan para bumalik ulit sa sigla ang hospital ninyo." Malungkot na sabi ni auntie at hinaplos ang aking pisnge.

"I understand po auntie, don't worry." Ngumiti ako pabalik sa kanya at niyakap siya.

"Thank you, anak." Hindi ko mapigilang mapaluha dahil nararamdaman ko talaga na anak din ang turing niya sa akin. Nung kailangan ko ng ina, si tita Yanie ang palaging nandyan, siya ang gumabay at tumulong sa akin na maka ahon sa lungkot.

"Let's go anak? Tayo na lang ang hinihintay." Inayos ko na muna ang sarili ko at huminga ng malalim bago umalis.

Papuntang venue pa lang kami, ay grabeng kaba na ang nararamdaman ko, hindi ko kasi alam ang irereact ko kung sakaling magkita kami nila Calvin at Alliana. Sa totoo lang, hindi pa talaga ako handa dahil alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako okay, niloloko ko lang ang sarili ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Match Made In Heaven [ON-GOING]Where stories live. Discover now