At speaking of his birthday, doon ko na-realize na next month na rin pala iyon!

Ano kayang magandang regalo sa kaniya?

Bukod sa volleyball, ano pa bang hilig ng number eleven? Bilhan ko kaya siya ng maraming sando? Paano ba naman kasi, palaging topless kapag natutulog. Gawa yata sa bakal ang baga ng isang iyon, e. Buti hindi pa siya nagkaka-pulmonya sa lamig ng kwarto niya sa dorm nila. Na-discover ko kasi na bukod sa aircon, naka-electric fan din pala siya. Naiisip ko pa lang, nilalamig na ako, e.

Iyon ang naging laman ng utak ko ng mga sumunod na araw. At grabe, hindi ko alam na ganito pala kahirap mag-isip ng ireregalo sa boyfriend mo.

Mas mahirap pa siya kapag may exchange gifts ganap tuwing December, e. Mabuti sana kung pwedeng simpleng tumbler lang ang ibigay ko o 'di kaya ay hoodie. E, for sure naman na marami na siyang gano'n.

Bakit ba kasi rich kid ang boyfriend mo, Kaizen?

Nabili na yata no'n lahat ng gusto niya, e. Dalawa na nga kotse no'n. Tapos may motor pa. Bigyan ko kaya ng truck para iyon naman ang i-experience niya i-drive?

Huminga ako nang malalim habang bumabangon.

Medyo wala ako sa mood ng araw na iyon kasi wala talaga akong maisip na regalo para kay number eleven. Nakakalungkot din isipin na doon ko lang na-realize na wala pa talaga akong masyadong alam tungkol sa kaniya bukod sa sobrang galing niya sa volleyball.

What if... ilibre ko siya ng trip to Thailand?

Wow naman, Kai. Lakas mo. May pera ka? Baka hanggang Tanay lang iyang budget mo?

"Magkano ba iyon..." bulong ko habang nagkakalikot na sa phone ko kung magkano ang plane ticket papuntang Bangkok.

At halos magtago iyong wallet ko nang makita iyong presyo. Ang mahal naman! At speaking of mahal, mamahalin pa kaya ako ni number eleven kung one way ticket lang ang kakayanin ng bulsa ko? Tsk.

At kung kayanin ng bulsa ko, ang tanong, kaya na rin kaya ng tuhod ko no'n?

Ay, ewan! May one month pa naman bago ang birthday niya. May time pa ako mag-isip kung babawasan ko ang kaban ng yaman ko para sa makapag-Thailand kaming dalawa.

Naghilamos ako at nag-toothbrush. Medyo nagtaka pa nga kasi ako na lang naiwan rito sa kwarto. Nasaan na naman kaya sina Jerome at Vince? Alam ko, mamayang hapon pa ang training nila, a?

Bumalik ako sa kama ko na medyo tulala pa. Tatayo na sana ako para kumuha ng kape nang tumunog iyong phone ko. Video call request by mama!

"Happy birthday, 'nak!" Bungad ni mama pagsagot ko.

Napakurap ako at umawang ang labi. Shit... napatingin ako sa calendar at oo nga... birthday ko na pala!

"Thank you, ma," sagot ko nang nakangiti.

"Happy birthday, Kaikai!" Bati rin ni Tita Melba.

"Thank you, 'ta."

Siguro ay mga 15 minutes din kaming nag-usap do'n since sumali rin sa call si papa. Pinakita niya pa nga iyong sapatos na regalo niya sa 'kin. Nagpasalamat ako sa kanila at medyo nanghinayang na hindi na naman ako makakauwi sa Baguio. Last year kasi natapat na may game kami no'n tapos ngayon naman ay injured ako.

Pagkatapos ng call ay sunod-sunod na ang pasok ng mga birthday messages at mga IG stories na naka-tag ako. Nag-thank you ako sa mga bati ng mga former classmates at friends ko sa Baguio. Binati rin ako ng mga pinsan at iba naming relatives.

Meron ding entry lahat ng teammates at coaches ko. Ang sarap nga lang batukan nina Jerome kasi puro stolen shots ko ang p-in-ost nila. Nakakahiya pero wala na, e. Naka-post na. Gagantihan ko na lang sila sa birthday nila.

Jersey Number ElevenWhere stories live. Discover now