::CHAPTER 1::

0 0 0
                                    

VIA'S POV

Habang naliligo ako sa loob ng banyo ay bumalik sa isipan ko ung napanaginipan ko kanina. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maintindihan kung bakit ko ba yon napapanaginipan, hay ilang taon ko na yon nakikita na para bang may koneksyon sa akin ung magkasintahan doon pero hindi ko naman sila kilala.

"Bakit naman kaya ang senaryo na iyon lamang ang paulit-ulit na napapanaginipan ko?" tanong ko sa sarili ko. Hayss ano ba to mababaliw ata ako ng hindi oras eh pati sarili ko ngayon kinakausap ko na. Bakit ko ba yon iniintindi eh wala naman akong koneksyon sa kanila ni hindi ko nga kilala kung sino yon mga yon eh.

Matapos kong maligo ay nagsimula na akong mag hanap ng susuotin ko para sa appointment ko ngayon at ang napili ko ay isang white puff long sleeve top at beige trouser tapos nagsuot lang ako ng isang white sneakers para komportable ako sa pagkilos. Hinayaan ko lang na nakalugay yung buhok ko at naglagay lng ako ng light make up since ayoko mag mukhang clown. Pagkatapos kong tingnan ang sarili ko sa salamin ay bumaba na ako para mag-almusal.

"Oh halika na dito ng makapag-almusal na tayo baka malate ka pa sa appointment mo" sabi ng isa pang bestfriend ko na si Blaire.

"Where's Serina and Carylle?" tanong ko sa kanya

" They left a while ago, they didn't bother to wait for you because they were in a hurry." sagot sa akin ni Blaire

Tumango na lang ako at nagsimula na kaming kumain. Actually 5 kaming magkakaibigan pero ung isa ay nasa exhibit pa sa ibang bansa pero ipapakilala ko na sila sa inyo dahil wala akong magawa. Blaire Chase Lim half Filipino half Chinese, she is the oldest but she's the childish one pero malalapitan mo siya pag may problema ka sadyang madalas isip bata talaga. Serina Lianne Meyers half Filipino half American, she's the brat and conyo girl of the group gusto niya nasusunod lahat ng gusto niya pero syempre wala siyang laban sa akin HAHAHA. Carylle Fleine Cruz pure Filipino, she's the shy type/bookworm of the group. Siya yong palaging may hawak ng libro kaya nga magkasundo kami eh pero mas malala talaga ang pagkahilig niya sa libro kesa sa akin dahil bawat minuto eh may dalang libro yan, mahinhin at mabait yan pero masama siyang magalit. Lastly, Calvien Keith Perez pure Filipino and the only guy in our group. Siya yong nasa exhibit sa ibang bansa ngayon, overprotective at maalaga yan sa amin lalo na at siya lng ang lalaki. Hindi naman namin binibigyan ng malisya dahil ilang taon na kaming magkakaibigan at hanggang doon lng yon. Natigil ako sa pagmumuni-muni ng sumigaw si Blaire sa tabi ko.

"VIA!!?" sigaw ni Blaire dahilan para magulat ako at samaan siya ng tingin

"What the hell Blaire? Hindi mo naman kailangan sumigaw magkatabi lng naman tayo" inis na sabi ko sa kanya

"Ihhh kasi naman eh kanina pa kita tinatawag di mo naman ako pinapansin. Hindi mo na ba ako love?" nakanguso at parang naiiyak na sabi ni Blaire

"Shhh don't cry may iniisip lng ako okay wag ka na magtampo" paglalambing ko sa kanya. Agad naman siyang ngumiti hayss see she's so childish right

"Okay hihi bilisan mo na diyan malalate ka na bebe Via" parang batang sabi niya naman sa akin. Napailing na lng ako bago tumayo sa kinauupuan ko.

"I'm leaving Blaire, I might get into traffic on the way, see you later" sabi ko sa kanya bago ko kunin yung bag ko sa sofa

"Okay bebe Via take care okay, dahan-dahan lng sa pagmamaneho. See you later!" huling sigaw ni Blaire bago ko paandarin ang sasakyan ko papunta sa company na pinag-aapplyan ko. Ngayon kasi ang schedule ng interview ko sa isang sikat na publishing company. After 30 minutes ay nakarating na din ako sa isang mataas na kompanya.

"Excuse me miss do you have an appointment?" tanong sa akin ng isang babae na sa tingin ko ay secretary ng mag-iinterview sa akin.

"Uhmm yes I have an interview scheduled with Mr. Hernández" sagot ko sa kaniya

"Follow me Ms. Hermosa, Mr. Hernández is waiting for you" sabi niya sa akin kaya sumonod ako sa kaniya ng magsimula siyang maglakad papasok sa isang silid. Pagpasok namin ay silid ay mayroon pang isang pinto at doon siya kumatok.

"Goodmorning sir! Ms. Hermosa is here" sabi nung secretary  habang nakasara ang pinto.

"Let her in" narinig ko na sabi ng isang malamig na boses. Geezz nakakatakot naman tapos siya pa ata ang magiging boss ko.. Hayss goodluck na lang self

"Pumasok ka na miss galingan mo ha tsaka goodluck medyo masungit pa naman yon HAHAHA" sabi sa akin nung secretary. Kita mo yun parang nang-aasar pa tsk. Hingang malalim muna hooo kaya mo yan self sabi ko sa sarili ko bago ko buksan ung pinto. Pagpasok ko nakatalikod ung swivel chair niya kaya hindi ko makita yung muka niya pero syempre nagsalita na ako para malaman niya na nakapasok na ako.

"Goodmorni-" di ko pa na natatapos ang sasabihin ko ng humarap bigla yung swivel chair niya at nakita ko ang mukha ng magiging boss ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat at nakita ko na natigilan din siya.

"IKAW/YOU!!" sabay na sigaw namin

HASTA QUE NOS VOLVAMOS A ENCONTRAR, MI AMORWhere stories live. Discover now