Chapter 9.

14.1K 373 1
                                    

Memories...

Flashback

Kailangan niyang mag-isip ng paraan para makatakas sa yaya nelly niya, lagi Kasi itong nakabuntot sa kanya Kaya Hindi Niya masyadong magawa ang gusto niya. Bawal dito, bawat doon. Huwag dito, Huwag doon. Nakakasakal lalo!

"Yaya, matutulog na muna ako. Huwag mo akong distorbohin ha? Diyan ka lang sa labas Huwag kang pumasok. -dahilan Niya

"Ikaw Talagang bata ka. Syempre kailangan Kitang patulugin at kailangan mo munang magpalit ng damit pawis na pawis kana! -yaya nelly

"Hindi yaya, Ako na. Kaya ko naman eh. I'm a big girl na. -wika Niya at pumasok sa loob ng kwarto

Pagkuway narinig niyang kumatok uli ang yaya nelly niya but she just shouted,

"Leave me alone yaya please!

"Baka tatakas kana naman mika!

"Hindi po, Talagang matutulog lang po Ako! Tsaka miqo po ang itawag niyo sa akin Hindi mika! -Sigaw Niya

"Ewan ko sa Iyo mika! Babalikan kita mamaya diyan at magdadala na ako ng Susi para Icheck ka.

"Sure yaya!

Agad siyang nagpalit ng damit at naghintay ng sampung minuto bago buksan ang bintana Niya sa kwarto. Kailangan niyang mag dahan dahan at mag-Ingat para di siya mahuli ng yaya nelly niya. Nang makalabas sa bintana ay lumingon lingon pa siya at Baka nasa paligid lang ang yaya Niya pati ang ibang kasambahay Nila Kaya mabilis na sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng makita na walang Tao sa bakuran Nila.

Tinignan Niya ang ibabang bahagi ng Kung saan siya tatalon at ng makasigurong nasa tamang lugar iyon ay hinanda na Niya ang sarili sa pag talon.

Pikit mata siyang tumalon at piping sumigaw, takot siya nung una niyang ginawa Ito pero naglaon ay Hindi na Dahil mukhang nasanay na siya sa ginagawa Niya araw araw makatakas lang.

Naramdaman na lang Niya na nag ba-bangee jump na siya sa di kalakihang indoor trampoline na Talagang pinabili Niya sa dad Niya simula nung umusbong ang Plano Niya sa pagtakas araw araw. Pinasadya Niya Talagang ipalagay yun malapit sa bintana ng kwarto niya para mapadali ang pagtakas niya.

Narinig Niya pa ang tunog ng spring ng makababa siya Kaya Lubos siyang nananalangin na sana Hindi marinig ng mga Tao sa loob ng bahay ang Ingay na gawa ng spring. Lakad takbo ang ginawa niya at dahan dahang binuksan ang gate, nagpalinga linga pa siya para Tignan Kung may Tao sa guard house ng makitang wala ang guard
Ay Dali Dali siyang lumabas ng gate at tumakbo patungo sa playground Kung saan naghihintay na ang kanyang kalaro.

"ABH! -humihingal na Sigaw Niya sa kalaro na nakaupo mag-Isa sa swing

"Baby! -masayang Sigaw ng kalaro Niya at tumayo para salubungin siya

"Sorry, ang hirap Takasan si yaya alam mo namang laging nakabuntot sa akin yon.

"Paano kana man nakatakas baby? -malambing na tanong ng kalaro niya

"Dating gawi. -she said and smiled widely

"Naku! Mag-Ingat sa pagtalon Baka mamaya tatalon kana lang ng walang trampoline at mabalian ka ng buto.

"ABH talaga, carry ko lang iyon noh tsaka parang Hindi mo ko kilala. Sanay yata Ako sa mga ganyan, part Kaya Ako sa gymnastic sa school namin.

"Oo na, ikaw na ang magaling. Halika ka, mag swing muna tayo May sasabihin Kasi Ako sayo na importante eh. -ngiting wika ng kalaro Niya at ginaya siya sa katabing swing na kaninang inuupuan nito

Akin Ka (Completed) 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon