Chapter 1

14 0 0
                                    

Chapter 1: Selos

Her POV

Patakbo kong tinahak ang daan patungo sa aming matayog na building, nagmamadali dahil alam kong sa mga segundong ito, papunta na rin sa classroom ang guro namin.

Kakatapos ko lang mag-tanghalian kaya naman hindi nakatakas ang tiyan ko sa pagkirot nito. Saglit tuloy akong napahinto nang makatuntong sa ikalawang palapag ng gusali namin.

Nakapatong ang kamay ko sa hawakan ng hagdanan at ang isang kamay ay nasa tagiliran ng tiyan nang marinig ko ang ingay mula sa kaliwang banda ko. Napatingin ako roon sa hallway at nakita ang ilang mga estudyanteng nakatambay pa sa labas ng room nila.

Agad akong natigilan at saglit na nakalimutan ang iniinda nang masilayan ko siya. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan ng classroom nila, sandal ang likod sa pader at nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Palihim akong napangiti.

Kahit sa katirikan ng araw at kainitan ng tanghali ay mukha pa rin siyang fresh sa kanyang uniporme. Umihip ang hangin ngunit hindi man lang nagulo ang maayos at malinis na hati ng buhok niya.

"Oliber!"

Napatingin siya sa direksyon ko. Naramdaman ko ang paglagpas ng isang estudyanteng lalaki mula sa gilid ko. Hindi niya sinundan ng tingin ang kaibigan dahil natuon ang atensyon niya sa akin.

Bahagyang bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas doon. Sa huli ay itinaas ko nalang ang kanang kamay, nahihiyang isinesenyas ang pagkaway sa kanya.

Kumaway din siya pabalik na may kasamang pagngiti. Napa-iwas ako mg tingin upang itago ang kilig at patakbong tinahak ang ikaapat na palapag kung nasaan ang room namin.

"Late ka na, Casandra!" bungad ng kaibigan kong si Dexter nang makapasok ako sa loob.

Sinuswerte yata ako. Mukhang late ang guro namin ngayon dahil wala pa siya.

Nginitian ko lang ang kaibigan at hinanap ang bangkuan ko. Nang makaupo doon ay isang mabagal na pagbuga ng hangin ang ginawa ko. Nanatili ako sa ganoong pwesto ng ilang segundo, nakasandal ang likod ng katawan sa bag dahil sakbit pa rin iyon sa magkabilang balikat ko.

"Mabuti't wala pa si Ma'am Gwen, may meeting ata sa faculty," anang katabi kong si Janine, ang best friend ko. "Kung na-late ka, minus five ka sa quiz."

Nilingon ko siya, ganoon pa rin ang ayos ng upo at tuluyan nang nailabas ang tinatagong ngiti sa labi, "Feeling ko, ang swerte ko ngayon."

Napatingin siya sa akin at nagtaka, "Bakit? Anong nangyari?"

"Kasi wala pa si Ma'am kaya hindi ako na-late at... nakita ko pa siya," maligayang saad ko.

Hindi na nagtanong si Janine dahil alam niya na agad kung sino ang tinutukoy ko. Nagkatinginan kami at sabay na tumili ng mahina. Pinali-palo pa niya ang braso ko.

Unti-unti namang nawala ang ngiti ko nang mahagip ng mata ko ang lalaking katabi ni Janine sa kaliwa niya na mukhang kanina pa kami pinapanood. Namataan ko pa ang bahagyang pagtaas ng kilay nito nang mapansin ko siya. Napaayos ako ng upo at hindi nalang pinansin si Calvin.

Biglang sumulpot sa unahan ko si Dexter. Naupo siya doon sa bangko na nasa tapat ko ngunit ang katawan ay nakaharap sa amin.

"Ano't tumitili kayo na parang kinurot ang mga singit niyo?" mapang-intrigang tanong niya sa amin ni Janine.

"Dex!" bulyaw ng babae. "Ang bibig mo ang baho ha."

"Hoy! Nag-toothbrush ako, 'no," giit ng bakla.

Hinayaan ko silang magbulyawan habang inaayos ko ang bag sa likuran. Bigla kong naalala na may mga ingredients pala akong dala para sa performance task namin mamaya sa TLE kaya agad kong binuksan ang bag, inilabas ang mga iyon at inayos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paninindigan Kita (Playlist Series #2)Where stories live. Discover now