01: First Encounter

Comenzar desde el principio
                                    

We inherited being carriers but not being straight. Haha. Not surprising daw naman kasi bata pa lang kami, napansin na nila na mas malambot kami kumilos compared to other male kids. And that's okay with them. Grandpa, Granddad, Grandma, and Grandmom have nothing to say about it. Hindi sila against, especially our parents. Tanggap nila kami.

Tanggap nilang gays ang mga anak nila. Although gay kami, we don't dress like women. Nagsusuot kami ng normal na sinusuot ng mga lalaki, which is the reason kung bakit hindi halata that we're not as straight as a flagpole. But so much for that. Wala namang problema. Kasi being gay or lesbian won't define what kind of person you are.

"Let's go, Daine."

"Let's go, Kuya D."

Magkasabay na turan ni Pawn at Gideon na parehong naka-bihis at naka-ayos na. Tumango ako sa kanila at tumayo na rin.

Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng kwarto at tinungo ang direksyon ng elevator. Yeah, our house has an elevator. Our mansion is a classic four-story mansion that our Papa designed by himself. Nasa fourth floor ang room namin, kaya kailangan naming gumamit ng elevator pababa sa first floor, kung saan naroon ang dining area namin, kung ayaw naming ma-haggard kapag naghagdan kami.

Pagkarating sa kusina, nagdasal lang kami at kumain na kasama si Nana. Wala kasi si Mama at Papa ngayon. May business trip sila sa New York, at sa katunayan, kahapon lang sila umalis. Kapag wala naman sila Mama at Papa, laging si Nana ang kasabay namin, which is not new since lagi naman namin siyang kasabay kumain kahit pa andito sila Mama.

Pagkatapos naming kumain, umalis na rin kami. Sa iisang sasakyan lang din kami sumakay. We have Mang Antonio naman, our family driver na siyang naghahatid at sundo sa amin sa hospital. He is Nana's husband. Nagtatrabaho na sila since mga bata pa sila Mama hanggang sa pinanganak na lang kami. They’re family na din.

Pagdating sa parking ng hospital, kaagad na kaming lumabas at sabay-sabay na pumasok. Just like what happens every day na pumapasok kami sa MA Medical Hospital, all eyes are on us, which we hate. We hate too much attention, and we can't blame them kasi aside sa magandang looks na minana namin sa genes ng parents namin, ang parents din namin ang may-ari ng MA Medical Hospital.

MA stands for Morales Alejandro. This hospital is originally owned by our grandparents. To make the MA Medical Hospital history short, Grandpa, Mama's father, and Granddad, Papa's father, are both doctors and best friends who came from well-known families that decided to build a hospital. When they got married to their wives, our grandmom and grandma, of course, nabiyayaan sila ng anak—si Mama at Papa na na-inlove din, at kami nga ang naging anak. In short, the three of us are the successors of MA.

Gaya ng nakagawian naming tatlo, nagpatuloy lang kaming naglakad papasok. We were walking side by side—me, Pawn, and Gideon—not bothering with their stares as dire-diretso lang kami patungong lobby ng hospital, where the nurse station is located. But the moment we arrived there, napa-kunot noo ako at napa-tigil sa paglalakad.

"What's happening here?" Pawn asked Nurse Carran, the assigned nurse at the nurse station.

"Yeah, what's happening here? And why is everyone in a hurry?" I asked. Nagkakagulo kasi ang ibang mga doktor at nurses sa pag-aayos ng mga apparatus and other equipment. "And bakit maraming camera ang naka-set up? What's happening?"

"Ahmmm... Kuya D, Pawn," tawag ni Gideon sa atensyon namin, which made us turn our attention to him. "Remember, Grandpa called kanina, diba? Ahmm... May bibisita daw na celebrity dito sa hospital."

"A what?" tanong ko, kasi baka nagkamali lang ako ng dinig.

"A celebrity," he said.

"Are you sure, Deon?" Pawn asked, using his nickname. "Grandpa knows how we hate celebrities and those people related to the spotlight, so paanong may bibisita ditong celebrity?"

Taming The Sassy Triplets Doctor Donde viven las historias. Descúbrelo ahora