Sleep 8

25 0 1
                                    

Sleep 8

ERIAN'S POV

PASADO alas sais na ng hapon ngunit nandito pa rin ako sa school, nakaupo sa ilalim ng puno ng soccer field habang tulalang pinagmamasdan ang nag-iibigang kulay ng kalangitan. Kakaunti na lang ang mga estudyante sa mga oras na ito. Yung iba ay nanonood pa ng practice ng basketball team habang ang mga wala namang pake ay umuwi na. Samantalang hinihintay ko naman si Asher na kinakausap pa ng School Head namin.

Napangiti ako nang may maalala. Panigurado kanina pa niya ako hinahanap. Binilinan niya kasi ako kanina na hintayin ako sa labas ng office pero lumayo ako dahil ang boring doon.

Mabilis na kinuha ko ang cellphone ko at pinindot ang camera nang may mga ibon na nagliliparan sa kalangitan. Marami sila, umiikot ng paulit-ulit bago lumipad palayo. Napangiti ako sa aking nakuha. Ang mga ibon na nagliliparan ay tila gumuhit ng hugis puso sa kalangitan.

Napataas ako ng tingin nang may dalawang paa na nakasuot ng itim na sapatos ang gumuho sa harapan ko. Si Asher. Imbes na mainis sa biglaang pag-alis ko ay bahagya pa siyang natawa. Natawa na lang din ako. Hindi ata marunong magalit si Asher e.

“Dito lang pala kita mahahanap,” wika niya saka umupo sa tabi ko. Inabutan niya ako ng tatlong candy na kinuha ko naman. Binalatan ko ang isa saka nilagay sa bibig. Kumain din siya.

“Hindi ka pa uuwi?” tanong ko

Napakibit-balikat si Asher. “Kakarating ko lang, uwi agad ang nasa bibig mo.” sagot niya, “Dumito muna tayo. Gusto ko munang magpahinga sa tabi mo mula sa nakakapagod na araw na ito...” tumitig siya sa mga mata ko. Pinagmasdan ko ang buo niyang mukha at doon ko nakita ang pagod na makabuluhan naman.

Ngumiti ako sakanya, saka marahang hinila ang ulo niya saka ipinatong sa balikat ko. “Just tell me if you're tired, I'll be right by your side.” Sambit ko. Umihip ang malamig na hangin kasabay ng pagpikit ng mga mata ni Asher, dinadama ang hangin ng hapon.

Ipinikit ko rin ang mga mata ko at dinama ang hangin. Hindi ko mapigilang maging payapa sa araw na ito. Ito na siguro ang araw kung saan magsisimula na hindi na ako mag-iisa pa.

“Kailan ang balik ni Ghon?” mahinang tanong ni Asher.

“Hindi ko pa alam. Pero baka sa lunes pa ang balik niya.”
Napapikit na sagot ko. “Bawal siyang magtagal sa labas kaya kahit ayaw niya pang umuwi ay susunduin pa rin namin siya kahit sapilitan.”

Naramdaman ko ang malalim na buntong hininga ni Asher. “May sinabi sa akin si Ghon bago siya umalis...”
Dahan-dahan akong napamulat ng mata sa sinabi ni Asher. Napatakip ako sa bibig ko kasabay ng pagbagsak ng masagana kong mga luha mula sa mata. Hindi ko mabasa ang isip ni Ghon, hindi ko alam kung anong plano niya, pero ang marinig ang mga salita ni Ghon mula kay Asher ang nagmulat sa akin na tama na.

“Ingatan daw kita kung sakaling mawala siya.”

I guess he knew he was slowly slipping away from us. Kaya siya na mismo ang lumayo para hindi namin makita ang panghihina niya.

SABAY kaming umuwi ni Asher. Hinatid niya muna ako sa amin kahit na ilang ulit ko siyang sinabihan na wag na. Pero matigas ang ulo niya at hinatid pa rin ako. Nakakainis minsan ang pagiging matigasin ng ulo nila. As in. Kasi kapag may nangyayaring masama hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko.

“Ash,” tawag ko kay Asher na komportableng nakaupo sa sofa namin habang kumakain ng orange.

“Oh?”

“Ihahatid ka ni Papa kaya huwag ng matigas ang ulo mo at baka mabatukan pa kita d'yan.” matigas na wika ko. Ako ang masusunod sa amin kasi alam ko ang dapat. Kahit pagaling na siya, hindi niya dapat pinababayaan ang sarili niya.

I'LL SLEEP WHEN I'M DEAD Where stories live. Discover now