Pero kahit na ganyan siya, academic achiever siya. Palagi siya nakakakuha ng matataas na marka at Top 1 din siya sa section nila. Top 1 sa pagiging matalino. At mas lalong Top 1 din siya sa mga lalaki na ang hobby ay mang-reject ng mga babae. 

Oo. Marami na siyang mga pinaiyak na babae. At karamihan pa sa mga babae na pinaiyak niya ay sa akin pa naglalabas ng loob. 

Mayroon namang iba na sinasabi sa akin na sabihin ko daw Lucas na naaksidente sila para daw kausapin lang sila. As if naman na gagawin ‘yon ni Lucas. Wala naman siyang pakealam sa kapaligiran niya. 

At ngayon, kasama ko siya na naglalakad dito sa SM. May binitawan siyang pangako na kailangan niyang tuparin. 

Napatakbo ako papasok ng National Book Store. Nakakalimutan ko na may kasama pala ako dala ng pagkasabik ko sa tuwing nakikita ko ang bookstore. Kaagad akong dumiretso sa Books Section para mamili ng mga bagong aklat. 

Napukaw ng atensyon ko ang isang bookshelf dito mismo sa Book Section ng National Book Store. Nilapitan ko ‘yon at kaagad nang pumukaw sa akin ang isang libro. Hanggang sa lumaki ang ngiti ko at hinila kaagad ang isang makapal na libro. 

“Aaaackk!! I really love this book! I love it so much!” Sigaw ko nang mahawakan ko na ang makapal na libro. This is a new fantasy genre book na ipinublish ng author dalawang buwan na ang nakalipas. 

The Ethereal Realms: Tales of Enchanted Magic. 

Ang ganda talaga ng book cover. Simple lang pero ang elegante tignan. Lalo na ang nilagay ng author na babae sa gitna. She really looked like a princess. 

Sinuri ko pa ang presyo nito, pero kaagad akong napangiwi dahil sa nakita ko. 

Php 1, 500?!” Napasimangot ako dahil sa presyo. Ang mahal neto. Hindi ko ‘to kayang bilhin dahil na din sa kulang pa ang pera ko. 

1k pa lang ang naipon ko na pera. Kulang pa ‘yon para sa pinapangarap ko na libro. Hindi ko pa nga nabibili ang Complete Version ng Hell University ni Kuya Kib ‘e. 

Ang nabili ko pa lang ay ang Chasing Hell, pero hindi ko pa nababasa dahil sa hindi ko pa rin nababasa ang Hell University.   

Binalik ko ang libro sa shelf. Ngunit bago ko pa tuluyang nailapag ang libro ay may kamay ng humablot sa libro. Napatingin ako sa kamay at nakita ko na nilagay niya sa cart ang libro. 

“Ako na ang bibili para sa ‘yo.” Ani ng lalaki na kumuha at naglagay ng libro sa red cart. “Pumili ka pa. Damihan mo na.” 

Umangat ang ulo ko. Nakilala ko naman ang lalaking kumuha sa libro at nagsalita. Natatanaw ko lang ang seryoso nitong mukha. 

Tumango ako. “Okay sige. Sabi mo ‘yan ah? Wala nang bawian ‘yan! At isa pa, sinabi mo na din noong isang araw na ililibre mo ako dahil sa mataas ang nakuha kong marka sa exam namin!” 

Tumango na lang siya. “Kahit ilan pa ang gusto mo.” Tinuro niya pa ang i-ilan pang bookshelves. “Doon. Tumingin ako ng mga libro kanina at magaganda ang plot ng stories nila.” 

Kailan pa naisipan ng lalaking ‘to na tumingin sa mga libro? 

Sumunod ako sa kung ano ang sinabi niya. Maraming mga libro ang napili ko. Nilagay ko ang lahat nang ‘yon sa cart na bitbit ni Lucas. Nang matapos na kami ay binayaran na niya ang lahat ng mga pinili kong libro sa counter. 

Naghihintay. Naghihintay lang ako dito sa labas ng bookstore. Nagse-cellphone, and as usual, nasa Wattpad na naman ang atensyon ko. Hindi ako masyadong babad sa facebook. Mas babad ako sa Wattpad at sa iba pang mga e-book reading apps.

Ethereal Realms: Tales of Enchanted Magic. Where stories live. Discover now